Chapter 34 — Mag-aaway
"Bakit ikaw?" Halos mapasigaw ako sa kamay na humatak sa akin.
Nasa car park na kami ng school ngayon. Malawak ito ngunit puro mga kotse. May iilan ding mga estudyante sa paligid. At heto ako ngayon, hawak hawak ni Vans sa harap nilang lahat.
"Anong ako?" Balik tanong ko sa kanya.
Kanina ay hindi naman siya kumibo sa lahat ng mga sinabi ko. Akala ko ay wala na siyang pakealam doon. Dahil nanahimik lamang siya hanggang sa matapos ang klase. It's like nothing happened. Ngayong, uwian, napag-isip isip ba niya ang lahat?
"Ikaw rin naman eh." Aniya sa akin. Nangungunot ang kanyang mga kilay at mahigpit ang kanyang kapit.
Pumiglas ako ngunit walang saysay.
"Sinasabi mong gusto mo rin ako..." Nanggigil niyang kinagat ang labi.
Hindi ako umimik doon dahil ang gusto ko ay patapusin siya.
"Pero ano yung kay Lorenzo? What? You like him too? Pareho mo kaming gusto, ganun?" tanong niya at lumaki ang mga mata ko sa gulat.
What? As far as I remember, kinalimutan ko na ang aking paghanga kay Lorenzo. We are friends now. And I didn't entertain him when he told me that he likes me. Ano itong sinasabi ni Vans?
"Hindi 'yan totoo." Usal ko. Malakas ang aking pagpiglas kaya naman nabitawan niya ako.
"Puwes anong totoo? Gusto mo ako... pero makikipag-date ka kay Lorenzo..."
Suminghap ako sa mga narinig. Pinagtitinginan na kami at palagay ko ay kung anuano na ang nasa kanilang mga isip. May ilan kaming ka-batch na huminto sa paglalakad para mapanood kami at mapag-usapan.
Nakaiwas ang tingin ni Vans. Wala siyang pakealam sa kung sino mang nanonood sa aming dalawa. Nasa tapat ako ng aking kotse at panigurado'y nakikinig din si Kuya Ben sa amin.
"Pinsan ko si Lorenzo." Utas niya, tila nanghihinayang, nagsisisi at nangangamba. "Paano ako kikilos laban sa pinsan ko?"
Nag-angat siya ng tingin at halos mapaatras ako sa kanyang mga titig. Anong nangyayari? Totoo ba talaga ito? Paano nangyari ito? Ano ba ang issue na tumatakbo sa isipan ko at hindi ko ito mapaniwalaan?
Because everything was just too fast. Napakahirap paniwalaan na gusto ako ni Vans, na mahal ko siya, at mukhang may pagseselos na namamagitan sa aming dalawa...
At ang isa pang problema para sa akin ay bago lang ako rito. Siguro nga ako lang ang gumagawa ng sariling issue ko. Na pinapalaki ko lang ang sitwasyon gayung simple lang naman ito. Pwede ko namang tanggapin na lang ito at 'wag nang problemahin pa. Pero paano sa huli? Paano kung masaktan lang ako dahil nagkamali pala kaming dalawa? Paano kung magdusa na ako sa sakit na maaaring idulot nito?
Natatakot kasi akong hindi ito totoo. Baka nadadala lang si Vans ng pagkakataon. Na ako kasi ang unang babaeng nakapasok sa kanyang misteryosong buhay kaya akala niya ay espesyal na ako. Is he really thinking of me that way?
"Walang date na mangyayari, Vans." Sabi ko, mas mahina ang boses kumpara sa lakas nito kanina.
Nawala ang gusot sa gitna ng kanyang mga mata. Kuminang iyon sa paraang hindi ko malaman kung paano nangyari o para saan. It was like he's relieved of something.
"Eh ano yung susunduin ka raw niya sa Saturday? Kakain kayo sa labas at pagkatapos..." Napaos ang kanyang boses.
Tumibok ng malakas ang aking puso dahil doon. Nakakamangha ang mga nararanasan ko ngayon mula kay Vans. Hindi talaga ako makapaniwalang ito na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)
Teen FictionCeline Marie Ricaverte doesn't have to choose. Sa una pa lang naman kasi ay kilala na niya kung sino ang kanyang pipiliin pagdating sa dalawang lalaking hinangaan niya. It was just a simple crush. Pinagkukumpara niya ang dalawa minsan pero kahit na...