Target #14 - Ambushed

447 25 5
                                    

Target #14 - Ambushed

Francis' p.o.v

     After that mala-artsitahing dating nito ni kuya George, patuloy parin kami sa pinlano naming lahat.

Kasali nako doon, how many days had past, ganoon din ang pagsisimula nang apocalyptic evolution na nangyayari sa buong mundo ngayon, nagawa nila ate, dad and also mom na isali na ako sa mga ganitong sitwasyon.

Syempre dahil narin siguro hindi na ako bata para sabihan pa at bantayan dahil lang sa hindi pa hasa sa pakikipaglaban sa mga tinopak na binayrusan na mga demonyong humabol na kina ate dad mom and also kay kuya George.

Oras na para gumawa ako nang paraan para gawin ang sarili ko na isang matured na. Ayoko nang tawagin pang bata, kasi lalaki na ako at alam ko na ang dapat kong gawin para maipagtanggol ang sarili ko.

We've been dead silent, si dad, tulog na. Gabi narin, pero patuloy padin si ate sa pagmamaneho na para bang hindi inantok.

I wish, ganiyan ako katatag at kalakas ni ate. I wish, nagagawa kong manligtas nang ibang buhay gaya ni ate, pero mukhang hindi pa yata ako handa para doon. And maybe sa takdang panahon, magagawa ko ding gawin ang lahat nang bagay na kayang gawin nang ate ko.

"Hey!" napahumm naman ako nang bigla akong gisingin nito sa pagkakaimagine at pagiisip nang malalim.

Still, nagmamaneho parin si ate habang patingin tingin naman ito sa salamin na nasa harapan niya na nasa ulunan nito na makikita ko na ako ang tinitingnan.

"Mukhang malalim yata iyang iniisip mo. Would you like to share it?" paghingi nito nang permiso saakin habang palipat lipat ang tingin ito sa salamin at sa daanan.

Nag-isip muna ako bago magsalita. Ibabahagi ko nga ba o wag na lang dahil mukhang nakakahiyang iopen ko pa itong napakawalang kwentang iniisip ko kanina lang.

"Common Francis, sabihin mo na, hindi ako manunukso or what. Baka mabigyan pa nga yata kita nang advice." saad nito habang nakatuon ang atensyon sa minamaneho nitong kotse sa gitna nang dilim.

Napasandig na lang ako sa pintuan nang kotse at saka sumilip sa labas.

"I'm just thinking if... If kailan ako magiging katulad mo na nagagawang manligtas nang buhay na walang pagaalinlangan?!" saad ko habang tinitingnan ang mga bahay bahay at mga nagkalat na sirang kotse at basura sa paligid.

"Sa ngayon, hindi ko masasabi kung kailan at kung anong eksaktong oras o panahon man iyan, but one thing I know is ikaw lang ang makakaramdam noon at ikaw lang ang may kakayahang iopen iyon sa sarili mo. Maybe this is not the right time for that, pero sigurado akong may paraan ang sarili mo na magawa at mahanap sa sarili mo ang bagay na kulang sayo." mahabang litanya nito.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka ramdam ko na ngang bumubigat na ang mga pilik mata ko habang nakatanaw sa bintana.

| | | | | |

Ryan's p.o.v

     Nakahiga habang nakatanaw sa itaas nang bubong ang mga mata ko na hindi makaramdam ramdam nang antok dahil sa pagiisip ko.

Siguro, kung hindi ko lang ginawa iyong kalokohang iyon, hindi sana nagawa nang kapatid kong maglayas at sana ngayon nasa tabi ko pa iyon.

"Huwag kang mag-alala. Mahahanap mo din iyang kapatid mo." pagpasok nang kalbong June sa sala na mismong tutulugan daw namin para makasigurado siya na wala akong balak na gawan siya nang masama.

Galing yata sa kwarto kaya may dala dala itong unan at kumot. Bigla naman akong kumilos para saluhin ang dala dala nito sa akin.

Ginamit ko naman ito at saka inayos para maayos naman kahit papaano ang tutulugan ko.

I hope so.

| | | | | |

Harris' p.o.v

      Tulog na ang lahat maliban na lang kay George at saakin. Mukhang namumutla nga din ito sa hindi ko malaman laman ang dahilan.

Siguro hindi parin mawala wala sa isipan nito kung anong nangyari kanina. Ikaw ba naman habulin at dumugin nang mga nagsisibilisang demonyo sa likod, habang ikaw ginagawang makaligtas sa mga kagat at mararahas na mga kamay nila.

"Dude! Magpahinga ka na lang muna. Mukhang hindi ka pa okey sa ngayon." saad ko habang nakatutok sa daanan na hawak hawak ang manibela.

Wala lang itong inimik kundi nakatitig lang ito sa labas nang bintana na parang namomroblema.

Hanggang sa magsalita nang lumipas ang makaraan ang ilang minuto.

"If I turn like those shit, huwag kang magdadalawang isip na gawin ang dapat." saad nito habang nakatitig parin sa labas.

Nangunot noo naman ako dahil sa sinabi niya.

"What do you mean? Hindi naman mangyayari iyon pre. Ikaw pa---" hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ng magsalita ito.

"Don't. You. Ever. Hesitate. Iyan lang habilin ko sayo pre." saad na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Hindi ko nagawang umimik dahil doon, ayokong bumitiw nang sagot na hindi naman ako sure na magagawa ko iyon.

Siguro kung magiging isa din ba ako sa isa sa mga pisteng demonyo na nakakalat sa labas, siguro bago pa man ako maging isa sa kanila, maybe I wouldn't hesitate na gawin din ang dapat para wala nang madadag pa sa mga lahi nila.

| | | | | |

Cyrene's p.o.v

    Tulog na nga ang lahat at nakabuntot parin saakin ang kotse nina Harris.

Inaantok man ako pero kakayanin, makarating lanb sa Head Quarter na tinutukoy sa papel.

Napaisip na lang ako dahil sa sinabi nang kapatid ko. His being matured na. Dahil narin siguro sa mga nangyayari sa paligid namin.

Hindi ko naman siya masisisi, dahil maging ako man din, magiging ganoon.

Biruin mo, ni hindi ko nga alam pumatay, pero ngayon mukhang hasang-hasa na ako, makaligtas lang sa mga halimaw na iyon.

Nag-iisip din ako kung anong klaseng virus ang kumalat, na bigla bigla na lang nagkakaroon nang apocalypse.

Sana nga talaga may gamot na  para sa virus na iyon. Kasi hindi kami magiging kampante kapag alam naming wala pang solousyon para sa sakit na kumitil nang maraming buhay.

Nagmamaneho lang ako nang biglang nabangga ang kotse sa kung saan. Pinilit ko mang panatilihin na imulat ang mga mata ko, pero dahil sa malakas na impact noon, hindi ko magawa.

Ang tanging alam ko lang ay ang may naaninag ako na hindi lamang isang tao kundi marami sila.

Malabong makita ko nang maigi ang mga mukha nila dahil sa paningin na hindi ko alam kung anong nangyayari.

And then suddenly, it all went black.

《 To be continued... 》

《 D E A D  T A R G E T 》

By : @Crimelix_20

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon