Target #27 - The Fight!
Cyrene's p.o.v
Sa totoo lang, sayang na sayang ako sa kotseng gamit naming lahat ngayon. Napag-isipan namin kasing lahat na kapag nakuha na nga namin lahat nang kotseng nagagamit pa, then kung sino man ang haharang sa bawat dinaraanan namin, wala kaming pag-aalinlangang banggain lahat nang ka-lahi nila.
Wala naman na talaga kaming magiging ibang choice, alangan namang bababa pa kami at isa isa silang patayin, edi double time na naman. Mas mabuti nang gawin iyo kahit na alam naming sayang.
Apocalypse nato, kaya, wala nang dapat aksayahin pa, kapag alam naman na iyon ang kinakailangang gawin.
Paliko-liko kami nang mga dinaraanan. Alam ko namang masusundan kami nang tingin nang kalaban.
Napansin ko rin kanina nung napa-silip ako sa teleskopyong nakita ni Leo, habang may kausap siyang isa pang kagaya niya, may napansin akong nakatabi sa bintana nang building na kinaroroonan nila.
That's why, nahanap at natunton kami nang ugok, kasi may gamit din pala itong teleskopyo na may sariling stand.
Alam kong nabigla din itong mga kasamahan ko sa lahat nang mga planong ginawa ko. Una sa lahat, ang una kong binabasehan ay ang hindi muna kami kaagad magpapakita sa paningin niya.
Kapag nagkataon na nadatnaan kami nang ugok na iyon ang magiging plano namin, babagsak lang sa wala lahat nang pinaghirapan naming plano para makuha ang pinapunot-dulo lahat ng 'to.
"Malapit na tayo, Maine, June, ituon niyo lang ang atensyon sa plano natin. Kung may problema man at kung kakayaning masolusyonan, then walang aatras, at kapag mukhang hindi na nga kakayanin, just think for the Plan B o kaya naman umiwas na lang at tumakbo. Maliwanag?" saad ko sa kanilang dalawa.
May kaniya-kaniya kaming inistand-by sa magiging gagawin bawat isa. Sina Maine at June ang inatasang gawin ang pag-sugod sa itaas para maidispatya na ang pinuno.
Nakakapangilabot din kasing isipin na kapag may napadako ding kagaya namin sa lugar nato para lang makapunta sa lugar na mismong sa tingin nila magiging okey ang lahat, then may hahatang at haharang sa dinaraanan nila para mapatay at hindi matuloy lahat nang magagandang plano na mapapunta sa ligtas na lugar in behalf of this apocalyptic days.
"Maliwanag!" saad ni Maine na makikita ang kakaibang tensyon sa mga mata nito. Samantalang si June naman hanggang tango lamang ang iginawad niya saakin.
Pansin ko lang, napakatahimik nang taong ito, hindi masyado gaanong mag-salita. I don't know, pero siguro ganoon lang talaga siya makitungo sa iba kasi siya din mismo walang pinagkakatiwalaan saamin.
Sa panahon ngayon, hindi ko siya masisising magiging ganoon ang turing niya saamin, kasi kapag mapa-ako man din sa kinalalagyan niya, magiging ganoon din naman ang ikinikilos ko sa mga nakakasalamuha kong mga buhay pa.
Baka kasi kung sino pa iyong pinagkakatiwalaan mo, siya pa iyong magiging hadlang sayo. At higit sa lahat, siya pa mismo ang sisira sa kinabukasan mo.
Mga ilang minuto pa at nasa lugar na nga kami kung nasasaan ang magiging target. Sana lang, mahuli namin ang mokong para naman madala din namin sa HQ at makapag-sagawa nang DNA test at makagawa na nang vaccine para sa lahat.
Siya na lang ang pag-asa naming lahat. Kaya sana naman, maging successful ang plano.
"We're here. Gawin na natin ang dapat. Remember! Ito na lang ang magiging pag-asa nating lahat kaya dapat walang papalpak. And also Be Safe, ayokong may mawala na naman kahit isa man sa inyo. Hindi ko kamayanin kapag hindi kompleto ang mga naging turing ko nang kaibigan." saad ko na may serysosong makikita sa mukha ko.
| | | | | |
Richien's p.o.v
"What?!" dali-dali akong napapunta kinaroroonan ni Kyle.
May balitang napunta saakin na may kakaiba siyang na-detect sa kung saan. Kailangan kong makita at malaman iyon.
Wala pang ilang minuto ang nakakalipas nang nakarating kaagad ako sa kwartong iyon. Gaya nang dati, I saw many computers na nakabalandra sa palibot nito, habang siya naka-upo at may mukahang pinagmamasdan.
"May natagpuan ka ba?" takang tanong ko rito, sabay lapit sa kinauupuan niyang weel-chair.
Nasa pareho na kaming edad, pero iba ang posisyon na meron kami.
Isa din siya sa inaasahan naming nakapag-momonitor sa buong bansa na ginagalawan namin gamit ang satellite. Magaling din ito pagdating sa pag-hack nang kung ano mang bagay na pwedeng pwede magamit sa pag-trace.
"Yup! Tingnan mo ito." saad nita sabay turo sa monitor nang computer na kaharap niya.
Napayuko naman ako kaagad patra maayos kong makita ang tinutukoy niya. There was a red spot's ako nakikita sa kinaroroonan nang lugar na iyon.
Ibig sabihin, marami pang buhay ang nasa siyudad na kinaroroonan nila. Ang ikinapagtataka ko lang is, anong giangawa nila sa lugar na alam naman nilang napaka-delikado.
Well, wala naman na palang safe na lugar ngayon, maliban na lang sa HQ na ipinatayo nang sanggunian nang gobyerno.
Habang nakatingin parin ako sa monitor, bigla namang nag-salitang muli si Kyle.
"And there's more. Did you see that?" saad nito kasabay na naman nang pag-turo sa monitor.
Wait! Ano itong nakikita ko? Anong klaseng bagay ito?
Napatayo ako nang maayos dahil sa pagkakakunot nang noo ko dahil sa pag-iisip.
"Why is it kulay blue ang nakikita ko? What does it mean?" takang tanong ko rito.
"I don't know. Pero iisa lang ang alam ko. Lahat nang nakikita mong survivor na nasa siyudad na iyon, target mismo ang bagay na hindi ko pa nako-confirm sa ngayon Lieutenant." saad niya sa saakin.
Mas lalong nadagdagan ang lahat nang katanungan ko dahil doon. Ano ba ang bagay na iyon? Bakit, parang gustong-gusto nila itong makuha?
"Kyle!" may pagkakadiin kong saad sa pangalan nito.
"Ano po iyon Lieutenant?" saad nito na ngayon ay nakatingin sa direksyon ko, habang ako naman nakatingin parin sa monitor na nakaharap sa direksyon ko.
"Kaya mo bang ma-trace at malaman kung sino-sino iyang mga survivor's na iyan?! I need to know kung ano ang mga background info na meron sila at kung ano ang intensyon at koneksyon sa bagay na mismong pinagiinterasan nila." saad ko rito sa kaniya.
Simang-ayon naman ito sa sinabi ko, sabay hakbang papaalis. Aalis na sana ako nang mapahinto ako.
"And also..." napalingon naman ito sa kinaroronan ko, dahil sa may gusto pa akong maidagdag sa gusto kong malaman at ipagagawa.
"Kailangan ko ring malaman kung anong uri nang bagay iyang target nila ngayon. I want those information sa lalong madaling panahon." saad ko nang hindi mawawala ang ekspresyong dala-dala ko tuwing trabaho na ang mismong kinakaharap.
"I will Lieutenant!" he said sabay kalikot sa mga computer's na nasa harapan niya.
Nang matapos ko nang sabihin at hingin lahat nang impormasyong gusto kong makuha, umalis na ako at sumunod na pupuntahan ay ang Laboratory.
I need to know kung may nagagawa na ba silang gamot para sa virus nato.
Ayokong mabuhay ang mga tao sa takot at mundong punong-puno nang patayan.
Kaya kailangan ko nang simulan lahat nang pwede kong gawin na paraan para sa mga taong umaasa sa kakayahan kong mamuno at ganoon din sa mga sandigan ko rito na kaya akong matulungan.
This is my fight!
And also...
THIS IS OUR FIGHT!
《 To be continued... 》
《 D E A D T A R G E T 》
By: @Crimelix_20
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...