Target #20 - Kwintas
Cyrene's p.o.v
"Ewww! Iyon na iyon?! ZomPee! Like...duh, ampangit kaya. Ano ba naman iyan ate, ambaduy naman." saad nang kapatid ko na may pairap-irap pang nalalaman sa harapan ko.
Tinitigan ko lang ito nang masama atsaka napag-isipang mag-libot muna sa loob nang classroom.
We've been trap sa 2nd floor, walang pagkain, walang gamit, walang sandata at wala talaga lahat.
Malawak din naman pala itong classroom na 'to. Maybe, dati itong school na private. Lahat lang nang maykaya ang pwedeng makapasok sa mga ganitong skwelahan.
Not just those rich kids lang ang nakakapasok rito, but also iyong mga scholar na din. Sa mga panahon ko na nasa teenage pa ako, napaka-ganda at being in my high school age, masasabi kong wala akong pinagsisihan, it was all worth it.
Ramdam ko namang sumunod sa likuran ko ang tatlo. Siguro gusto din nilang makita itong buong classroom.
Naalala ko tuloy nung nasa mga panahon pa ako nang pagiging high school, our family is not the type of being a rich one.
Nanggaling nadin kami sa pagiging mahirap, kaya napag-isipan kong makatulong naman kahit papaano sa mga magulang ko.
Pumasok ako sa mga paligsahan sa mga racer. Unang natutunan ko ang isa sa mga talento ko ay galing kay Harris.
Sa kamaang palad, pareho kaming napasabak sa iisang patimpalak, at doon mismo ako nagsisising nanalo ako.
I know naman na napakalaking halaga nito sa reputasyon ni Harris, pinilit ko namang isuko ang pagkapanalo sa mga araw na iyon, but isa sa mga kalahok namin ang halos maging uno sa laban.
Kaya wala na akong ibang ginawa kundi ang siguruhing mauna ang sarili ko, lalo na at nangangailangan kami nang pera noon.
Years passed by, naka-graduate ako, nakapag-move on na ako sa mga nangyari at ang biglaang pag-alis ni Harris na walang paalam.
And then, nakapaghanap ako nang magandang trabaho sa isang kumpanya. Rough day nga naman iyon kung tuuusin.
Kailangang magising nang maaga para sa trabaho. Nang mamatay mismo ang may-ari sa mga nakalipas na araw, pinalitan ito nang anak niya.
She's beautiful, and elegant. Mabait din siya kagaya nang ama nito. Dahil sa mga nakita niyang maayos ako magtrabaho at walang kapalpak-palpak, ipinadala niya ako sa California na siyang pagmamay-ari din nila.
Nandodoon ako nang mga ilang araw, hanggang sa nalaman ko na lang na namatay ito sa isang car accident.
Dahil nga sa wala na siyang ibang kapamilyang mabibilinan nang kompanya, wala din itong anak, o asawa, patay nadin ang mga magulang niya, kaya ako ang napasahan nang kompanya.
I felt sad and also may kahalo ding saya, sa mga pangyayari. And now, umangat na ang pamumuhay na mayroon kami ngayon.
Okey na sana ang lahat nang mangyari lahat nang ito.
"Huyy!" nagulat na lang ako nang may biglang bumulong sa tainga ko nang sobrang lakas.
"Ano na naman bang kailangan mo?" walang kaekspre-ekspresyon kong saad sa kapatid ko.
Imbes na sumagot, nginitian lang ako nang nakakaloko at umalis sa harapan ko.
Dahil narin sa tagal kong nakatayo, umupo na din ako. Medyo nangangalay narin ang dalawa kong paa, dinagdagan pa nang malayo layong pagkakatakbo namin papunta rito.
![](https://img.wattpad.com/cover/256276248-288-k134310.jpg)
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...