Target #30 - Feelings
Cyrene's p.o.v
Sapul kang bata ka. Buti naman at medyo nawalan ako nang kaba sa ginawa ko.
Sigurado akong kapag hindi ko iyon natirahan nang deretso, paniguradong gagawa iyon nang paraan na makapagsumbong sa master mind nang lahat.
Asan na nga ba iyong si Ryan, kainis, bakit ngayon pa siya nawawala gayong kinakailangan na namin nang pinahahanap ko sa kaniya.
Kita ko namang bumangon na ang dalawa nang may pananakit nang katawan. Sino ba namang hindi mananakit sa ginawa nang higanteng tauhan nang mas tinopak na amo nun.
Pasalamat na nga lanag talaga iyong taong puno't-dulo nang lahat nang ito na pananatilihon namin siya nang buhay.
Matapos ang pagbibigayan namin nang senyas na okey lang ang lahat, then nagpatuloy naman na sila June at Maine sa paghahanap.
Ba't ba kasi nawawala ngayon si Ryan na kinakailangan na naming gamitin lahat nang ipinahahanap namin sa kaniya.
Paniguradong magigiba lahat nang plano kapag hindi iyon dumating at kumawala sa paningin namin ang mokong.
Nakarating na mismo ang dalawa sa lugar na mismong nakapagmasid parin ang target na mokong. Buti na lang at hindi pa kami nakikita nito.
Hanggang sa parang may napapansin na nga itong kakaiba sa direksyong tinittingnan niya.
Nako! Patay kaming lahat neto. Buti na lang at bago pa nito magamit ang teleskopyong nasa tabi nito, may biglang bumukas nang pinto na siya yatang may pagkakalakas.
Bigla naman itong napalingon sa likuran na para bang gulat na gulat. Unti-unti itong lumapit sa taong nagbukas na may pa-inat inat pa nang ulo.
Kung ikukumpara sa dalawa, si June ang medyo maliit kaysa sa mokong. Mas malaki pa ang katawan nito at mas mataas pa ito kesa sa naunang nakalaban nilang dalawa.
Wait!
Nasasaan na nga ba si Maine? Bigla akong napa-halughog ang tingin sa buong paligid nang building, kaso wala akong makitang Maine.
Kainis! Nawawala pa nga ang napakagaling na kuya niya, tapos pati ba naman kapatid niya?!
Napaka-bad timing nga naman oo.
May biglang nakaagaw nang atensyon ko sa ibaba nang building. Buti naman at nakarating na ang mokong.
Patakbo itong papunta sa loob nang building kung nasasaan nandodoon ang target.
Speaking of that target, agad ko namang binalikan ito nang tingin gamit ang maliit na teleskopyo na nasa harapan nang baril na hawak hawak ko.
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang, aktong susugurin na nito nang pagkakapatay si June.
Napapikit na lamang ako nang mariin nang binawian na nga na nang buhay si June. Gusto ko nang umiyak ngayon, kaso kinakailangan kong ituom ang atensyon ko sa ngayon.
Pero...
Hindi ko magawa-gawang mapigilan ang emosyon ko ngayon. We've just met, tapos sinabihan ko pa ito mismo na mag-ingat.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...