Target #29 - Info
Richien's p.o.v
It's been an hour na wala pa akong naririnig na impormasyon galing kay Kyle. Maybe ganoon iyon kahirap na mahanap ang lahat nang mga background sa mga taong pinahahanap ko, kasama pa roon iyong hindi namin malaman malamang bagay.
Nakaupo ako ngayon sa desk ko mismo, nag-iisip kung saan ko nga ba unang hahanapin ang may kalahating dugo.
Sa ngayong wala pa akong mga nakukuhang impormasyon, napag-isip-isipan ko na munang magpatuloy sa ginagawa ko kanina.
Iniiisip ko rin kung nasasaan na nga ba ngayon iyong babaeng nakausap ko sa radyo. Hindi ko alam kung anong nangyari nung mga nakaraang araw, kung bakit binabaan niya ako kaagad.
Tumayo na ako sa pagkakaupo sa weelchair ko, and then palabas na sana ako sa pintuan nang may unabg bumukas nun. It was Master Srg. Hernandez.
Nagbigay galang naman ito sa akin bilang isang mas nakatataas ang rangko. Nangunot naman ang mga noo ko nang mapapunta siya sa opisina ko.
Minsanan lang kasi ito napapapunta rito kapag may mahalagang bagay itong kailangan kong malaman o mapag-usapan.
"What is it?" tanong ko rito na hindi parin mawawala ang tinig nang pagiging seryoso.
"May nakalap na daw na impormasyon si Kyle sa mga pinahahanap niyo Lieutenant." saad nito na gaya nang ekspresyon kong ginagamit, ay hindi parin mawawala.
Napatitig ako nang matagal sa mga mata nito. Habang tumatagal, I felt really awkward. Hindi ko alam kung bakit, maya imbes na tumitig pa ako nang matagal, ako na mismo ang pumutol nun.
Baka kasi, magbago pa ang paningin nito sa lahat nang nangyayari. At iyon ang pinaka-ayaw ko.
Para maka-alis na ako sa awrang bumabalot sa paligid naming dalawa, nagpasalamat na ako rito at umalis na.
Malapit na iyon ahh. Buti na lang at napagilan ko pa mismo ang sarili ko. Buti na lang talaga.
Medyo napapamadali ako sa paglalakad, halos lakad-takbo na nga ang ginagawa ko. Kailangan ko na talagang malaman at makuha lahat nang impormasyong iyon sa kanilang lahat.
May mga nakakasalubong akong mga survivor na natulungan na naming lahat, lahat sila hindi nag-atubiling batiin ako.
Kahit makailang ulit pa silang bumati saakin, hindi man lang sila napapagod na pasalamatan at bigyang pansin lahat nang mga kagaya kong tumulong sa pag-salba at mabigyan sila nang matitirhan.
Nakakawala din kasi nang stress sa sarili mo at maging sa lahat nang tao, kapag ikaw mismo nakapagkalat nang magandang kinabukasan para sa kanila.
I felt relief kapag alam kong nakakatulong ako sa iba. And I know na ganoon at ganoon din ang mararamdaman nang ibang tao kapag galing sa puso mismo ang sariling pagtulong sa kapwa.
Sa panahon ngayon, kailangan naming magtulungan, at hindi magkasarinlan. Napaka-stupido lang kung iisipin kapag sarili mo lang ang iniisip, samantalang ang ibanh tao, naninirahan sa takot, pangamba at paghihirap.
Kung pwede lang sanang matulungan din namin lahat nang naimpeksyon sa virus nato, kanina ko pa ginawa kapag alam kong may paraan na pwede na silang matulungan gamit ang ipinagagawa kong vaccine.
Mahirap pero kakayanin, walang imposible kapag ikaw mismo may gustong makamit. Iyan lagi ang parating sinasabi saakin ni papa.
Siya narin kasi mismo ang unang naging tagapag-turo ko sa pagiging ganap na sundalo, siya ang nag-ensayo sa isang tulad kong bata na gustong maging kagaya niya para makapaglingkod sa bansa.
Hanggang ngayon, I will never ever forget lahat nang isinakripisyo niya saakin, at mas lalong lalo na, hinding-hindi ko malilimutan kung anong dahilan kung bakit ako pumasok sa trabahong ito. Ang tumulong sa kapwa.
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa pupuntahan ko. Parang isang iglap lang nasa isang lugar na ako.
Napapunta kaagad ako sa direksyon ni Kyle at binigyan naman ako nito nang space para maipakita ang dapat maipakita.
"Here! Isa sa siya sa mga survivor's na nandoroon sa eksaktong lugar. Germaine Tizon Ho o kilala bilang Maine, 18 years of age, patay na ang mga magulang nito dahil sa aksidente, at may kuya na siyang kasama din nila sa grupo nilang madakip ang target. Ryan Tizon Ho, 25, siya ang tumatayong kuya sa kapatid niya. June Tores, 28, kabilang din ito sa ex-military, nag-resign ito noong May 2, 20**. Magaling ito sa paggamit nang long guns, ang pinakagrabe pa riyan is, machine guns. Walang sinabi rito kung ano ang dahilan nang pagbitiw niya sa military. Heto naman si Leo Baltazar, 18, walang masyadong maayos na impormasyon tungkol sa kaniya. Francis Mauzer, a 15 year old teeanger boy na may ate na isa rin sa mga survivor na may balak dakipin ang target, but before ko ipapakita ang info nang kapatid niya, may mga mahahalagang impormasyon akong nakita sa batang to. Isa itong honor student, simula pa noong bata pa. Kaya may pagka-matured narin ang utak nito. Heto naman na ang pinaka-last, her name was Cyrenr Sydney Mauzer, kagaya nang sinabi ko kanina, may kapatid siya, at iyon mismo si Francis Mauzer. 22 na ito at may pagmamay-ari nang isang kompanya sa ibang bansa. Nakapagtamo naman sila nang malagim na karanasan nang mamatay mismo ang mga magulang nito sa mga halimaw." saad nito nang may pagkahaba-habang litanya.
It feels like, may kakaiba rito kay Cyrene. Parang nakita ko na siya sa kung saan. At isa pa, mukhang nadinig ko na mismo ang boses niya. Ang problema nga lang saan at kailan.
"Okey, so how about sa target nila?" tanong ko rito na hindi mawawala ang pagkakakunot nang noo ko.
Wala naman akong nakikitang masama sa mga records nila, maliban na lang sa June Tores na iyon. I don't kung bakit nag-resign ito nang wala man lang ipinakikitang dahilan.
"Ahuh! Tungkol naman jan, here. Magugulat ka sa lahat nang ito. Hindi ito bagay, kundi isang buhay na tao. Ang ikinapagtataka ko nga lang is, sa pagkakakita ko sa trace, blue ang kulay hindi pula. His name was Wilbert Lee, 40 years old. And hindi lang jan nagtatapos ang lahat, ipinakikita rito na isa siya sa mga inmate na nakulong dahil sa kasong pagpatay plus pagtangkang panggagahasa sa isang dose anyos na bata. Ooppss! Meron pa, isa siya sa mga ginawang eksperimento, para maisagawa ang mga nilikhang vaccine, kung ito ba ay magiging successful. Salamat naman at nabuhay din naman ito sa bingit nang kamatayan, but nakatakas din ito sa kamay nang mga iyon, noong nagsimula ang apocalyptic evolution. And that's it!" saad ni Kyle na mukhang may pagkaka-proud sa huling salita na sinabi niya.
Napa-loading naman ang lahat nang sinabinh impormasyon ni Kyle sa mga ito.
Ang target mismo nang mga survivor na iyon is ang inmate na naging eksperimento noong----.....
Teka nga lang!
"Exactly! I know what is the reason kung bakit iyon mismo ang naging target, it is because, naging successfull ang vaccine na ipinanturok sa kaniya. At ang lalaking din mismong iyon, ang kulang para magiging kompleto ang gagawing formula." saad ko sa sarili.
Wala nang patumpik-tumpik, I need to find this man.
Kailangan ko siyang mahanap, lalo na at alam kong may nauna nang nakaalam doon.
《 To be continued... 》
《 D E A D T A R G E T 》
By : @Crimelix_20
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...