Target #38 - Plan
Cyrene's p.o.v
Ilang oras na akong naka-upo at walang magawa kundi ang hintayin na makalabas dito at makagawa nang atake.
Nag-iisip din ako kung nasasaan din kaya ang iba pang mga kasamahan ko.
Paniguradong ikinulong sa ganito kadilim na kulungan ang mga iyon.
Buti na lang at matatag din ang kapatid ko. Siguro talagang nagiging matured na nga siya.
Habang tumatagal kasi ang buhay mo at patanda ka nang patanda, marami kang malalaman, maiintidihan, at higit sa lahat maimumulat nang mga kagaya niya ang bawat makita at maobserbahan nito na nakapaligid sa kaniya.
Napabuntong hininga na lamang ako habang yakap-yakap ang dalawa kong tuhod.
Hindi naman ako takot sa ganito kaliblib, nasanay narin ako noong mga nakaraang araw kaya hindi n bago saakin ngayon ito.
Ang ipinagbabago lang nang katawan at sikmura ko ay ang paglain na hindi na tao mismo ang kakain niyan.
Tinuringan ba naman tayong tao tapos pakakainin tayo nang ganiyan. Nag-iisip din ako kung anong ginagawa nila sa mga kagaya namin.
Siguro, sa mga nakita kong mga sangkap na ipinanliluto at ipinanhalo sa pagkain na nasa harapan ko ngayon ay mismong ginagawang pagkain.
Nakakasuka at nakakadiri kung saaabihin, kaya paniguradong hindi mga pangkaraniwang tao lamang ang nandirito na nambihag saamin.
The way they treat us, parang mga baboy na kakatayin at gawing letchon maya maya lamang.
At isa pa, itong pagkain na hindi naman kami sanay na kainin. Mismong tao ang kinakain.
Iisa lang naman ang nasa sa isipan ko. Ang tawag sa kanila ay mga cannibal.
Kapwa tao ang kinakain. Minsan din kinakain nila nang hindi pa luto ang mga lamang-loob nang tao.
I'm sure naman na nakakita o kaya naman nakarinig na kayo nang mga ganitong kwento o kaya naman panood.
Kung ako senyo, totoong totoo ang mga kagaya nila. Hindi man lang sila nandidiri sa mga ganito, at talagang normal lang sa kanila ang ganiyang mga gawain.
Ang pinakamatindi sa lahat ay ang kakaiba nilang mga ritual na ginagawa sa tuwing may mga okasyon.
"Ano na nga bang oras ngayon?" saad ko sa mismong sarili ko.
Hindi ko man lang alam kung ano nang oras. Wala naman akong nakikitang bintana na pwedeng pwede kong silipan sa labas kapag pagabi na ba o umaga pa.
Magagaling din kung mag-isip ang mga cannibals. Kung tutuusin, ikunulong kami nang mga ito sa hanitong klaseng kulungan.
At alam kong naiisip din nila ang ibang galaw nang mga presong gaya namin.
Kapag nilagyan nila nang kahit na anong bintana rito malapit sa labas, maliit man iyan o malaki, hindi nila pakakabitan.
Ang nasa sa isipan nang mga ito na baka makatakas kami sa pagkakabilanggo kaya ganito na lamang ang kulungan.
Isa pa, kung mapapansin sa loob nang madilim na kulungan na ito, hindi mawawala ang napakadilim na makikita sa paligid mo.
At ang tanging rason jan ay ang dahil sa kapag may maliwanag o kahit na ano mang ilaw na ikabit man lang sa loob ng kulungan na ito, makakagawa nang paraan ang preso na mahanap ang kung ano mang side nang kulungan na may mga kakaibang butas na siyang pwedeng lumaki at doon magagawang makatakas nang mga kagaya naming ikinulong.
Mahirap paniwalaan pero iyon na nga mismo ang dahilan. And they also want the darkness kaya ganiyan na lamang nila i-expose ang mga kagaya namin dito sa loob.
Ang hindi ko pa alam hanggang ngayon ay ang kung ano nga ba ang mga tao na nasa likod nang lahat nang ito.
Hindi ko man lang nakita ang mga mukha ng mga ito. Nawalan din naman kasi ako nang malay noong natatandaan ko pang nakatali kaming lahat.
Napaisip ako nang malalim dahil doon. Pero nanlaki ng mga mata ko na mapagtanto na noong na-ambushed kami, ang una kong napansin ay ang tunog nang baril na handang ipaputok ano mang oras sa likuran ko.
Ang mga cannibals ay hindi alam kung ano ang mga bagay na iyon lalong lalo na at hindi nila alam kung papaano ito gamitin.
Sa pagkakaalam ko, kasali ang mga cannibal sa mga tribo tribo. Pero hindi din naman nalalayo na baka natutunan nang mga ito na gumamit nang dahil narin sa mga curiosity na hindi mawawala sa ibang tao.
Kahit ako man din ay paniguradong magiging curious sa mga bagay na minsan ko lang makita sa buong buhay ko.
Kaya naman gagawa din ako nang pagsasaliksik at kaunting paggamit gaya nang mga pakialamero o pakialamera.
Napahinto ako sa malalim kong pag-iisip nang may bigla akong madinig na sigaw sa labas.
Lumapit ako bigla sa pintuan kung saan doon ko lang mapagmamasdan ang ilaw na nanggagaling sa labas.
"Teka! Saan niyo ako dadalhin? Bitiwan niyo ako, pwede ba?! Bwiset naman ouh!" saad nito na makikita ang pagpupumiglas niya sa dalawang tao na nakasuot nang maitim na cloak na mukhang wala lang sa kanila ang lakas nang babaeng ito.
Sinasabayan ko ang pag-kaladkad nila sa babae, habang patuloy parin sa pagpupumigla ang babae.
Mga ilang segundo din nang mawala na din sa paningin ko ang mga pangyayari.
Napaatras na lamang ako nang makita ang mga taong iyon. Hindi sila cannibals.
Nakapagtataka nga naman. Anong gagawin nila sa babaeng iyon?
Paniguradong magiging lutay lutay na ang katawan nito sa mga lilipas pang minuto o oras.
Iisa lang ang choice na pwedeng mangyari sa babaeng iyon at ganoon na ganoon din ang mangyayari sa mga buhay namin kapag hindi nagtagal.
"I'm pretty sure na papatayin o gagawing pagkain ang mga katawan namin." saad ko sa aking sarili.
Hindi lang talaga mga halimaw ang magiging kasuklam suklam sa ngayon. Kundi pati tao.
No...
Hindi sila tao, kundi mga demonyo. Kaanib nang mga halimaw na nasa paligid na nakakalat sa buong mundo.
"Kailangan na naming makalabas dito sa lalong madaling panahon." muli kong saad sa sarili ko.
Hindi ko napansin na dahil sa todo nang pag-iisip ko, lakad na lamang ako nang lakad pabalik at pasulong.
Hindi pwedeng mawala ni isa sa mga kasamahan ko, lalong lalo na sa kapatid ko.
Kapag ako nakalabas dito, hahanapin ko kaagad silang lahat. Pero paano?
Paano nga ba?
《 To be continued... 》
《 D E A D T A R GE T 》
By: @Crimelix_20
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Fiksi IlmiahMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...