Target #44 - Kamatayan Is On The Way
Jusie Ann's p.o.v
Nakaupo lamang ako sa weel chair na nakuha lang naman sa isa sa mga office na malapit lang dito sa village.
Maganda pa naman at mukhang gumagana pa nang maayos, and also mukhang komportable naman kung mauupuan kaya, I brought it here.
Nakaupo habang nag-iisip din kung ipagpapatuloy ko pa ba ang plano na ipagpapabukas ko pa ba ang pagpapa-patay sa mga hayop na iyon.
Maybe... mas maganda kung ngayon na lang namin gawin. Gabi na rin at mukhang aabangan talaga ito nang mga tauhan ko.
Napangisi na lamang ako nang maisip ang magandang plano na iyon. Paniguradong masarap pagmasdan ang mga ulupong na iyon na mangisay-ngisay sa takot.
Pero napag-isipan ko rin na kung ngayon ko gagawin ang lahat, wala nang excitement na mararamdaman.
"Hmmm! It seams like, mas maganda kung ngayon ko na lang gawin. Atat na atat na din kasi akong makita ang magiging reaksyon nila sa kamatayan na nakaamba sa mga tig-iisa nilang mga kaluluwa." saad ko sa sarili habang nakapatong ang mga kamay ko sa lamesa.
Bago ko man iutos sa mga tauhan ko ang naisip kong gagawin, napangisi na naman ako sa naisip kong pakulo mamaya.
There time has come at talagang maganda itong magiging drama na makikita nang lahat.
"Louie!" maawtoridad kong saad sa harapan.
Wala namang anu-ano at nakita ko naman ito na papunta sa direksyon ko kung saan ako nakaupo.
Take note huh! Kung saan nakaupo ang isang reyna.
"Ano po iyon mahal na reyna?" tanong nito na nakaluhod sa harapan ko.
Napangisi naman ako sa nasabing pangyayari. Ang sarap naman talaga nang pag-lingkuran at luhuran ka nang mga nasa paligid mo.
Lahat nang gusto mong ipagawa, gagawin nila nang isang iglap lamang. Kaya gustong-gusto ko nang makaangkin nang ganitong pwesto simula pa lamang.
"Ipatawag mp ngayon din sina Roel at Jeric sa bulwagan. At isa pa, kinakailangang ipaghanda mo na lahat nang kinakailangan sa pasabog na gagawin ko. Gusto kong lahat nang mga makakakita nito ay kumpleto. Ayokong may kahit ni isa man ang kulang. Maliwanag?!" saad ko rito sa kaniya na hindi parin mawawala ang ang maawtoridad kong tinig.
Kita ko naman itong tumindig na nang maayos at saka yumuko.
"Maliwanag po mahal na reyna Jusie Ann!" saad nito sabay kilos nito.
Muli na naman akong naoangisi at agad na akong tumayo para makausap ko na ngayon ang dalawa.
Well...kasabwat din naman kasi sila kaya, wala na silang magagawa pa. Kahit na umurong pa man sila sa ngayon, hindi ko na papayagang gawin iyon.
Syempre, alam ko namang may kaunting lambot pa iyan sa mga puso kaya, sinanay ko na iyan na dalhin sa mga ganitong sitwasyon na lahat nang nakabilanggo, ipinapapatay ko sa mismong harapan nang lahat.
Like what I've been said lately, ayokong kahit ni isa man na tao ang hindi mapapanood ang ganito ka-exciting na sitwasyon.
Marami din naman silang matutunan dito, kaya no worries. Bwahahaha...
Naglakad na ako papuntang bulwagan. Gusto kong ngayon din mismo magaw na nila ang ipinagagawa ko.
Mamadaliin ko na ang lahat, bago pa man makahanap nang kahit na anong plano ang mga ulupong na iyon na makatakas sa kulungan na ibinigay ko.
Pasalamat nga sila at binigyan ko pa nga iyan nang mga makakain at maayos na matutulugan.
Halos lakad-takbo lang ang ginagawa ko habang papunta ako sa bulwagan, at sa wakas naman nakarating narin ako.
Pagkarating ko pa lang, agad ko namang nakasalubong ang dalawa na biglang nagsitayuan sa pagkakaupo at yumukod nang bahagya at muli na naman silang naupo sa kani-kanilang upuan.
Nilapitan ko naman ang mga ito at umupo sa gitna nang bilog na lamesa kasama ang dalawa kong mga kaibigan.
"Pinapatawag mo raw kami?!" paniniguradong saad nitong si Jeric na mukhang wala pang alam sa mangyayari.
Oo nga naman pala, hindi niya pa pala nabalitaan kaya, ngayon unti-unti ko na munang isisiwalat.
"Sa tingin mo hindi ko ba kayo patatawagin dito kapag walang inutusan na patawagin kayo? Duh!" saad ko sa kaniya sabay irap.
Napansin ko naman itong napabuntong-hininga. Kita ko naman sa kabilang silya itong si Roel.
Mukhang may dinadamdam, kaya minabuti ko nang tanungin ito ngayon, baka kasi may bumabagabag sa isipan niya na hindi ko alam.
"Ba't parang wala ka sa katinuan ngayon Roel? Ang lalim lalik ba naman nang iniisip mo? May alam ba kami jan?" sunod-sunod kong tanong rito.
Napabalik-riyalidad naman ito at biglang napatingin sa direksyon na kinauupuan ko.
"Ahmm! Wala, naiisip ko lang sina mama at papa. By the way, ano nga pa lang dahilan kung bakit mo kami ipinatatawag?" seryoso nitong tugon na ako na naman ngayon ang natatanong.
Napasandig naman ako sa silya na inuupuan ko. Mas komportable kasi akong nakaganito kesa sa nakaupo na talagang straight ang buong likod.
"Well... speaking of that, naisipan kong ngayon ko na gustong mawala lahat nang mga daga na iyon ngayong gabi." saad ko sa kanila na hindi tintingnan sa mga mukha kundi nakatingin lamang ako sa kuko ko.
"Ano?!" sabay nilang saad na siyang ikinatingin ko sa kanilang dalawa.
Tinaasan ko lang sila nang kilay. Kung makaasta kasi, mukhang mas masahol pa sa babae na napaka-oa.
"Seriously? Ang lalakas nang mga boses niyo tayo-tayo lang naman ditong tatlo. Tss... at saka ba't ba ang laki naman nang pagkakagulat niyo? Duh!" saad ko sa dalawa sabay irap.
Bakit ba kasi may mga kaibigan pa akong ganito ka o-oa. Nakakbingi din kasi tenga kung bigla-bigla na lang kasi sila nagkakaganiyan.
"Eh ang buong akala namin bukas pa nang gabi? Anyare sa planong iyon?" saad nitong si Jeric na makikita sa mga mata nito ang pagkakakunot nang noo.
Palagi na lang akong napapairap kapag kaharap at kausap ko ang mga ito. Nakakainis lang kasi kung tutuusin kapag makarinig o kahit makakita man lang ako nang ganiyan.
Hayysstt! Wala naman akong magagawa, talagang kinasanayan na talaga nila ang ganiyan lalo na itong si Jericson.
"Mas maganda kasi kung ngayon na natin gaganapin. And also inip na inip na rin ako kakahintay para bukas kaya, ipinahanda ko na nga ang lahat." saad ko sa kanila na mas lalo nilang ikinagulat.
Bago pa man makapag-salita ang dalawa, tumayo na ako na siya namang sinabayan ako nang tingin.
"So... see you soon na lang mamaya. Kinakailangan ko pa kasing magbihis. Bye!" saad ko sa kanila na iniwan nang nakatulala sa loob nang bulwagan.
Umalis na ako doon sa loob at nakangisi ako ngayon. Sobrang exciting nga naman ito.
Let's see kung makakaligtas pa sila sa gagawin ko.
Si kamatayan is on the way...
Bwahahahaha!!!
《 To be continued... 》
《 D E A D T A R G E T 》
By : @Crimelix_20
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Bilim KurguMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...