Target #47 - Ang Gabi
Cyrene's p.o.v
Nasa kalagitnaan na nga kami nang paglalakad kasama nang dalawang gwardiya na tagapag-sundo saakin.
I just stay calm kung maari, kasi ayokong maging isang babae na natataranta at parang hindi kayang mapunta sa gabi nang kamatayan niya.
Kanina lamang ay ginawa ko lahat nang plano na makatakas sa kamay nang dalawang ito, kaso it all end up sa wala.
As always talagang sakto ang hinala at obserbasyon na nasa akin kahit na balik-baliktarin pa ang lahat.
Kahit mapa-sa iba man gawin ito, hindi nalalayong ganoon at ganoon din ang gagawin nila lalo na at wala pa namang lakas para gawin ang plano na gusto mo sanang magawa.
Tanggap ko naman din na ito na talaga ang huling masisilayan ko. Ang mga kalokohan na ginagawa nang mga kasamahan ni Jusie Ann.
Nagtataka nga rin ako kung bakit laking galit na lamang ang ibinubunto nito saamin.
Ang tanging alam ko lang ay ang umalis na kami roon na nasa loob parin nang bahay sina Ryan at ang iba pa.
Galit na galit din ako noon kaya hindi ko nagawang magpaliwanag nang maayos at hindi ko man lang nagawang magpaalam nang maayos.
Wala naman na silang magagawa, kapag aalis din kami. Hindi naman sa lahat nang oras, lahat sinasang-ayunan nang ibang tao kaya kailangan na naming magpasya, dahil buhay din naman namin ang nakasalalay.
Napansin kong bigla kaming lumiko nang dinaraanan, naglakad pa kami nang mga ilang segundo hanggang sa makarating din kami sa isang pintuan.
Gaya nang kanina, imbes na sabihan ako bang masinsinan na mapapasukin na nga ako sa loob, medyo itinulak parin ako nang isa sa kanila.
Sinamaan ko lang ito nang tingin, dahil hindi naman din ako nauntog gaya nang kanina. At laking pasalamat na lang nila kapag naulit iyon.
Bago ako tuluyang pumasok, pinagmasdan ko na muna nang mga ilang segundo ang pintuan na nasa harapan ko.
Iniisip ko kung ano nga ba ang naghihintay sa loob nito. Para malaman ko kung ano, unti-unti kong pinihit ang seradura nang pintuan.
May liwanag na napakasilaw, hindi ko alam kung saan ito nanggagaling kaya mas lalo pa akong pumasok sa loob para makita.
Nang tuluyan na nga akong makapasok, isinara ko na nga ang nasa likuran ko, atsaka inadjust ang paningin ko.
Dahil narin yata sa kadiliman nang selda na tinutuluyan ko, mukhang nasanay na nga ang mga mata ko sa dilim na nakikita, kaya ganito na lamang kung maka-aninag nang ilaw.
Unti-unti na-adjust ko na naman kaya laking gulat ko ng makita kung ano ang nasa paligid.
Anong ginagawa ko sa lugar na ito? Mga damit? Seriously?!
"Anong tingin nila sa suot kong ito? Basura?" napatingin naman ako sa suot suot kong damit na maraming dumi na nanggagaling sa lupa at mga dugo na nagiging silbing kulay sa damit kong puti.
Napabuntong hininga na lamang ako nang makita at mapagmasdan ang hitsura kong hindi ko na mismo makilala.
Wala naman din kasi akong oras para magpa-ganda at mag-ayos. Buhay na kaya ang nakasalalay dito kaya para saakin ang mag-ayos nang sarili ay wala na sa panahon na ito.
"Oww nandyan ka na pala." saad nang tinig na babae sa kung saan, ipinalibot ko naman ang paningin ko sa paligid para mahanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
Mga ilang segundo din naman akong nagpalibut-libot nang paningin hanggang sa makita ko na nga sa wakas ang babaeng iyon.
Medyo nagulat akong, makita na hindi siya gaano katangkaran. Parang matanda na nga ito pero ang tangkad nito, hindi ko mawari.
Alam niyo naman na kung anong ibig kong sabihin.
"Ansama mo naman makatingin." saad nito na siyang ikinabalik ko naman sa riyalidad.
Napakamot na lamang ako sa batok at napatawa nang hindi naman tunay.
"Ahmm! Patawad, ngayon lang na naman kasi ako ulit nakakita nang tulad mo bago nagsimula ang apocalypse na ito. Kaya sana pagpasensyahan mo na rin kung paano kita pakitunguhan." saad ko rito na ngayon tunay na tunay na.
Ayoko naman kasing magkaroon nang malaking galit ang taong pweseng pwede ko naman maging kaibigan.
Correct me if I'm wrong. At isa pa, wala namang mawawala kung magpapakumbaba naman ako hindi ba?!
"Ganoon ba?! Well, sorry sa inasta ko medyo ganito lang talaga ako kapag height na ang pinag-uusapan. By the way... heto nga pala ang mga damit na pwedeng pwede mong pagpilian bago ka mawalan nang you know..." saad nito sabay talikod saakin at ginawa na ang mukhang sa tingin ko pagtatahi.
Bigla ko tuloy naisip na paanong nagkaroon nang ganitong karami na mga damit sa isang silid.
"Lahat nang mga nakikita mo ay gawa ko, ang karamihan sa mga nanjajaan ay kinuha sa isang mall. How risky is that nga naman. Pero walang imposible sa kamay nang pinuno namin ngayon. Lahat nang gusto niya kinakailangang masunod. Kaya wala kaming magagawa." saad nito habang nagtatahi.
Naglalakad naman ako upang mamili nang mga magagandang damit na komportable lang naman ako kung susuutin.
"Paano nga pala nabuo ang pinamumunuan nang pinuno niyo?" saad ko rito na matagal ko naman nang itinatanong sa isipan ko.
Nakakita naman ako nang isang pantalon na itim na fitted at saka oversized t-shirt na kulay itim.
Ayoko naman kasing magsuot nang dress baka makita at masilip ang alaga ko.
Malay natin gumagawa pa iyan nang mga kakaibang rituwal na minsan ko lang masilayan sa totoong buhay ko tapos ako pa mismo ang isasalang.
"Nakatira na kami rito noong simula pa, may kilala na kaming namumuno saamin at minsan nadin siyang nawalan nang anak. At nang dumating sa lugar na ito ang tatlo, si Jusie Ann na ang ginawang pinuno nang dati. Nagkakamabutihan din naman ang dalawa kaya pinili nadin namin na gawin isang pinuno ang babaeng iyon." saad nito na siya namang ikinatangu-tango ko.
"Diba ang sabi mo may nabanggit kang tatlong naparito sa lugar niyo?" tanong kong muli sa kaniya.
Pumunta naman ako sa malaking kurtina na nakasabit sa likod para doon magbihis.
"Oo. Grupo iyon nang pinuno namin. Sina Roel at Jericson ang mga kasama niya nung mga arae na iyon." saad nito na siyang ikinatumba ko sa pagkakabalanse ko.
Agad naman akong tumayo at sinubukang isuot muli ang pantalon.
Roel at Jeric? No way! Kasabwat din pala ang mga mokong. Kaya pala.
Kaya pala nang matapos ang pag-uusap namin mukhang may nadinig pa akong ipinatatawag niya.
Silang dalawa din pala ang may kasabwat lahat nang ito. Sila...
《 To be continued... 》
《 D E A D T A R G E T 》
By : @Crimelix_20
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Ciencia FicciónMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...