Target #16 - The Camp

394 21 2
                                    

Target #16 - The Camp

Ryan's p.o.v

         Pinag-iisipan ko parin hanggang ngayon iyong kondisyon na sinasabi nitong kalbong June.

Kasi ang sabi niya, sa pagpapatuloy nito saakin sa pamamahay niya, kailangang matupad din ang kondisyong iyon na pinagkasunduan naming dalawa.

Gusto niya na kapag nahanap na namin si Maine, kaming tatlo ang kailangang makapag-evacuate sa HQ na sinasabi nitong kalbo.

Maybe, he saw the paper na naglalaman nang ganoong sulat na nanghihikayat sa iba pang survivor na nananatiling buhay pa hanggang ngayon.

Napabalik riyalidad na lamang ako nang madinig kong humililk nang napakalakas itong kalbo.

I don't know if makakatulog pa ba ako sa ganitong sitwasyon. May mga ingay na nangangalampag sa labas nang bahay na gustong gusto makapasok, dinagdagan pa nitong nakakarinding hilik nang kalbo.

Hindi ako sanay na makarinig nang hilik sa iba kung papatulog kana. Ang ingay. Parang baboy lang ang dating.

Well, hindi na din siya nalalayo sa baboy. Ang masama pa doon, pati yata mga hayop, naging katulad nadin nang mga demonyong nanghahasik nang lagim. Mapa-umaga man o mapa-gabi.

Wala silang pinipiling oras o panahon, kung alam nilang may makakain doon sila magsisipangdumog at walang ka-kontrol kontrol ang mga galaw at pag-iisip.

Kailangan ko pang maagang magising bukas, ayoko nang mag-aksaya pa nang oras.

Titiisin ko na lang itong ingay na naidudulot nang kalbo.

Baka sakaling makatulog din ako, at maisawalang bahala na lang.

| | | | | |

Harris' p.o.v

        Masaya kaming nagsisipagkwentuhan sa iba pang mga survivor na nandirito. Kasama ko rin sina Francis at pati dad niya. Ewan ko ba kung nasasaan na si Cyrene at parang hindi man lang napadpad dito sa direksyon namin.

Nagtataka din ako kung bakit wala iyong mga kaibigan ko. Siguro, hindi pa sila gising kaya hanggang ngayon wala parin akong nakikitang katawan nila.

Isinawalang-bahala ko na lang ito at tinuon ang sarili at diwa ko sa mga kasamahan namin rito.

| | | | | |

Cyrene's p.o.v

       Mga tinginan, at bulung-bulungan akong nadidinig sa paligid. Hindi naman masyadong madami, kaunti lang.

Papaano kayang nagkaroon nang ganitong lugar sa gitna nang gubat.

Ang huling natatandaan ko is, nagmamaneho ako noon sa lugar na pinaliligiran nang mga puno. Malayo-layo narin pala ang nilakbay namin, kaya pala napadpad kami sa lugar nato.

Kahit sa kagubatan pa ang sa tingin nila ligtas, pwess ako hindi.

May posibilidad na may mga natitirang hayop dito na nainfected nadin nang virus. Siguradong maaamoy kami nang mga iyon.

Mas malakas pa naman ang pang-amoy at pan-dinig nang mga hayop kesa sa mga tao. Kaya kung may nainfected man dito na what kind of animal man ang nakakalat dito sa gubat, pwesss kailangan na naming umalis dito.

Nagmamadali parin ako sa paghahanap, nagtatanong tanong narin ako rito sa mga taong nakakasalubong ko, kaso wala daw silang nakita.

Hanggang sa may mag-salita sa likuran ko na siyang ikinalingon ko.

I saw an old man na parang nasa 50's na ang edad, at may katangakarang 5'8, may suot suot na black leather jacket at black jeans. Ang ikina-surpresa ko is bulag ang kabilang mata niya.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon