Target #26 - Find the king

266 13 2
                                    

Target #26 - Find the king

Cyrene's p.o.v

       Nakaupo parin ang lahat, naghihintay at nag-iisip nang magiging plano ngayon. Sa tingin ko, walang matitirang buhay saamin kapag susugod kami nang walang dalang armas.

Nag-iisip din ako kung saan nga ba kami makakakuha. Kailangan na kailangan na namin iyon sa madaling panahon.

And then, here comes my brain. Nakapag-isip din naman kahit papaano. Sana nga lang merom maming matagpuan, kahit isa man lang.

"Ok guys! Sa pinagplanuhan natin kamakailan lang, we need to find a weapon para magamit natin panlaban. Hindi naman tayo basta basta magbubuwis nang buhay kapag alam naman nating mamatay din naman tayo na walang dalang kahit ano mang panlaban. So, ngayong nasa cafeteria narin tayo mismo, what do you think?" saad ko rito na siyang nakalingon at nakikinig saakin ang lahat.

Napangisi na lamang ako at ang iba pa nang mapagtanto din nilang may point naman ako sa sinabi ko.

Naghanap kami nang naghanap, until natagpuan ko mismo sa isang drawer ang matalim at mukhang wala pang pumapalya sa pagkakagamit nito. Suddenly, biglang lumitaw sa labi ko ang ngising tagumpay.

This is mine. Mas mabuting ito na lang ang gagamitin ko kesa sa mga de-balang mga baril. Pero kung meron man akong makita-kitang long guns, then kukunin ko iyon.

Masaya din kayang magpatumba nang mga kalaban kapag alam mong malalaking baril ang gamit.

Mukhang nakakuha naman na ang lahat hanggang sa napahinto na lamang ako nang makita ang hawak hawak ni Francis na panlaban.

"Ahmm...iyan na ba iyang napili mo? O wala ka na talagang makitang iba?" saad ko habang nakatingin na nga ang iba pang kasamahan namin sa direksyon naming dalawa.

Kita ko namang napairap ito, at parang naaamoy ko ang pagkahiya niya. Hihingi na sana ako nang tawad nanh inunahan na ako nito sa pagsasalita.

"Ano bang problema dito sa tray ate ha?" saad nito na umirap na namang muli.

Natatawa man ako sa reaksyon nito, hinayaan ko na lang kesa sa mag-away pa kami ngayon. Iintindihin ko na lang, tutal kapatid ko naman iyan. At mahal na mahal ko iyan.

"So... okey na ang lahat. Just stick to the plan, at mahahanap din natin ang pasimuno nang lahat nang ito---" naputol na naman ang sasabihin ko nang may humabol.

"Teka lang... pheww! May maganda akong balita at nakitang mas kakaiba. And I think jackpot na naman ito." saad ni Leo.

Nagkatagpo naman ang dalawa kong kilay dahil doon. Ano na naman bang nakita niya? Baril? Machine Gun ba?

"Wal nang patumpik tumpik pa. I will show it na." saad nito sabay kuha sa likuran nito ang isang two eyed telescope.

Hindi ko alam kung iyon ba ang tunay na tawag sa teleskopyo na hawak hawak ni Leo but I will prefer it na ganoon ang pagkakatawag para hindi na masyadong sosyal.

"Woaahh! Paanong nahanap mo iyan?" saad ni Maine na may pagkakahanga kay Leo.

Nakita ko namang nakukulay pink ang magkabilaang pisngi nang kyut na Leo, ewan  ko kung bakit, siguro may gusto talaga siya kay Maine.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon