Target #41 - Hinala Ko'y Tama

160 10 1
                                    

Target #41 - Hinala Ko'y Tama

Cyrene's p.o.v

       Habang naglalakad ako pabalik-pasulong, napahinto ako sa ginagawa ko nang may madinig akong yabag na papunta mismo sa selda na ito.

Bigla na lamang ako napapikit nang mariin nang makita ang malakas na ilaw na nanggagaling sa labas.

Ina-adjust ko pa sana ang paningin ko nang may maramdaman akong mga kamay ang biglang kumaladkad sa magkabilaan kong mga bisig.

Wala akong nagawa kundi ang pilitin ang sarili ko na tingnan nang maigi ang mga hitsura nang mga taong ito.

Kaso nga lang, hindi ko magawang mapagmasdan nang kahit isa man lang, dahil narin siguro sa laki nang cloak na talagang hindi mo kaagad malalaman o kahit makikita kung ano ang hitsura nang nakasuot.

"Saan niyo 'ko dadalhin? At sino ang pinuno niyo rito?" saad ko sa kanila habang pinipilit na makaalis sa mga kamay nila, kaso hindi ko magawa-gawa.

Napakalalakas nila, at paniguradong mga lalaki lamang ang may taglay nang ganitong lakas, pansin ko rin sa bawat lakad na ginagawa nang dalawa, kung tutuusin ibang-iba ang galaw at lakad nang mga babae, kahit na sabihin pa nating tomboy pa.

"Malalaman mo din iyan ngayon..." saad nang nasa kanan ko.

Mas matangkad pa kasi kung pagmamasdan ang nasa kanan kesa sa kaliwa kung ikukumpara, pero hindi nalalayo ang lakas na taglay nang mga ito.

Hindi na ako nagpumiglas pa, alam ko naman na wala akong laban sa dalawang ito.

Pero kung may chansa man na iisa lang ang sumundo sa akin galing sa madilim na seldang iyon, paniguradong mapapabagsak ko.

Alam na alam ko naman ang sariling kakayahan ko, at alam kong may maibubuga din naman ako pagdating sa labanan, lalo na at parati akong nakakapagsanay na pumatay.

For now, ang pagpatay ngayon sa ibang pananaw, ay legal. Ang tanging pagkakaintindi ko lamang sa mga isipan nila kung bakit nila naaabing legal na ngayon ang pagpatay, it is because wala nang lakas ang gobyerno at pati iba pang kawani na protektahan ang ibang buhay.

Hindi lamang iyan, sa ngayon, sa panahon na ganito, alam na alam ko rin kung bakit nila naiisipan nang ganoon, kung pagmamasdana ang buong sanlibutan, paniguradong wala na silang pinipiling patayin.

Remember! Buhay na nila ang nakataya at kinakailangang maka-survive sila.

Kaya ang tanging paraan o tactics na ginagamit nang mga ibang taong walang awa, ay ang pag-iral nang kanilang masidhing pagkagusto na mabuhay, kahit na sabihin pa nating selfish na kung selfish.

Kung ako man din mismo ang nasa kalagayan na ganoon, paniguradong ganoon at ganoon din ang gagawin ko.

Back in reality, well, may dinadaanan kaming mga masisikip na daanan na paunti-unti na lamang ang ilaw.

Hanggang sa mapansin kong palawak na nang palawak ang dinaraanan namin.

Nakakunot noo ako ngayon habang pinagmamasdan lahat nang nasa paligid.

Psasalamatan ko na lang mamaya ang utak ko kapag ang plano na mismong naiisip ko ay gagana, na walang kapalpak-palpak.

May kaunting kapalpakan man, pero okey na din iyon at least, nagawa ko naman ang msimong plano na ginawa ko.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon