Target #48 - Pabor
Cyrene's p.o.v
Nilapitan ko naman kaagad itong babaeng na kasama ko sa kwartong ito.
May naisip akong paraan para makaalis dito, at kinakailangan ko nang katulong para tuluyan na nga akong makatakas.
"Ahmm...pwede bang humingi nang pabor sayo?" mahinang saad ko rito na halos pabulong na nga kung madidinig.
Napahinto naman ito sa kaniyang ginagawa atsaka inilingon ang paningin niya sa akin.
"Anong bang pabor ba iyan, at para bang seryosong seryoso ka at kinakailangan mo?" takang tanong nito.
Bago muna ako nagsalita, pinuntahan ko na muna ang pintuan na siyan labasan at mismong pasukan nang mga tao at saka hinay hinay ko itong ni-lock para hindi madinig nang mga gwardiya na nasa labas ang ingay nun.
Pagkatapos kong magawa iyon, atsaka ko naman binalikan ang pwesto nang hihingan ko nang tulong.
"Kailangan ko kasi nang tulong mo na makalabas dito at pati narin lahat nang mga binihag nilang mga kasamahan ko." saad ko rito na wala nang patumpik-tumpik pa.
Kita ko naman kung papaano ito mag-react sa sinabi ko. Tumayo ito na may gulat na makikita sa mga mata niya at aaktong aalis na sa kwartong iyon, pero pinigilan ko.
"Please naman! Kinakailangan pa namin kasi na maibigay ang package na kukumpleto sa lahat para sa vaccine, at sana naman matulungan moko ron. Please nagmamakaawa na ako. Patago naman ang gagawin na plano kaya hindi nila mapapansin kaagad iyon." saad ko rito na may makikita sa pagmumukha ko na pagmamakaawa.
Gusto ko nang makaalis ang mga kasamahan ko at pati narin ang package para makagawa na nga nang vaccine.
Ayokong mapunta lang sa wala ang lahat kaya sana naman, madinig ko lamang na pumapayag ito, ay gagaan na ang kalooban ko, kahit na ako man ang mamamatay sa mga susunod pang oras.
"Hindi ko pwedeng gawin iyan. Alam mo naman kung anong mangyayari sa buhay ko kapag nalaman nilang pinlano natin lahat nang ito. Kaya hindi ako sasang-ayon jan. Aalis na ako." saad nito na aakto na naman sanang aalis nang pinigilan ko na naman siya.
Hindi pwedeng hindi ang magiging sagot at desisyon niya, siya na lang ang tanging pag-asa namin kaya sana naman...
"Please! Nagmamakaawa ako sayo, kahit ngayon lang. Buhay nadin namin ang nakasalalay dito at ipinapangako ko naman na mabibigyan kita nang seguridad. Kahit ngayon lang, utang na loob." saad kong muli rito na hindi parin mawawala ang pagkagusto kong sumagot ito.
Napabuntong hininga na lamang ito atsaka, sa wakas umoo naman na. Laking tuwa ko nang madinig iyon.
"Pero sa isnag kondisyon." saad niya na siya ko namang ikinahinto.
Nakikinig lamang ako rito atsaka kahit na hindi ko man maintindihan ang tinutukoy nito tumango na lamang ako.
Mga ilang oras din naman kaming nasa kwarto at sa wakas umalis na ako sa loob, nakaabang parin ang mga gwardiya sa labas.
Agad naman akong binantayan nang mga ito papunta sa kung saan.
Habang papalapit kami nang papalapit sa kung saan, may unti unti aiong nadidinig na hiyawan.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...