Target #39 - The Play Begins

146 13 0
                                    

Target #39 - The Play Begins

Ritchien's p.o.v

      Vigilantes? So he means na gaya nang ginawa nang lima sa naging target nila, ganoon din mismo ang nagawa sa kanilang lima.

I never tought na iyon pala ang balak nang limang survivor's, ang plano sana nilang lahat ay ang madala ang kulang sa vaccine na makukumpleto na, gayong siya na lang ang pinaka-huling kinakailangan naming lahat.

"Sa mga nakikita ko sa ngayon. Masasabi ko ngang madami ang mga vigilantes kung ikukumpara sa limang nag-survive at binalak na dalhin ang preso sa mismong mga kamay natin." saad nito na pahimas-himas pa sa barbas niya na hindi naman nakikita.

"So... ano nga bang pinaplano nang mga vigilantes na iyan? And why is it kailangang dakipin pa ang lima?" takang tanong ko rito.

Nakita ko itong napatayo sa kinauupuan niya at nilapitan ang isang water-dispencer na hindi naman kalayuan.

Kumuha siya nang tubig rito at uminom. Pinagmamasdan ko lang ito hanggang sa matapos na nga niyang mainom lahat nang laman nang baso.

Lumingon ito sa direksyon ko.

"Iisa lang ang gusto nilang makuha. What do you think lieutenant?" saad nito na may seryosong makikita sa mga mata nito.

Napatingin ako sa sahig habang pinipilit na huwag mag-alala. Alam ko na.

All this time iisa lang ang gusto nila, pero bakit kinakailangan pa nilang dakipin ang iba pang mga tao na wala namang kinalaman dito?

"Okey! Isasagawa ko na ang plano. Nakuha ko na lahat nang kinakailangan ko ngayon at alam ko narin kung sino-sino ang mga tunay na kaaway, at kung sino ang mga kakampi." saad ko sa nakatayong Kyle na nasa tabi nang water dispencer.

Mga ilang minuto din akong nakabalik sa riyalidad. Mukhang nawawalan nadin ako nang konsentrasyon ngayong iyon ang mga nalaman ko.

I need to save them. Alam ko na ang magiging flow nang buong mangyayari. At sana naman huwag na munang mangyari ang lahat nang iniisip ko.

Agad akong naglakad nang mabilis patungo sa bulwagan. Kinakailangan ko nang masabihan at gawin ang planong iyon.

Saglit lang akong naglakad nang maabutan ko na ang bulwagan. Pinatawag ko na lang nang mga tauhan at iba pang mga sundalo para sa kilos na gagawin.

Habang ako'y naghihintay, hindi mawawala sa akin ang kaba at pagmamadali na baka pagdating namin sa lugar na kung nasasaan sila, baka mangyaring hindi kami makaabot.

Nakatayo ako at malalim ang iniisip. Nag-aalala din ako sa mga taong iyon.

Sana nga lang nasa tamang oras pa kami para isagawa ang planong ito.

Nagsidatingan naman ang mga matataas na nanunungkulan gaya ko. Makikitang nandirito nga ang lahat.

"Lieutenant!" saad nitong si Mstr.Srg.  Hernandez na may pagbibigay saludo saakin, habang ang iba naman ay sumunod din sa ginawa nito.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, kinakailangan na nating isagawa ang plano." saad ko sa kanila na siyang ikinagulat nang lahat.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon