Target #34 - The Second Ambushed

173 12 1
                                    

Target #34 - The Second Ambushed

Cyrene's p.o.v

      Nang matapos na nga kami sa kaunting pahinga na mismong sinamahan nang kwentuhan.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami nang nga pwedeng naming pag-usapang dalawa, iuon pang nakaka-irita pakinggan.

I mean, hindi naman sa nakakairita, it was just hindi ako nasanay at hindi lang ganoon ang mga pinag-uusapan namin noong panahon na turing namin sa isa't-isa ay wala nang iba kundi estranghero.

Stil naglalakad parin kami, mukhang nagkaroon na nga kami mismo nang kaunting lakas.

Salamat na lang at napag-isip-isipan kong magpahinga na lang at doon naman sakto ko nakitang may lilim nang puno na pwedeng pag-pahingaan saglit.

Pagkatapos nang mga kaganapan sa punong iyon, we proceed na sa paglalakad. Hindi naman kasi pwedeng magpahinga nang magdamagan sa punong-kahoy na iyon.

Mapupunta na lang sa wala ang lahat, kapag nagpapakasasa kami sa pagpapahinga.

Mamamatay din naman kami sa gutom at mukhang walang mangyayari sa buhay namin kapag nagkataong iyon nga ang mangyayari.

"Malapit na tayo sa isa pang village sa baba, kaya tiis-tiis na muna tayo sa ngayon." saad ko na natuon parin sa daanan.

Wala namang umimik sa sinabi ko, paniguradong mas lalo lang silang mapapagod, at mawalan nang hininga.

Sa mawalan nang hininga, well, kayo nang bahala mag-adjust if oa lang masyado.

Nagsasabi lang nang totoo.

"Buti na nga lang talaga at walang sumasalubong sa dinaraanan natin sa ngayon. Medyo napapabilis din naman itong mala-hiking adventure nato." saad nang kapatid ko.

Sa totoo lang, bwiset na bwiset na nga akong mapakinggan iyang boses nang kapatid kong wala namang katuturan lahat nang pinagsasabi.

Paniguradong nagkakaganiyan iyan ngayon, dahil sa tindi nang init nang araw. Dumeretso sa utak niya na hindi man lang dumaan sa bungo. Haysst!

Nagtataka tuloy ako kung saan nga ba nagmana ang ganiyang kapatid na meron ako. Kung sabagay minsan na nga lang iyang magkaganiyan sa ngayon kumpara nang mga nakaraang araw na talagang kung oobserbahan, masasabi mo talagang matured na kung mag-isip.

"Anong tinititig-titig mo jan Cyrene Mauzer? Ah este ate? May mali ba sa sinabi ko?" saad niya na para bang bakla kung titingnan dahil sa nakataas kilay niya ngayon sa mukha ko.

Kung maka-Cyrene tong buteteng ito... ay naku! Talagang malalagot ito saakin.

"Wala. Masama bang tumitig sa gwapo kong kapatid? Tss... arte!" saad ko sabay irap.

Naglalakad parin kami ngayon at medyo nakakawala din naman kasi nang pagod sa iba pang kasamahan namin kapag nakikita nilang may mga bangayan na nangyayari kahit na nasa sitwasyon kami na kinakailangang mag-seryoso.

"Buti naman kung ganoon, ate!" saad nito na may pagaya-gaya pang nalalaman sa kung paano ako magsalita kanina.

Imbes na mapatulan ko itong kapatid ko, hinayaan ko na lang, nakakarindi din naman kasi kung papakinggan.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon