Chapter 37

861 25 0
                                    


CHAPTER 37 — Magpatuloy


Isang linggong panunuyo na ang ginagawa ni Vans sa akin. He is really courting me in his own ways. Hindi siya 'yong tipo ng lalaking nagbibigay ng regalo araw araw para sa nililigawan niya. He's not the flower and chocolate type of man. Pero may ibang klaseng pamamaraan siya sa kanyang panliligaw. Not with material things but more on actions and words. Iyon ang napansin ko sa kanya. Walang siyang mga balloons, teddy bears, o kahit anong hilig ng mga babae kapag nililigawan ito. Pero mayroong mga kilos, mga salita at mga pagpaparamdam siyang inaalay sa akin.

Monday won't be just one of the normal days I've had. Dahil nagsabi na si Vans na tuwing Lunes ay siya ang susundo sa akin sa bahay. Starting this week. Nagpaalam na siya kay Papa nang bumisita siya sa amin noong Sabado. He easily got my father's yes when he ask for it. Sa tingin ko ay nagtitiwala si Papa kay Vans. Kahit na kakakilala pa lamang niya rito.

"Seatbelt." Aniya sa mahinahong tono. Nasa tabi ko na siya habang ako ay tulala pa rin dahil unang beses itong mangyayari. Makikita ng mga taga-school na magkasama kami ni Vans sa isang kotse. He doesn't have his driver. Siya lang at ang kanyang sasakyan ang kasama ko ngayon.

Tumikhim ako at sinuot ko ang seatbelt. Narinig ko ang ngiti niya.

"Naninibago ka pa rin ba?" Tanong niya habang sinisimulan ang makina.

Umiling ako at bumaling sa kanya. "Siyempre naninibago pa rin. First time ko ito." Sambit ko. "At ikaw pa, Vans."

Nakarating kami ng school. Laking pasalamat ko na hindi na kami pinagtinginan nang pagbuksan ako ni Vans ng sasakyan. Everyone's doing their usual routines. Nagkikwentuhan ang magkakaibigan habang patungo sa mga building at ang iba ay tumatambay muna habang wala pang bell.

Dumaan kami ni Vans sa kanila na parang normal lang. Siguro ay nasanay na sila dahil isang linggo na rin nila kaming nakikitang parating magkasama. Some of the people who know us still look at us with something unreadable in their eyes. Pero sa tingin ko ay hindi naman negatibo iyon. Kilala lang kasi nila si Vans bilang isang taong hindi nakikisalamuha sa mga babae. I am the first one. Dahil nasiksihan ko rin 'yon noon.

Pagdating sa aming classroom at napahinto ako. Tumama ang gilid ni Vans sa aking braso dahil sa biglaan kong pagtigil.

"What's wrong?" Tanong niya. Tumingin siya sa loob kung saan ako ay tulala.

Lorenzo already decided to come to school. Matapos ng isang linggo ay pumasok na rin siya. Kinakagat ko ang loob ng aking pisngi habang naaalala ang huli naming pagkikita.

Hinawakan ni Vans ang aking kamay. This isn't new to our classmates anymore. Madalas na nila kaming nakikitang magkahawak kamay ni Vans.

Nauna na siyang pumasok at binitiwan niya lang ako para matanggal ko ang aking backpack. Naupo ako sa aking upuan kahit na may isang taong ayaw ko na muna sanang makatabi. Hindi kasi sapat ang isang linggo. Hindi ko alam kung anong kailangan ko para makalimutan ang mga nasabi ni Lorenzo sa akin.

Binawing muli ni Vans ang aking kamay. It made me look at him. He smiled. "Sa akin ka lang tumingin." Bulong niya habang sobrang lapit ng mukha sa akin.

Walang imik si Lorenzo sa buong takbo ng aming mga klase. I didn't hear his voice and he didn't talk to anyone. Tanging ang mga hinga lang niya ang naririnig ng aking tainga. Nang hingin ng adviser ang excuse letter niya ay saka lang siya nagsalita. Pero wala naman akong narinig sa mga explanation niya. Sa tingin ko naman ay valid iyon dahil pinirmahan ng adviser ang letter na binigay niya.

Is Your Crush Meant For You? (Crush Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon