Target #40 - Confession

178 10 1
                                    

Target #40 - Confession

Ritchien's p.o.v

        Nasa malaking gate na nga ang lahat nang mga sasakyan na gagamitin nila upang maka-rating nang madalian sa village na iyon.

1000 kilometers ang layo nang HQ papunta sa village na iyon. Mukhang maabutan sila nang bukas nang gabi.

Hindi muna ako sasabak sa ngayon, kahit na gustuhin ko man.

May mga tao at iba pang nagbabantay rito na hindi naman ganoon kadami, kaya kinakailangan ko silang iguide.

Si Paul na muna ngayon ang iniatas kong maging pinuno nilang lahat.

Alam ko namang, kakayanin niya, hindi naman siya aabot aa ganiyang pwesto kung hindi niya man lang napagdaanan ang pinaka-mahihirap na pagsabak aa buong buhay niya.

Habng pinagmamasdan ko ang lahat nang mga kilos nilang paghahanda, may biglang pumukaw sa atensyon ko.

Papunta kasi mismo sa direksyon ko kaya doon ako napatingin. Napahinto naman ito sa paglalakad niya nang makarating na nga sa pwesto ko kung saan ako nakatayo.

Mga ilang segundo din na walang naunang magsalita. Wala naman din kasi akong dapat na sabihin, at isa pa, siya pa nga mismo ang unang lumapit at alam kong may sasabihin ito kaya i kept my mouth zip.

"Ahmm! Lieutenant, I have something to say." saad nito na nananatiling nakatingin sa sahig.

Nangunot naman ang noo ko nang mapagtanto lahat nang sinabi nito. Medyo, kumakalabog na nang malakas ang dibdib ko nang walang kaalam-alam kung anong rason kung bakit.

"Ano iyon Master Seargent Paul Hernandez?" saad ko nang may buong pagpapangalan sa kaniya.

Napansin ko naman itong napabuntong hininga. Para bang may problema na hindi ko alam.

"I just wanted to say na... you know...ahmm! Keep it up, isa ka sa mga magagandang ehemplo at modelo sa iba pang sundalo na nandirito. You made them feel special, and brave kapag alam mong makikita sa mga mata nila ang takot at pag-aalinglangan." saad nito na ngayon nakatingin na sa mga mata ko.

Napangiti naman ako sa feedback na ibinigay niya. Alam ko naman na iyon ang kinakailangan kong gampanan at gawin.

Huminga na muna ako nang malalim atsaka bago ako nagsalita.

"Thanks, but iyon naman talaga ang kinakailangan kong gawin, lalo na at alam kong masakit isipin at pagmasdan na iyon ang kinakailangan nilang sundin at gawin." saad ko pabalik sa kaniya.

Napatangu-tango naman ito nang kaunti.

"So uh, salamat nga pala sa pag-aalala mo. I appreciate it. Pero ako naman ngayon ang dapat na magsabi nito sayo." saad niya na siyang ikinagulat ko.

Sa mga cold expression na iginagawad namin sa isa't-isa hindi ko aakalaing sasabihan niya ako nang ganiyan lalo na at kauna-unahan pa lang.

"No...no... it's fine, I just--" naputol ang sasabihin ko nang siya ang sumugtong noon.

"Nope, marami ka nang naitulong saakin, kaya hindi lang pag-aalala ang nasa sa isipan ko kundi ang pagpapasalamat ko sayo. I mean... mahal kita, kaya ako ganoon katorpe na sabihin sayo lahat nang nararamdaman ko. Wala naman din akong tamang panahon na sabihin ito sayo, kaya ngayong may oras pa, at hanggang nananatili pa akong buhay, sinasabi ko na sayo. Mahal kita Lieutenant!" saad niya na siyang hindi ko aakalaing sasabihin niya.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon