Target #46 - Higanteng Tagapagsundo
Ritchien's p.o.v
Kasama ko na naman ngayon si Kyle. Nag-aalinlangan din ako nang malaman lahat nang mga nangyari.
Hindi pwedeng ngayong gabi, mukhang hindi kakayanin nang grupo na makarating kaagad sa village.
"May radyo ka ba jan?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin ako sa monitor.
Inaabangan lahat nang mangyayari. Kinakailangan nang makarating ang grupo sa lugar n aiyon, paniguradong kapag nahuli sila nang dating, wala na silang maabutan na mga survivor's at nang kinakailangan naming dugo na siyang bubuo nang vaccine.
Kita ko namang nagtatanong ito sa kaniyang isipan. Basang-basa ko naman, kaya nagsalita na naman ako para matauhan ito.
"Akin na, kinakailangan ko lang na makausap si Paul." saad ko rito na siya namang ikinilos nito kaagad.
May kinuha ito sa isa sa mga maliliit na drawer niya. Ibinigay naman nito kaagad ang radyo na nakuha niya sa loob.
May hinold akong button sa gilid nang radyo habang nagsasalita.
"Mayday! Mayday!" saad ko sa radyo.
Habang naghihintay ako mapapansin ko parin sa kabilang banda na siyang ikinaupo ni Kyle sa weel chair.
Natigil ako sa pag-oobserba nang madinig kong may nagsalita na sa kabilang linya.
"What is it Lieutenant?" tanong nang boses na nasa kabila.
Nanginginig man akong makipag-usap sa ganitong sitwasyon, pero hindi ko na ininda pa iyon at kinakailangan kong mai-concentrate ang sarili ko.
"Kinakailangan niyong makarating kaagad sa lugar na iyon as soon as possible. Nag-iba na nga ang ihip nang hangin kaya, mahihirapan tayo ngayon." saad ko rito pabalik.
"Okey! Short cuts na lang ang dadaanan naming lahat." saad naman nang taong iba na ang boses kesa sa kausap ko noong una.
I'm pretty sure isa sa mga kasamahan lang naman sa loob nang sasakyan.
"Make sure na mag-iingat kayong lahat. Paniguradong marami kayong makakabangga sa daanan na iyon." saad ko naman ditong muli.
Mukhang nakuha naman na nila ang ibig kong sabihin kaya muli ko namang ibinaling ang atensyon ko kay Kyle.
May kung ano itong itina-type sa keyboard at kitang-kita ko naman ngayon kung ano ang nasa monitor.
Seriously? Paano niya nagagawa iyan?! Ahh never mind... alam ko namang magaling si Kyle pagdating sa mga ganiyang trabaho kaya wala nang mahirap gawin sa kaniya.
Buti na lang at may cctv footage na siyang makakakuha nang lahat. Sigurado akong wala silang kaalam alam sa ganito kaya isinasawalang-bahala na lang nila.
This time, kailangan ko na munang bigyan nang atensyon lahat nang mangyayari sa ngayon.
Alam ko namang may mga isip din ang mga iyan kaya may plano din silang inihanda.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Sci-fiMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...