Target #31 - Thank You

207 13 2
                                    

Target 31 - Thank You

Cyrene's p.o.v

      Nagising na lamang ako nang may biglang yumugyog sa balikat ko.

Hindi naman ako ganoon kahirap gisingin o kaya naman magising. Sanay naman na din ako sa panahon na ganito at nung mga panahon din na maayos pa ang lahat at nakapag-tatrabaho at nakapag-aasikaso pa ako sa lahat nang gawain ko sa kompanya.

Nadatnan ko ang mukha ni Harris na para bang problemado. Naisipan kong tanungin ito.

"Anong problema?" saad ko sa kaniya.

Napatingin naman ako sa iba pang nasa loob nang kotse at natagpuan ko namang gising ang mga ito at mukhang pansin ko ring hindi umaandar ang kotseng sinasakyan naming lahat.

Agad ko namang ibinalik ang paningin ko kay Harris. Nagbabakasakaling makakuha nang sagot sa tanong ko.

"Okey pa naman ang gas nang sasakyan. Mukhang nagka-problema lang siguro tayo sa makina. Ilang oras nadin kaai natin itong ginagamit." saad nito na hindi parin mawawala ang pagiging problemado sa kaniyang ekspresyon.

Kainis naman oo.

Papaanong nagkasira itong makina nang sasakyan kung pagdating pa naman namin doon nung kunin namin ito at ang dalawa pang sasakyan, eh bagong-bago pa, at walang sira.

Hayysstt!

"So you mean, hindi ka pa sure na iyon nga ang dahilan?" I said na may nakataas kilay rito.

Napatango naman ito nang medyo nahihiya hiya pa. Sa pagkakaobserba ko sa mga ikinikilos niya, mukha ngang hindi pa siya siguradong iyon nga ang dahilan.

"Nasasaan na ba tayo?" tanong ko sa kanila.

Madilom na ang paligid at walang ilaw ang gumagana para mailawan ang mismong dinaraanan namin.

"You cannot believe it ate."  saad nang kapatid ko.

Napairap na lamang ako nang magsalita ito. Ganiyan na ganiyan naman talaga iyang kapatid ko kung alam niyang kakaiba mismo sa paningin niya ang lahat.

"Ano nga?" saad ko na medyo naiirita na nga sa sitwasyong ito.

"We've been stranded here." saad nang taong nasa giliran ko.

I met his eyes. Pero agad ko namang inilingon iyon sa iba, I don't kung bakit ganoon na nga lang ba ikinikilos ko.

It's been weird, pero wala namang nakahalat kasi, parang isang iglap lang naman ang nangyari.

"Sa mismong sementeryo." saad nito na mas namomroblema sa pandinig ko ang tinig nito.

Napataas kilay naman ako nang madinig ang lahat. Eh kasi ba naman, napaka-o-oa nang mga ito.

Sementeryo lang naman pala. Ano iyon? Takot sila sa mga ganitong liblib ang lugar at nasa sementeryo ang mismong napuntahan namin?

"Eh iyon naman pala eh. Bakit pa tayo hindi lumalabas at nakaupo lang dito? Paanong makakahanap tayo kaagad nang masasakyan niyan kung---" hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita nang mismong putulin nang kapatid ko.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon