Target #25 - Everything Will Be Fine!

267 15 1
                                    

Target #25 - Everything Will Be Fine!

Ryan's p.o.v

     Nagising na lamang ako nang may marinig akong tunog sa kung saan. Kay aga-aga pa pero, may gumagambala na kaagad.

Wala naman ding pinag-bago. Palagi na lang din kasing walang panibagong nagaganap.

Sinundan ko ang tunog na siyang pinanggagalingan nito. Hanggang sa nagulat na lamang ako nang makitang ang mismong gate nang school nato, ay pilit binubuksan nang...

Sandamak-mak na patay?!

Shit!

"Hey! Gumising kayong lahat jan." pasigaw kong saad na siya namang ikinabugnot nang mga mukha nila sa pagsigaw ko.

Nakamasid parin ako sa gate na iyon, hindi rin kasi mawala-wala sa isipan at paningin ko ang nangyayari.

"Anyare kuya? Ba't parang nam-BUBULABOG ANG MGA ZOMBIES!" saad nang kapatid kong nag-iba kaagad nang timpla.

Alam ko namang ako na naman ang bubulyawan nun, kung hindi lang niya nakitang nakatingin din ako sa main entrance nang school nato.

Pilit nilang umaakyat sa taas nang gate na iyon, kumbaga, parang may pagkaka-isa nga naman kung titingnan.

Sa pagkakaalam ko, ang mga kagaya nila ay walang alam sa mga ganiyang technique. Pero bakit ngayon, parang imposible ko naman na yatang mapaniwalaan ang alam ko.

Nakita ko namang napatingin din silang lahat. Talagang makikita sa mga mata at reaksyon nila ang pagkamangha, or should I say, pagkagulantang.

"Anak nang tokwa! Papaanong nangyaring..." dahil sa reaksyon ngayon nang aso, hindi niya na mismo natapos pa ang sasabihin.

Ano na bang gagawin namin ngayon? Mukhang maya-maya na lang at makakapasok na sila dito sa loob nang campus.

Kainis naman oo.

| | | | | |

Cyrene's p.o.v

       Abala sa pagmamasid ang lahat sa labas. Mukhang wala na nga kaming matatakasan.

Ang ipinagtataka ko ngayon ay kung bakit nagagawa nilang gawin ang mga bagay na hindi naman dapat nila alam.

At isa pa, papaanog nagkakaroon pa sila nang unity, na simula't-sapul wala na silang memorya para matandaan ang lahat nang bagay na alam nila.

Muli akong napatingin sa direksyon nang mga halimaw na abalang abala sa pag-akyat para lang makapasok.

Hanggang sa may naaninag akong nakatayo sa gilid nang mga zombies na nagsisipantipok. Nangunot ang noo ko nang bigla itong umalis na para bang wala lang.

What...The...Heck!

Anong klaseng halimaw iyon? Isa ba talaga iyon sa mga patay o taong buhay?!

Teka! Kung isa naman ito sa kanila, hindi naman magiging kakaiba ang ikinikilos niya.

Kung tutuusin ang dapat na ikinikilos nang mga patay is walang ka-kontrol kontrol sa mga galaw at parang lasing kung maglakad.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon