Target #13 - Survive No Matter What

502 27 0
                                    

Target #13 - Survive No Matter What

Cyrene's p.o.v

      Ready na nga kami at kailangan na lang naming gawin ang lahat nang kaya namin para maging successful nang plinlano.

Nakakapanibago lang talaga ang kulay nang kalangitan at ang mga tao na unang nakakasalamuha pa namin na may buhay pa.

Naghihintay na lang ako nang tamang panahon para sa plano. Sana nga lang wala nang mawala sa mga mahal ko sa buhay. Wala na si mama at ayokong mawala din sila dad at Francis nang dahil lang saakin.

Ayoko nang maulit muli iyon. Kasi kung maulit man, wala na akong ibang kayang gawin kundi ang parusahan ang sarili ko sa kamay nang tunay na impyerno.

Kasama nang mga masasamang nilalang.

Nakasilip lang ako ngayon sa bintana, inaabangan ang pag-sasagawa namin nang plano.

Hindi ko maipagkakait ang ganda nang kulay nang kalangitan. Mala-kulay kahel.

Pero kabaliktaran naman pala noon ang kinatatayuan naming nabubuhay dito sa lupa. Maraming nakakalat na basura at parang hindi na nga talaga masasabing tunay na mundo pa itong nasa kasalukuyan. Hindi lang basura, kundi kasama narin ang mga buhay na patay na nagkalat sa buong paligid.

I'm just thinking kung papaano nga ba muli nagsimula itong apocalyptic life na meron kami.

Naglalaro sa isipan ko kung ganoon din ba ang nararanasan sa ibang lugar.

Wala nang baterya itong phone ko, dahil sa kawalan nang kuryente sa buong lugar. I'm just hoping na maging okey na nga ang lahat at bumalik na sa dati ang pamumuhay na gusto kong makamit.

Hindi lang ako ang may gusto noon, kundi mapa-sa-iba man.

"Sorry for disturbing you but this is now the right time."

Napabalik riyalidad na lang ako nang may magsalita sa likuran ko na siyang ikinalingon ko dito.

I saw that expression. Na may pagaalinglangan.

Ayokong may nagpaparamdam saakin na nag-aalala ang mga katulad niya na siya din namang nangiwan simula't-sapul.

"Okey!"

Saad ko sabay alis na sa kinatatayuan naming dalawa.

May dalawang sasakyan pa na pwede naming gamitin. Sa tig-iisang sasakyan na pagpasiyahan namin na kaming tatlo ni dad ang sama-sama, samantalang silang apat naman nina Harris sa isa pang sasakyan.

Wala na kaming ibang mapagkukunan nang gas or gumagana pang sasakyan, so ang tanging choice na lang namin is sakyan ang kotse na ginamit din namin mismo sa pakikipaghabulan sa isa't-isa.

May mga nasasabik na kasalubungin kami nang mga pagala-gala na patay sa paligid.

Mala-artistahin pala ang dating namin sa mga mata nila. Buti naman at may alam na din ako sa pakikipaglaban ganoon din mismo itong kapatid ko.

Kung tutuusin, dalawang araw pa nga lang nang magsimula itong kababalaghang nangyayari sa mundong ito, pero mabilis lang matuto itong kapatid ko kung ikukumpara sa akin.

Well, lalaki siya kaya alam kong sa edad niya na labin-limang taon, may kusa, kaalaman at matured na ang pag-iisip niya na may katatagan nang loob.

"Okey na ba ang lahat? Oras na, kaya dapat wala na tayong dapat aksayahing mapasegundo man. Be ready at talasan ang mga mata." napatango tango naman ang lahat sa sinabi ko at saka nagsimula na nga kaming lumabas sa bahay.

Medyo may agwat kami bawat isa. Binabantayan kung may mga papalapit at handang saktan kami ano mang oras.

May mga napapatay kami dahil sa mga pasaway na patay. Ambibilis kung kumilos, medyo malayo layo pa naman itong pinarkingan nang mga kotse namin mula dito sa bahay.

Kainis!

"Watch out!" Napalingon naman ako kaagad sa taong sumigaw noon bigla at buti na lang at hindi ako napuruhan nang isa sa mga pagala-galang patay dito kung hindi dahil kay Harris.

May gana din akong magsabi sa kanila na talasan ang mga mata, pero ako pa mismo ang tatanga tanga.

Medyo nagkakatitigan pa kami saglit nang ako na mismo ang umiwas nang tingin dali dali kaming naglakad habang may mga papunta pa sa direksyon naming lahat.

"Mauna na kayo, ako nang bahala sa mga ito." pasigaw nito ni George.

Sinenyasan naman nito si Harris na umalis na ganoon din ang iba pa niyang kasamahan. Makikita sa mga mukha nila ang pag-aalala sa kaibigan, pero wala na nga kaming ibang magawa kundi ang sumunod na lang.

Kumaripas na nga kami nang takbo atsaka nakatuntong naman kami sa wakas.

Mission accomplished.

Kaso nga lang, pansin kong hindi pa pinaandar nina Harris iyong kotseng sinsakyan nila. Siguro may hinhintay pa at sigurado akong si George iyon.

"Paparating na sila, pero ba't parang hindi pa pinaandar iyong kotse? Don't you say na kailangan pa nating hintayin si George? Mamamatay tayong lahat dito kapag nagkataong nadatnan tayo nang mga patay." pagmamaktol naman nitong kapatid ko, habang si dad naman abala sa pag-aabang din mismo.

Sa ngayon ako na muna ang nagmamaneho, para siguradong walang makakapanakit sa pamilya ko.

Dinig namin ang paparating na sandamak-mak na halimaw papunta sa kianpupwestuhan naming lahat.

Ang akala namin mga halimaw lang pero iyon pala, hinahabol lang naman si George na kumakaripas nang takbo papunta sa direksyon naming lahat.

Sa tuwing nakikita kong tumatakbo nang ganoon si George, naiisip ko rin ang sarili ko noon nung unang engkwentro ko sa isa sa kanila.

Hindi maikukumpara sa nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan kung papaano tumakbo si George makalayo lamang sa nakaambang kamatayan, kesa sa noong ako mismo ang hinahabol.

Mga ilang segundo din nang malaman kong iniandar na nga nila ang sinasakyang kotse.

May mga nababangga kaming halimaw sa dinaraanan na unang kita ko pa lang nabigla na ako at mukhang nag-iisip kung liliko ba ako o sasagasaan na lang para mabawas bawasan naman kahit papaano ang mga kagaya nila na hamak naman na patay na.

Well, wala nang oras para magisip at magdalawang isip. Kasi ako mismo, kapag nandiyan na ang problema sa harapan ko, handa akong gumawa nang paraan.

Bawat nadaraanan namin, sinasagasaan ko. Wala nang oras para maawa sa mga kagaya nila, dahil sila mismo, walang awang pumatay nang mga kagaya naming buhay pa.

Kada patay na nababangga ko, may yanig sa loob nang sasakyan ang nararamdaman namin sa loob nang sasakyan.

Bahala na, basta makaalis lang sa nakakasukang lugar nato.

Pasalamat na lang ako na hindi pamilya ko ang nalagay sa sitwasyon ni George.

Kundi mararanasan nila, kung gaano kabahan nang sobra para lang makaalis ka sa pesteng nakaambang kamatayan sayo.

Until the end, we're gonna survive, no matter what.

《 To be continued... 》

《 D E A D  T A R G E T 》

By : @Crimelix_20

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon