Target #12 - 1 meter apart
Maine's p.o.v
1 meter apart lang ang nilayo namin sa isa't-isa. Baka kasi nainfected narin itong lalaking di ko naman kilala, baka kagatin na lang ako nito. Malay natin.
I don't know na may mga kagaya niya pang buhay na nagkalat dito sa paligid.
Mga ingay lamang ng mga zombies ang gustong makapasok sa loob nang sirang sasakyan. Kahit may kasama na ako rito, awkward parin naman kasi.
Okey lang kung babae na same gender talaga, kesa sa lalaki na hindi ko naman kilala.
Ano ba naman kasing nasa kokote ko kung bakit niligtas ko pa itong mokong. Speaking of the devil, nakaupo lang ito habang nakayuko ang ulo.
Mukhang hindi lang ako nag-iisang di man lang marunong kumibo. Mas mabuti na iyon. Pareho lang kaming shy type person.
*grrrukkk*
Pansin ko namang napalingon ito bigla sa kinaroroonan ko habang nakatitig sa pinanggalingan nang tunog.
Bigla namang nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa nangyari. Iyong tipong gusto mo nang mag-walk out kaso nga lang may mga panira sa moment sa labas.
Kung ginawa ko naman iyong gusto ko, edi takam na takam na iyong mga bobang halimaw sa labas dahil sa sarap ko.
Hayysst!
Napakatanga ko talaga, hindi ko man lang naisip magdala nang mga makakain, para lang sa palayas layas jpeg.
"Here!"
Nabigla naman ako sa ikinilos niya, kaya naisip ko kaagad na saluin iyong biscuit na ibinigay.
Nakakahiya man pero, wala na akong magagawa kundi kunin na lang. Eh sa gutom na nga ako, ano pa bang aasahan mo.
Medyo nahihiya pa akong kainin sa harapan niya itong binigay niyang pagkain. Hindi naman kasi ako sanay na tratuhin akong ganito, kasi si kuya sinanay niya ako na hindi kailanman umasa sa iba.
Pero this time, ibang-iba na. It's not the safest world na kinalakhan ko. Ibang-iba na kung ihahambing sa mga naranasan kong mamuhay sa mundong may kakayahang mabigyan ka nang sapat na protection.
This time, kailangan mo na talagang ipagtanggol ang sarili mo sa mga demonyong handang gawin ang lahat para malasap lamang ang katawan mo.
Ni isang kagat lang sa bawat parte nang katawan mo, kailangang iwasan. Dahil may posibilidad na maging isa sa kanila.
"I'm Leo Baltazar by the way." paninimula nito nang saktong matapos ako sa pangiginain.
Pinunasan ko na muna itong bibig ko atsaka tumingin sa driver seat nang bus. I prefer ba huwag makipag-eye to eye, nakakahiya kasi.
"Germaine Tizon Ho." maikling tugon ko sa buong pangalan.
Kita ko sa side view nang eyesight ko kung paano itong tumango-tango.
"Ba't ka nga pala nandirito?" seryosong tanong niya na siyang ikinalingon ko.
Napangisi na lang ako dahil sa naisip kong isasagot sa kaniya. Medyo mapilosopo pero hahayaan ko na munang magpaka-pilosopa sa kaniya, para medyo mabawas-bawasan naman ang seryosong hatid nito.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...