Target #15 - Meet the Jerk

384 23 4
                                    

Target #15 - Meet the Jerk

Cyrene's p.o.v

I woke up na may pangingirot akong nararamdaman sa ulo. And then all I know nasa loob ako nang tent?!

Teka!

Lumingon lingon ako sa paligid nang malamang wala sina dad at Francis sa tabi ko.

Napabalikwas na lang ako nang bangon atsaka lumabas sa tent na siyang ikinagising nang diwa ko.

When I saw the surroundings, nanlaki ang mga mata ko nang tumambad saakin ang ibang tent at mga bonfire na siyang nagsisilbing liwanag dito sa madilim na kagubatan.

Wala na akong inaksayang oras pa at nagsimula na akong maglakad nang tulin para madaling mahanap sina dad at Francis.

Baka kung ano nang nangyari sa mga iyon. Papatayin ko mismo itong buhay na mayroroon ako, kung may mangyari mang masama sa kanila.

Naglibot ako nang naglibot, may mga nakakasalubong ako na mga taong naglalakad sa labas, at mukhang hindi maipagkakaila na nakatingin ito sa direksyon ko na may mga ekspresyon na nagtataka at mukhang nababaliw sa paningin nila.

Well, I don't care. Makita ko lang sila at malaman ko lang na ligtas iyong dalawa, ok na ako doon. Kahit na magmukha man akong tanga sa mga mata nang iba.

Hindi naman sa maraming tao ang nandirito, sigurado akong isa din sila sa mga naging survivor sa mundong ito.

I don't know na may ganitong mala-kampo ang nakatayo dito sa gitna nang.... gubat ba talaga ito or ano, basta mala-gubat nga kung titingnan.

Wala na akong pinapansin ni isa sa mga taong nalalampasan ko, basta ang tanging atensyon ko ay nakatuon sa paghahanap sa kanilang dalawa.

Hanap lang ako nang hanap hanggang sa may makabangga ako.

Mukhang nagalit yata, but wala na akong pakialam, nagsorry na lang ako dito at saka magpapatuloy na sana nang may binitiwan itong salita.

Sa tinig pa lang nito, siguradong boses lalaki. Pero wala na akong pinagpatuloy pa sa mga pinagsasabi nito, I need to find them, kaya umiwas na ako sa gulo at saka nagsimula na namang maglakad nang mabilis na halos takbo na ang nagagawa ko palayo sa nagawa kong gulo.

Palingon lingon ako sa paligid nagbabakasakaling makita ni isa sa kanila, kaso wala talaga.

Until may naisip akong paraan. Hahakbang na sana ako para tanungin isa isa itong mga taong nakakasalubong ko, kaso nga lang may nanghila sa kamay ko nangmarahas na siyang ikinalingon ko sa taong hindi ko naman kilala.

Naiinis akong napatingin sa mukha nang taong ito. May gana pa siyang gawan ako nang ganitong eksena, tapos hindi ko naman kilala.

Feeling close ang puts**, oo.

"Are you deaf or what? Kasi para lang akong tanga na hindi mo man lang madinig lahat nang sinasabi ko. Ni wala ka nga--"

"And then?! Well... you know what? I don't care... atsaka hindi ko alam iyang mga pinagsasasabi mo. And most of all, I DON'T EVEN KNOW YOU!" sabay duro ko sa dibdib nito.

May katangkaran ang gago at may pagmumukha naman itong maipagmamalaki sa iba. Ang problema nga lang, ambastos nang ugali at basta basta na lang nakikipag-away sa hindi niua kilala.

Like... feeling close lang ang peg. Tsss... Napakasungit pa.

Marahas nitong hinawakan ang kamay kong nakaduro sa dibdib niya na hindi ko pa pala nababawi.

Nakaramdam ako nang sakit, na para bang puputulin o kaya nama'y babaliin ito.

Pilit kong hatakin, kaso nga lang ang lakas niya, at isa pa, mas lalong tumitindi ang sakit kapag pinipilit kong bawiin sa marahas na pagkakahawak nang gago.

Gusto ko nang umiyak dahil sa sakit. Parang namamanhid na ang kamay ko. Ito pa naman iyong nasugatan sa bubog na laylayan lang ng damit ni Ryan ang ipinang-bandage dito.

"Ano? Masakit ba? Ikaw pa itong may ganang magalit saakin huh?!" sabay diin na naman dito ang lakas nang kamay niya laban sa lutay lutay kong kamay.

Nararamdaman ko na ang pag-agos nang mainit na likido dito at kitang kita kong lumalabas na nga ang dugo na nanggagaling sa kamay ko.

Ayokong umiyak, at mas lalo nang ayokong ipakitang mahina ako sa gagong ito.

Buti na lang at wala nang taong dumaraan sa direksyon namin, dahil narin yata sa patago ito at may kadiliman ang paligid.

Pinilit ko nang pinilit, hanggang sa wakas naman at nabawi ko narin ang kamay ko na wala nang lakas, punong puno nang dugo, at namumutla na dahil sa pagkawala nang pulang likido dito.

Hawak-hawak niya ang nakatali sa kamay ko bilang bandage habang nakatitig ito nang napakasama saakin. Pero hindi ako nagpatalo at tinitigan din ito nang masama.

"Fuck y**! Ganiyan ba ang trato mo sa isang babae? Napaka-demonyo mo! Sorry huh! Kung isinawalang bahala ko lang iyang mga sinasabi mo, sorry huh kung ako ang may mali... Sorry kung nabangga kita kanina, sorry kung hindi kita nabigyan nang maayos na pagtrato kanina. SORRY!" medyo malakas lakas na saad ko para madinig nito.

Ang hindi ko alam, tumutulo na pala ang mga luha ko. Siguro, hindi ako nakaranas nang pagtrato nang ganito simula nung bata ako hanggang ngayon o siguro naman, napakabastos niyang trumato nang babae.

Hawak-hawak ko parin ang kabila kong kamay na walang lakas, at dumudugo na nang sobra.

"You know what?! Siguro hindi pa sapat sayo lahat nang sorry ko ano? Well para malaman mo kung bakit ganoon ang kinilos ko towards you, pwesss hindi dahil sa wala akong modo, but because, hinahanap ko sina dad at Francis sa pesteng lugar nato." saad ko na wala paring kawakas wakas ang pag-agos nang mga luha ko.

Pinunasan ko ito gamit ang kabilang kamay ko, at hinarap ang bastos na nilalang sa harapan ko na may gana pang magalit.

"Para mahimasmasan ka sa galit mo kanina, pagbibigyan kita. Saktan moko. Kahit putulin mo pa itong kamay ko o kaya nama'y patayin mo na lang ako. Kasi sa totoo lang... pagod na pagod na ako sa mundong ginagalawan ko. Oh heto! Sige!" saad ko sabay lahad nang kamay ko sa harapan niya na nanggagalaiti sa galit.

Pagod na pagod na nga ako, tapos dinagdagan pa nang gagong ito. Mas mabuti na lang na mawala na ako sa mundong ginagalawan ko kesa sa tratuhin akong hayop.

Mukhang walang balak itong mag-salita kaya binawi ko na lang at tinitigan siyang muli nang masama.

"Before ka kasi manisi at magalit sa isang tao, make sure na mag rason ang mga ito." saad ko sabay alis sa direksyon na iyon na hawak hawak parin ang kamay ko.

Ipinagpatuloy ko parin ang paghahanap at hindi ko na nilingon pa ang gago. Kasi, sa inasta niya pa lang hindi na din dapat kaawan iyang mga kagaya niya. Hindi nadin siya nalalayo sa mga demonyong nakakalat sa paligid.

《 To be continued... 》

《 D E A D T A R G E T 》

By : @Crimelix_20

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon