Target #28 - Cyrene The Sniper

259 13 0
                                    

Target #28 - Cyrene The Sniper

Ritchien's p.o.v

      Naglalakad ako papaalis sa lugar ni Kyle at napag-isipang sa Laboratory naman ako pumunta, I want to know if may nagagawa ba silang kilos

Mga ilang segundo pa lang at nakapunta na ako sa kinakailangan kong puntahan. Maliit lamang itong laboratoryong gami-gamit nang mga nandirito.

Gaya parin nang dati, kada mapapunta ako sa lugar nato, iisa parin ang nakikita at nakikita ko. Sa madaling salita, it was just the same.

May mga sumasaludo sa direksyon, ngunit dahil sa sabik  ko na nang makita ang pinaka-head sa loob, tanging tango lamang ang iginagawad ko.

Nakarating narin ako sa room na mismong pu-pwestuhan. I saw her na abalang-abala sa ginagawa nito sa isa sa mga patay na buhay.

She was enjecting nang kung ano-ano sa katawan nang patay, but still may nangyayaring kababalaghan pero bumabalik at bumabalik parin sa pagiging abnormal na anyo ang eksperimento nito.

"Nakahanap ka na ba nang lunas?" tanong ko rito sa kaniya na hindi mawawala ang pagkakaseryoso at paninindigan sa ekspresyon na ipinapakita ko.

Nakita ko naman itong napalingon sa direksyon ko. She's wearing surgical mask, and also proper PPE attire.

Buti na lang at may natatagpuan pa kaming mga kagamitang kinakailangan namin. Pero ang problema nga lang is, hanggang saan kami makakakuha nang mga iyon, lalo na't palala at palala parin ang lahat.

Ang tanging nasa sa isipan ko lang ngayon is, mapabuti at magawa nang maayos ang lahat nang kinakailangan, even if there was a problems na mabigat solusyunan.

But I know na may paraan at may paraan naman ang isang tao na masolusyunan ang mga problemang gusto niyang lampasan.

"As of now Lieutenant, wala pa. Buy I'll make sure na ibabalita ko kaagad sa iyo na may nahanap na akong gamot para dito. Kaunting ikot na lang at makukuha at makukuha ko na ang sangkap at formula nang gamot na'to." saad niya na may seryosong pagkakasaad sa direksyon ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at napatingin sa taong na-bayrusan nang sakit na kumalat sa buong mundo.

Gusto niyang makawala doon, at mukhang sa tuwing nakakakita siya nang mga kagaya naming buhay, wala silang kapagurang makain kami hanggang sa dulo.

Napabalik na naman ang paningin ko sa babaeng makikita ang seryoso sa mukha. She continued what she's been doing.

"May kulang pa bang sangkap na kukumpleto sa formula na iyon?" saad ko na hindi mawawala ang tanong sa dulo.

May kinakalikot siyang kung ako sa micriscope, and then muling napatingin sa direksyon ko.

"Actually may isa pa nga talagang nawawala, at mukhang imposibleng mahanap iyon sa ngayon." saad nito, sabay balik na naman sa ginagawa nito.

Mas lalo akong napabuntong-hininga nang marinig iyon sa kaniya. Ewan ko kung magiging masaya ba ako na malapit na ngang makumpleto pero, hindi parin mawawala ang salitang kulang. Kaya dapat, malaman ko kung ano iyon.

"What is it?" takang tanong ko rito, habang ginagawa niya ang mga makapag-kukumpleto sa eksperimento niya.

Napahinto ito sa pagkilos at unti-unti itong humarap sa direksyon ko.

[ D E A D  T A R G E T ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon