Target #11 - Demons
Ryan's p.o.v
Napamulat na lang ako dahil sa biglaang pagkirot nang ulo. Medyo hindi pa ako maka-adjust sa pagkalabo nang paningin ko.
Mga ilang segundo din nang maaninag ko na nang malinaw kung nasasaan na nga ba ako. Ang ipinagtataka ko is, bakit nasa lugar ako na ni isa wala akonag maalala na naparito.
Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang may maramdaman akong panali sa mga binti at kamay ko.
Hanggang sa alam ko na kung bakit ako nandirito sa lugar na napakadilim at tanging sinag lamang nang buwan ang makikita sa isang bintana.
Abala ako sa paglibot nang paningin nang bigla ko na lang naipikit nang mariin ang mga mata ko dahil sa ilaw na bigla bigla na lang sumindi.
And then, I heard some steps na paparating sa kinauupuan ko. Pinilit kong tumingin at hindi nga ako nabigo.
Huminto ito sa harapan ko at tiningnan ako na para bang wala lang sa kaniya ang lahat.
"Who are you?" I asked na walang makikitang ekspresyon sa pagmumukha ko.
"Diba dapat ako ang kailangang magtanong niyan sa iyo? Sino ka at anong ginagawa mo sa lugar ko?" madiin nitong pagkakasabi.
Napasinghal na lang ako sa inaasta nang mokong. Kung nakawala lang ako rito, siguradong malalagot talaga itong kalbo.
Ansarap ipakain sa mga nakaambang halimaw sa labas, para lahat nang zombies ang unang matatakam sa ulo niyang nagliliwanag.
"I'm just a survivor, who wanted to survived. Happy?!" nakangiwing pagkakasaad ko rito.
Makikita sa mukha nito na parang hindi naniniwala sa mga pinagsasabi ko.
Well, I can't blame him, kahit na ako man, hindi ko kayang maniwala kaagad sa iba, lalo na at may balak itong gumawa nang masama, at sarili lamang ang iniisip na iligtas.
Umupo ito nang bahagya para magkasingpantay kami kahit papaano at tinitigan ako sa mata na walang halong biro.
"Sa tingin mo ba hahayaan kitang pagkatiwalaan at patuluyin sa pamamahay ko?" tanong nito na siyang ikinatanong din sa mismong sarili ko.
Kasi ako mismo, nakadepende na lang ako sa gusto kong desisyon kung alam kong iyon ang ikabubuhay ko at sa kapatid ko.
"Susubukan ko. It depends kung saan ang dapat at mas lalong karapat-dapat, at doon ako tutungo para mabuhay." saad ko rito na may katamtaman lamang na tono na sakto lang sa pandinig naming dalawa.
Mga ilang segundo nito akong tinitigan sa mga mata na hindi mawawala ang ekspresyong suot-suot niya kanina pa, bago ito tumayo.
"Patutuluyin kita rito sa pamamahay ko, sa isang kondisyon." saad nito na siyang ikinakunot-noo ko.
| | | | | |
Cyrene's p.o.v
Mga tunog nang plato at kutsara ang madidinig saaming lahat na nandirito sa lamesa habang kumakain.
Mukhang ginutom nga ang lahat dahil sa niluto ni dad. Simula't-sapul alam na ni dad ang pagluluto, siya pa nga mismo ang naguturo kay mom.
Speaking of mom, bigla ko na namang naalala lahat nang nangyari kanina.
Kung hindi dahil nawalan kami nang gas nang mga oras na iyon, eh di sana hindi kami mag-iisip nang paraan para makaalis sa lugar na iyon.
At higit sa lahat kung nagawa ko lang na mailigtas si mom gaya nang pagkakaligtas ko sa iba, eh di sana buhay pa siya hanggang ngayon.
"Ate, are you okey?! Masyadong nakakahalata na sa iba iyang kinikilos mo." pabulong na saad ni Francis sa kaliwang tainga ko.
Napabalik riyalidad na lang ako at tumayo na para maagang makapagpahinga para bukas.
"Busog na ako. I need to rest na, kayo din jan dad at Francis. Remember, maaga pa tayo bukas." saad ko sa kanila na siyang ikinalingon nang lahat sa direksyon ko kahit na hindi naman kasali itong apat.
Hindi na ako naghintay pa nang sagot nina dad, kundi umalis na kaagad ako papuntang kwarto.
| | | | | |
Maine's p.o.v
"Arghhh!" nasa loob ako ngayon sa isa sa mga sirang bus na lahat ay sara na minabuting i-lock ko lahat para hindi ako masyadong magambala ang pagkakapahinga ko.
Medyo namimilipit ako sa sakit sa sugat na natamo ko dahil doon sa tire wire na medyo napabaon ang pagkakasugat sa kanang braso ko.
Pinunit ko na nga mismo iting laylayan nang damit ko para ipang-bandage sa sugat ko.
Kahit kailan hindi sumagi sa isipan kong magsisi sa ginawa kong pagtakas kay kuya, dahil iyon naman talaga ang ginusto ko.
Kailangan kong hanapin at sundan sina ate Cyrene papuntang HQ. Nabasa ko rin iyong lahat nang nakasulat sa isa mga paper flyers na nakuha nina kuya Roel at Jericson.
Gusto kong makahalubilo sa ibang tao at maibalik ang buhay na ginusto kong maging okey na lahat, kung saan safe kaming lahat.
Nakaupo na lang ako ngayon habang nakatingala sa bubong nang bus.
Buti na lang at nagawa kong makaligtas sa mga halimaw na tinangkanag habulin ako. Nakuha ko lang naman kasi itong sugat ko sa tire wire na sinuong ko noong nasa bingit na ako ng kamatayan.
Sigurado akong hahanapin at hahanapin ako ni kuya hanggang sa makakaya niya at hanggang sa may hininga pa siya.
Kaya gagawin ko rin ang lahat para lumayo sa kuya kong kailanman hindi ko nakilala dahil sa ugaling ipinapakita niya aras-araw sa tuwing magkasama kaming dalawa.
Habang nakatitig ako sa kisame nitong bus. Bigla na lamang akong napaigtad sa kinauupuan ko nang may marinig akong pagkalampag sa main door nang bus.
| | | | | |
Leo's p.o.v
Takbo dito takbo doon. Iyan ang paulit-ulit kong ginagawa dahil sa nakaambang humahabol ni kamatayan sa buhay ko.
Ang bibilis nila kung sa gabi mo makakahalubilo, at kailangang kailangan ko nang makahanap nang matataguan.
Paliko-liko lang ako nang tinatakbuhan, hanggang sa may makita akong bus na medyo matibay pa.
Dinig ko ang mga hininga ko habang tumatakbo ako papalayo sa mga humahabol sa akin.
Nang makaabot na nga ako sa bus, kinalampag at kinalampag ko nang todo, kasi kung tutuusin masasabi kong may tao dahil sa nakaawang na kurtina sa loob na siyang kinauupuan nang kung sino man.
Pero kung halimaw man, hindi niya alam kung paano ito bubuksa para makalabas.
Mukhang hindi parin umuubra ang ginagawa ko, kaya sinabayan ko nang pagsisigaw.
Papalapit na sila nang papalapit sa kinaroroonan ko at parami din sila nang paparami sa paningin ko, dahil na rin siguro sa ginagawa kong ingay.
Shi*!
I'm gonna die.
May isa sa mga halimaw ang malapit na sana akong makain nang may bigla sumipa nito sa ulunan na nanggagaling sa pintuan na kanina ko pa kinakalampag at sinisigawan.
Hanggang sa nagulat na lang ako sa nakita ko.
《 To be continued... 》
《 D E A D T A R G E T 》
By : @Crimelix_20
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Ciencia FicciónMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...