Target #5 - Blood

810 47 7
                                    

Target #5 - Blood

Cyrene's p.o.v

     "How did you all end up here?" takang tanong ko sa kanila.

Napansin kong nagkatinginan sila sa isa't-isa. Medyo naningkit ang mga mata ko sa aktong parang kakaiba ang ikinikilos nang mga taong nakaupo kayon sa harapan ko.

But isinawalang bahala ko na lang. Napapraning lang yata ako kaya ako nagkakaganito.

Hindi parin mawawala at nanatili ang pagiging mahinhin na di gaanong kalakasan ang tinig ang nanggagaling sa boses ko.

Take note, may iba pang natutulog. Iba pa naman iyan mabulabog.

"Ganito kasi iyon. Hinahabol na kami noong mga oras na iyon. Madami-dami din sila, kaya ang tanging choice namin is umakyat sa itaas. Actually, zombies can't climb, pero naninira." pagpapaliwanag nang isa sa kanila. Ang ikinapagtataka ko sa paliwanag nang isa sa kanila was  that, marami-rami din ang naghahabol na mga halimaw na siyang ikinatungtong nila rito sa itaas. 

Ba't wala naman kaming nadinig na ingay ng mga halimaw sa baba kung talagang galing sila sa pagkakahabol ng mga halimaw. That makes me confused, pero isinawalang-bahala ko na lang, kasi isa din naman kami sa mga nakikitira lang din naman dito.

Bale tatlo sila. May kasama silang babae na parang ka-edad ko lang kung titingnan. Tapos may kasama siyang dalawang lalaki na parang nasa 40's ang isa at iyong isa naman nasa bandang 30's na.

Napatango-tango naman itong batang babae na sinundan pa talaga ako galing sa itaas.

Unang impresyon nga niya is talagang tumutok nang baril sa mga kaharap namin ngayon. Magkapatid nga naman talaga.

Come and think of it. When we arrived here, ganoon at ganoon din ang ginawa nang kuya niya, pero may pagkakaiba nga lang.

I don't know, baka siguro babae lang talaga siya kung ikukumpara sa kuya niya.

Speaking of the devil, nasa likuran at mukhang hindi maipaliwanag ang mga ikinikilos niya towards sa mga bisita.

"So... may I know you're names?" saad ko na walang kaemo-emosyon.

Hindi sa nangangalap nang magiging bago kong kaibigan, kundi para okey na saaking tawagin sila by their names.

"Jericson Lee"

"Roel Vien Cutlery"

"Jusie Ann Fuentes" saad nila isa-isa.

Medyo nagkakatitigan kami nitong jusie ann. Parang gusto kong basahin kung anong nasa isip niya kaso di ko magawa gawa.

Hindi ko kayang mabasa, wala siyang kaemo-emosyon. And I don't like her.

I really don't.

"Pwede na ba tayong magpahinga? Kasi ako oo." saad nito na mukhang bagot na bagot o sadyang napagod lang talaga.

Napataas kilay na lang ako dahil sa inasta niya. Para bang siya ang masusunod at dapat masunod dito sa loob nang bahay.

Mas lalo tuloy akong nagdududa sa pag-uugali nang babaeng ito. Pare-pareho lang kaming bisita, pero kung makaasta ang isang ito, parang ibang-iba na.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon