Target #49 - I love You!

264 12 2
                                    

Target #49 - I Love You!

Ryan's p.o.v

     Nang madinig ko ang pamilyar na boses na iyon sa kabilang tenga ko, unti unti akong napalingon rito.

Nakabibingi man madinig ang mga hiyawan na nadidinig ko sa mga nanonood ngayon,  pero iba ang tinig na meron siya.

Hindi ko maamin. Hindi ko kaya, mayroon naman na si Harris sa tabi niya, makita ko lang na masaya at may maasahan sa tabi nito, okey na ako at pati narin ang pakiramdam ko rito.

Ayoko nang isiwalat sa kaniya tungkol sa nararamdaman ko, huli na din ako sa lahat, kaya...

Kahit na hanggang huli kong hininga, nasa sa tabi lang ako at handang-handa na maprotektahan ang taong nasa tabi ko.

Sinagot ko naman ito sa tanong niya na okey lang ba ako. Kailangan kong magsinungaling, ayokong magmukha akong napakahina sa harapan niya.

Hinang hina na ako pero hangga't sa kaya ko pang matulungan siya na makarating sa headquarter, gagawin ko ang lahat.

Masyado na akong nawawalan ng dugo ngayon, kaya medyo nahihilo na rin ako.

Mukhang kakayanin ko pa naman, kaya lalaban ako hanggang sa mawalan na ako nang hininga.

Nayanig nang kaunti iyon ulo ko kanina sa lakas nang impact nang pagkakasuntok sa mukha ko at paguntog sa pader, kaya heto ako kaawa awa tingnan.

Nagtanong pa sana siya kaso nga lang naantala iyon nang may magsalita na.

Paniguradong si Jusie Ann iyon, alam ko namang siya ang may pakana nang lahat nang ito.

Wala naman na din kaming magagawa kung sasabihin ko pa sa mga kasamahan ko na alam ko na.

Pinipilit ko parin na maimulat ang nagdidilim kong mga mata, gusto kong mapanatili na kaya ko pang lumaban.

Medyo napapalakas na din ang pag-hinga ko dahil narin sa hirap. Parang may nakaharang na kung ano sa dibdib ko.

Napansin naman iyon ni Cyrene at biglang napalingon sa direksyon ko.

"Ryan, okey pa ba? Masyado na akong nag-aalala sayo." saad nito na madidinig ko rin ang pag-echo nang tinig niya sa pandinig ko.

Nanlalabo man ang paningin ko, pinanatili ko pa rin na maimulat. Nginitian ko lang ito nang mahina, dahil hindi ko na din kayang kumilos pa.

Pagod na pagod na ako. Kahit na ganito man, makakaya ko ito.

| | | | | |

Cyrene's p.o.v

      Mukhang hindi na nga kakayanin ni Ryan kaya, kinakailangn ko nang mapadali itong lahat.

Kinakailangan niya nang tulong, masyado nang marami ang nabawasang dugo sa kaniya.

Sa hindi malaman-laman ang dahilan, patang gusto ko nanh umiyak.

Siguro, hindi ko na kayang makitang ganito ang nangyayari sa mga kasamahan ko.

Nasaktan na sila nang sobra samantalang ako, kahit ni isa mang pinsala wala man lang.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon