Target #33 - Moment's
Ritchien's p.o.v
Umagang-umaga pa lang at napapunta ako kaagad sa lugar kung nasasaan nagtatrabaho si Kyle.
I need to know, kung saan nga ba sila papunta. Kung mapapalayo man sila o kaya naman, mapapalapit sa lugar namin.
Kinakailangan naming mahanap ang hawak hawak nila ngayon, na siya mismong magbibigay liwanag at pag-asa sa sanlibutan.
Hindi na din dapat mag-aksaya pa nang oras, kasi kapag buhay na nang maraming tao ang nakasalalay, dapat kung ano ang gagawin para maka-hanap nang solusyon sa problema ngayon, then iyon ang dapat gawin.
Nasa loob na ako nang makitang naka-open ang mga computers, lop-tops, at marami pang iba, nang madtanan ko ring natutulog pa sa wheel-chair na kinauupuan ni Kyle.
Napailing na lamang ako sa nakita. Paniguradong napagod din nang magdamag si Kyle kakatitig at kakaob-serba sa mga galaw nila.
Speaking of that, muntik ko na palang makalimutan na nandirito pala ako para malaman kung nasasaan na nga ba sila.
Masakit man isipin na imbes nasa gitna nang kapahingan ang tauhan ko, kailangan kong gisingin para sa ikabubuti nang lahat.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Kyle at unti-unti yinuyugyog.
"Kyle... Hey!" saad ko habang patuloy ko paring niyuyugyog ang balikat nito.
Hindi naman ganoon ka-lalim ang pagkakatulog niya kaya walang kahirap-hirap ko itong nagising sa mga nakalipas na segundo lamang.
Medyo napa-ayos ito nang pagkakaupo nang makita niya ako.
"Lieutenant ikaw lang naman pala. Anonh atin?" tanong nito na hindi mawawala ang medyo maantok antok na tinig habang kusot-kusot ang mga mata.
Napabuntong-hininga na lamang ako sa nakita, nakakaawa kung tutuusin. Parating puyat at kulang sa tulog ang mga nagiging turing kong sandigan sa pagkamit nang kaayusan at kaliwanagan lahat nang problemang naeengkwentro namin sa ngayon.
"Sorry sa paggising ko sayo nang napaka-aga. Gusto ko lang sanang malaman kung nasasaan na nga ba ngayon lahat nang taong na-trace natin kahapon?" saad ko na may pagkakaseryoso sa tono.
Napatigil naman ito sa kaniyang pagkusot nang mga mata at pag-iinat nang madinig ang sinabi ko.
"Oh! Oo nga pala, teka." saad nito sabay harap sa mga computers na matagal na nitong gamit-gamit.
Mga ilang minuto itong nakaharap sa monitor na makikita ang paghahanap sa mga survivors.
"Here! I don't know kung bakit napaka-bagal nilang kumilos. Noong mga nakaraang-araw kasi, napakabilis lang nilang bumiyahe. But this time, mukhang may kaunting aberya yata." saad na hindi nahihiwalay ang pagkaka-titig sa monitor.
Nakatingin din ako sa monitor. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isipan ko.
Pero siguro, iyon nga ang sa ngayong nangyayari sa kanila.
"Maybe, may gamit silang sasakyan noong mga nakaraang araw, at siguro nasiraan o kaya naman nawalan nang gas kaya tanging ginawa na lamang nila ay ang maglakad." saad ko nang mahina.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...