Target #22 - Lungkot

313 17 3
                                    

Target #22 - Lungkot

Francis' p.o.v

       Ako man din nagulat sa lahat nang nangyari. Kung pwede lang sanang umiyak, pero hindi ko magawa.

Si Mom, pati si Dad, wala na. Siguro, ako na ang susunod sa kanilang dalawa.

I remember those days na magkasama kami ni dad, mga kulitan, bonding-an, awayan, tawanan, pati mambabae, tinuruan din ako.

Pero, hindi ko magawang matuto sa pambabae. Those days na magkakasama pa kaming dalawa, marami akong natutunan sa kaniya, ganoon din kay mama.

Mom always said to me na kailangan maglinis din ako paminsan minsan, napakabulero rin daw ako nagmana kay papa, tapos sasabihan pa akong gwapo para lang mapasunod ako ni mama.

Mom was the type of person na kahit kailan, hindi mawawala sa kaniya ang pagkamalinisin, ang pagiging pahard-to-get.

While Dad naman, he was the first best-friend na nakilala ko at nakatagpo ko simula noong naipanganak ako dito sa lupa.

Sinasabayan ako palagi ni papa, sinusuportahan bawat hakbangin na gusto ko na alam niyang makabubuti naman sa ikauunlad nang pagkatao ko.

Napaka-mapagmahal at maalalahanin silang pareho sa akin, at ganoon din kay ate. Sayang nga lang at hindi ko man lang sila nasabihan kung gaano ko sila kamahal.

Nagsisisi akong hindi ko kaagad nalaman na may dala-dala nadin palang virus si papa katulad nang ibang tao na naging kagaya niya.

Ngayon, kami na lang ni ate ang natitira, nagbabakasakaling mabuhay pa ako, at siya para sa HQ. Kailangan kong magpakatatag, hindi lang naman para sa sarili ko, kundi pati narin kay ate.

I know naman na si ate, pagod na pagod narin. At alam ko ring mas pagod din siya kesa sa akin. Kaya I need to be on her side kahit na ano mang mangyari.

Kita kong nakayuko sa isang banda si kuya Harris. Kahit na di man niya ipaalam na nasasaktan din siya sa nangyayari, ramdam ko naman iyon.

Pareho kaming lalaki, at alam ko kung paano kumilos at paano malungkot ang katulad niya.

Dahil sa gusto kong makatulong at mapagaan man lang ang problema ngayon sa kaniya, kailangan kong puntahan at kausapin.

| | | | | |

Harris' p.o.v

      Nakatitig lang ako sa kawalan makikita sa bintana na nakakabit sa classroom. Hindi parin mawala-wala sa isipan ko lahat nang nangyari kanina.

Napahawak ako sa kinagatan nang halimaw. Hindi ko maintindihan kung bakit sa ginawa kong pagprotekta at pagligtas nang buhay nila, ako parin ang masama at walang awa.

Maybe because nakikita niya parin saakin ang dating ako, kaya hindi niya kailanman kayang maibalik ang pagtitiwala saakin.

Napatingin akong muli sa bintana. Kita ko mula rito ang mga nakakalat na halimaw sa ground.

Andami nila.

Nabalik na lang ako sa riyalidad nang may mapansin akong presensya sa harapan ko. Si Francis lang namn pala.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon