Target #42 - Straight To The Point

152 11 0
                                    

Target #42 - Straight To The Point

Paul's p.o.v

     Nasa kalagitnaan na nga kami nang dindaanan naming sementadong high way.

Hindi ako ang nagmamaneho kundi itong si Srgt. Crisostomo. Ang whole name na gamit gamit niya ay Willy John Crisostomo.

Sabi kasi nito na siya na lang muna ang magmamaneho, tutal sinagot naman na daw ako ni Lieutenant.

I asked him kung anong meron dun, at parang kinakailangan niya talagang gawin ito, kahit na alam ko namang maliit na bagay iyon para sa kanila.

Sabi naman nito kanina na bilang regalo na lang daw nito saakin kumbaga.

Wala naman na akong inimik para gugulin ang oras namin sa pag-tatalo kung siya ba ang magmamaneho o ako.

Syempre, ibinigay ko naman na sa kaniya ang gusto niya. Una sa lahat alam ko naman din na gusto nitong magmaneho nang mga sasakyan noong bata pa, until now.

Paano ko nalaman kahit na hindi ko naman ito kaano-ano noon? O kahit man lang kaibigan noong bata pa?

Nalaman ko lang naman iyon it is because, noong minsang nag-celebrate kami nang pagiging successful nang laban namin, maraming beses din niyang naikwento ito sa lahat.

Hindi lang ako ang nakwentuhan niyan kundi ang iba pa. Kaao nga lang ngayong may ganitong problema na nagaganap sa buong bansa, masasabi kong walang oras para mag-celebrate.

Kinakailangan naming harapin ang mga ganito katinding pagsubok. Marami kaming maiingkwentro, hindi lang mga halimaw kundi kasali nadin mismo ang mga katulad naming mga buhay pa na walang ginawa kundi ang mag-rebelde sa sarili nitong bayan o bansa.

Kaya iyon na nga mismo ang gagawin at tatahakin nang mga kaniya-kaniya naming mga landas para sagipin ang mga nabububay pa.

Mga buhay pa na pinanatiling mabuhay sa kanilang mga lakas at katatagan na maisalba ang kani-kanilang mga buhay para sa iniisip nilang bukas.

Kaya kahit na sabihin pa nating ayaw namin o kaya naman hindi namin gustuhin na gawin ang ganitong pagkilos, pinipilit naming lahat na gawin.

Iniisip namin na, magiging kawawa naman ang iba pang nabubuhay para sa kanilang kinabukasan, at isa pa itong trabaho na ginagampanan namin ngayon ay walang pinipiling kahit na ano mang gusto ni isa man saamin na tahakin.

Mahirap man o madali para sa kalooban nang mga sundalong kagaya nmin, kinakaya at pinipilit na gawin ang trabaho na siyang makakapagligtas nang ibang buhay.

"Sir, may maitatanong lang sana ako." saad nitong katabi ko na nasa driver's seat.

Napatingin naman ako dito na naghihintay kung ano nga ba ang itatanong nito.

"Anong gagawin mo kapag ni isa man sa amin ay maging katulad nang ibang halimaw na nakakalat sa paligid?" saad nito na nakatutok ang atensyon sa daanan.

Agad naman akong napatingin sa harapan nang minamaneho ngayon nang kasamahan ko.

Napabuntong-hininga na muna ako bago nag-isip na magsalita kung ano nga ba ang gagawin ko.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon