Target #35 - Bihag

155 14 0
                                    

Target #35 - Bihag

Ritchien's p.o.v

      Nagmamadali akong napapunta sa kung nasasaan ngayon si Kyle.

May napakahalaga daw nitong sasabihin. Hindi ko man alam pero mukhang hindi maitatago sa puso ko ang kaba.

Para bang may maling nangyayari. Kaya kailangan kong mapapunta kaagad sa kung nasasaan si Kyle.

Mga ilang minuto pa lang nang makarating narin ako sa destinasyon ko.

Pagkapasok ko pa lang walang pagbati ang ibininungad saakin ni Kyle. Mukhang abala ito sa kaniyang trabaho.

Agad naman akong lumapit sa kinaroroonan nito at napalingon naman ito nang mga ilang segundo sa bagong dating atsaka nagsalita.

"May problema tayo ngayon. Ewan ko kung mali ba itong hinala ko, pero may iba pang mga survivors ang kasama ngayon nang mga taong may hawak nang target. Isa pa, nasa village ang mga taong iyon at mukhang may kung anong nagaganap na hindi ko malaman. Bigla na lang naiba ang direksyon na dapat na pupuntahan nang mga may hawak nang target ngayon." saad nito na may pahimas-himas pa sa baba nito at may mga kilay na magkatagpo na dahil sa pagiimbestiga.

Napatayo naman ako nang maayos na may kasabay pa na pagkaka-cross arms.

"Teka nga lang... Hindi ba, kaya mong maka-connect sa mga cctv footages na mismong dinaraanan nilang lahat? Baka sakaling may makuha tayong info." saad ko na may nagbabasakaling alam nga niya kung papano gawin iyon.

Sa ngayon, hindi namin malalaman kung anong nangyayari kung hindi namin mismo makikita isa-isa lahat nang footage simula noong nagkaroon nang apocalypse.

Imposibleng mag-iba na lamang sila nang direksyon na pupuntahan.

At ang mismong ikinapagtataka ko ngayon, ay ang mismong mga iba pang survivors na kasama ngayon sa nasabing radar ni Kyle.

"Hmmm... tungkol jan, mukhang mahihirapan tayo nang kaunti Lieutenant. Pero susubukan kong maka-connect sa mga footages na mismong dinaraanan nang mga survivors." saad nito na may patango-tango pa.

Binigyan ko na muna ito nang kaunting oras para magawa nang lahat nang iyon, at saka na ako babalik kapag, kumpleto na lahat.

Kailangan ko pang balikan ang naiwan kong meeting sa lahat nang mga kasundaluhan tulad ko.

Gagawa na muna kami nang plano saka hahakbang kapag alam ko na kung ano ang pakay nang mga taong iyon sa ngayon.

Hindi pa ako nakakasiguro kung mga masasamang tao ang mga iyon, kaya kinakailangan na munang malaman lahat nang mga nangyari bago maganap ang pag-huli sa target na hawak hawak nila.

| | | | | |

Kyle's p.o.v

     Medyo mahirap ma-trace kung saan nga ba nag-umpisa ang lahat. Pero napag-isipan kong ma-chech lahat nang mga footages na nasa loob nang isa sa mga pribadong eskwelahan na mismong tinuluyan nila nang isang araw.

Sigurado naman akong may mga cctv na nakakabit hanggang ngayon sa mga sulok sulok nang eskwelahan.

Ano ba namang hindi magagawa nang mga private schools. Kaya imposibleng wala man lang ni isabg cctv doon na nakakabit.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon