Target #23 - The Visitors
Someone's p.o.v
Hmmm! Nakakapanghinala naman. May paparating din na baguhan. All this time, marami pa pala ang mga kagaya nila.
Sa tuwing nakakakita ako nang mga kagaya nilang pinili na mabuhay, bumabalik sa katinuan ko lahat nang mga ginawang kabaklaan sa sarili ko nang mga hinayupak na mga scientist.
Nakulong lang naman ako sa paratang na kailanman hindi ko naman ginawa. Tapos sa kasamaang palad ako pa ang napiling gawing eksperimento sa lahat nang mga kagagawan nila.
Wala silang awa, kaya dapat wala din akong awang ibalik sa kanila lahat ng iyon. Akala nila, madali lang para sa kanila iyon, kasi sila mismo hindi marunong mag-isip at maawa.
Nakasilip ako sa telescope na nandirito sa isa sa mga pinakamalalaking building. Napansin ko rin na madami dami din sila. Pagabi na rin kaya medyo malabong masilip sila sa gabi.
Tinanggal ko ang pagkakasilip nang mata ko sa telescope. Napangisi na lang ako sa mga naiisip ko ngayon.
Paniguradong sa paglubog ngayon nang araw, diyan na magsisimula ang palabas ko. Tingnan lang natin kung magagawa pa ba nilang makatakas ngayon.
Muli akong sumilip sa kotseng paparating ngayon. Ang sarap isipin na dito lang sila mamamatay at mababawasan ang mga hampas lupang kagaya nila.
Tao din ako, pero hindi ko lubos ubusin na ganoon ang gagawin nila sa kagaya nilang may buhay at may karapatan pa naman sana.
Hintay hintay lang at kapag lumubog na ang araw, makakaramdam kayo nang panaginip na hindi na kayo magigising pa.
| | | | | |
Ryan's p.o.v
Napag-isipan namin na dito na lang muna kami matulog nanag isang gabi. Kailangan naming magmadali ngayon, baka kasi kapag naabutan na kami nang papalubog na araw, doon na kami mapeperwisyo.
Kung makikita sa paligid, walang ano mang zombies ang nakakalat. Doon naman ako nagtaka.
Medyo nakukutuban narin ako sa mga nangyayari ngayon, para kasing may mali. Ang dapat sanang tumambad saamin ngayon ay ang dami nang mga patay na nakakalat sa paligid lalo na at tinagurian pa naman itong siyudad.
"Woahh! I can't imagine na ganito na pala nag-transform nang isang iglap lang ang ganito ka-rangya at ka-gara na siyudad." saad nang lalaking aso na nasa back-seat katabi nang kalbong June.
Wala namang napaimik sa sinabi nito, dahil narin siguro lahat din kami bahagyang inililibot ang mga paningin sa paligid nang isang siyudad.
Hmmm...!
Sa tingin ko may mali talaga. Napaka-matiwasay naman dito at walang kahit na ano mang ingay ang madidinig sa kung saan, gayong napakalaking siyudad 'to.
"May napapansin ba kayo?" tanong naman nang kapatid kong katabi ko lang.
Habang nagmamaneho ako, patuloy parin ako sa pag-obserba, hindi na maganda 'to.
"Sa kinalaki nang lugar na ito, sinong mag-aakalang walang kahit ni isa man lang ang sumalubong saatin. Hindi sa gusto kong atakihin tayo nang mga zombies, pero ang ikinapag-tataka ko is kahit ni isa man lang walang sumalubong saatin na halimaw?! Weird kaya." saad nitong kapatid ko.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...