Target #50 - FINALE!
Cyrene's p.o.v
Inaalalayan ko pa rin hanggang itong si Ryan, hindi na ein kasi nito kayang makapag-salita, tanging tango na lang at pag-iling ang ginagawa nito sa tuwing may itatanong kami rito para hindi ito makapagtangkang makapikit.
Papalabas na nga sina Maine, Angeline, Leo at ang kapatid ko sa lugar na ito. Mayroon naman si Angeline para ituro kung saan ang tamang daanan.
Samantalang kaming tatlo na lamang ni Harris, Ryan at ako ngayon dito sa loob habang madidinig parin ang salitan nang putukan.
"Ako nang bahala sa paghahanap. Huwa kang mag-aalala makikita ko rin iyon, atsaka mag-iingat naman ako. Kaya sumama na kayo ni Ryan sa kanila papalabas. Alam ko rin kung saan iyon matatagpuan kaya, ako nang bahala." saad nito na nakahawak ang dalawa nitong kamay sa magkabilaang braso ko.
Ayoko man pero, wala na akong ibang magiging choice. Alam niya naman na kung saan at isa pa, nakaalalay ako ngayon kay Ryan kaya paniguradong mahihirapan kami.
Bago ako humakbang papalayo sa kaguluhan, huminga na muna ako nang malalim atsaka sinenyasan na itong si Harris na okey na ako doon sa plano niya.
"Ok sige... kung ganoon, mauuna na muna kami ni Ryan. Mag-iingat ka." saad ko rito sa kaniya na may nag-aalala look.
Ngumiti lamang ito atsaka nauna na itong umalis papunta sa kabilang direksyon para hanapin ang kulang saamin.
Hindi pwedeng mawala iyon, at mamatay, kaya kinakailangan naming madala sa headquarter.
Nagsimula na akong maglakad nang paunti-unti habang may nakakabangga saamin na nagsisilabasang mga tao.
Ewan ko kung ano na nga bang nangyayari. Nahagip ko bigla sa isang banda ang karamihan sa mga sundalo ang pananamit at mukhang nagmamadali.
Dahil sa ayoko nang mag-aksaya pa nang oras, mas pinilit kong bilisan ang paglalakad.
Habang naglalakad ako, may biglang lumapit saamin na medyo kakaiba ang pananamit nito sa ibang sundalo na nahagip ko kanina.
"Are you the one who named Cyrene Mauzer?" saad nito na siya namang ikinatango ko kahit na nagtataka na ako kung bakit nalaman niyang pangalan ko iyon eh ni hindi nga kami nagkakilala.
"Okey then... if you finally exited this place, may mga nakaabang na mga kasamahan ko roon sa labas, inatasan ko silang pasakayin kayong lahat nang mga kasamahan mo." saad nito sabay napapitlag ako nang magpaputok ito nang baril sa likuran ko.
Hindi ko na inabalang lingunin iyon, kinakailangan na din kasi naming magmadali. Paniguradong mapupuno ito nang mga halimaw.
"Sige, kailangan ko pang tumulong sa iba pang kasundaluhan ngayon, mauna kana." saad nito sabay alis nang patakbo.
Walang anu-ano, naglakad na ako palabas. Maabutan na sana namin ang exit nang biglang matumba sa pagkakahawak ko si Ryan, kaya dali-dali ko parin itong sinalo.
"Hey! Kaya mo pa ba?" tanong ko rito. Tinguan lamang ako nito atsaka muli na kaming nagpatuloy sa paglalakad.
Sa wakas at nakalabas narin kami, at biglang may patakbong umalalay saakin.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...