Target #24 - Night Four

278 17 4
                                    

Target #24 - Night Four

Cyrene's p.o.v

       "Teka nga lang, magkakilala kayo?" takang tanong nang isa sa mga kasamahan nila na para bang kyut din naman, kaso ang problema, same gap lang sila ni Maine.

Umupo ako sa isa sa mga silya na nandirito sa loob. Hindi naman ganoon kalakihan at karami nang makikitang pagkain dito. Nagkanda-gulo gulo narin sa loob kaya malabong matawag pa itong cafeteria.

"Ate Cyrene?!" saad nang kung sino man na nasa harapan ko.

Tumingin ako rito at doon ko nakita ang mukha nang batang minsan ko nang nailigtas.

Nagulat na lang ako nang bigla ako nitong yakapin kahit na nakaupo pa ako. Kitang kita ko naman kung papaano magulat at makatingin ang anim sa kinaroroonan ko.

Gusto ko nang umalis sa pagkakayakap dahil narin sa awkward moment na mararamdaman dito sa loob, kaya tumayo na ako para mapaatras naman nang bahagya si Maine at nakatingin parin ito sa akin na may saya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Salamat ate, kasi kung hindi dahil na naman sayo---" naputol ang sasabihin nito saakin nang koreksyunan naman ito nang kapatid ko.

"Excuse me, KAMI hong tatlo ang nagligtas SENYO." saad nito na may ngiti pa sa labi na mukha namang peke.

Napangisi naman ako sa inasta nang kapatid ko dahil doon. Saan kaya nagmana itong kapatid ko, napakabastos nang dila kahit na mas matanda pa sa kaniya.

"Ah oo nga pala hehehe. Salamat po, salamat." saad nito na ngayon ay binigyan kami nang tig-iisang bow na mala-korean ang dating.

Sa mga Korean daw, kapag ganoon ang ginagawa mong aksyon sa mga nakakatanda o kahit sa mga mas bata pa sayo, nagbibigay respeto daw ito o kaya'y nagbibigay pasalamat at humihingi nang tawad.

Kahit papaano, nagagamit ko rin pala lahat nang napag-aralan ko.

"Maupo kayong lahat, baka hindi niyo kayaning mangalay nang nakatayo lang." saad ni Harris sa kanilang lahat.

Nakita ko namang umupo naman sina Maine, iyong kalbo, at iyong kyut na bata, sa harapan ko. Habang si Ryan naman, nag-iisang umupo sa giliran na nasa pader.

What's wrong with him? Kahit kelan di parin nagbabago ang ugali niya.

"So... paano nga ba kayo napunta sa lugar nato?" saad ko sa kanila na parang nag-iimpeksyon nang kung ano.

Walang sumagot sa tanong ko kundi nakalingon silang lahat sa direksyon ni Ryan.

Napakunot-noo naman ako sa inasta nila, kaya hindi ko na pinilit pang hingin ang sagot sa tanong ko.

"Teka nga muna... introduce yourself tayong lahat. Remember! Hindi pa tayo magkakilalang lahat dito." saad ni kyut na bata na nasa tabi ni Maine.

Bagay na bagay silang dalawa, childish nga lang itong lalaki, kesa kay Maine, pero kyut parin silang ipares.

"Oo nga naman. Wala nang intro intro ako na ang magsisimula, ako si Francis Mauzer, kapatid ni ate Cyrene." saad nito na may pinaduro duro pang nalalaman sa akin.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon