Target #17 - Kutob
Cyrene's p.o.v
Nagngingit man sa galit, pinigilan ko na lang. Siya pa mismo ang gagamot sa sugat ko na hindi naman sana magkakaganto kapag hindi siya nagpadala nang galit at pananakit niya.
Great! Just Great!
Masama din itong nakatitig sa akin na para bang hindi niya yata natatandaan na ako ang biktima dito.
Sapakin ko kaya ito, siguro mahihimasamasan naman siya kahit papaano.
"Ano? Tatayo ka lang ba jan? Kasi kapag oo, umalis ka na lang kasi sa tutuusin, marami pa akong gagawin. Hindi lang ikaw ang aasikasuhin ko rito. Wag ka ding feeling." saad niya sabay talikod na naman nito sa harapan ko.
Ang galing din niyang makapagsabi na feeling ako, Tss... kapag talaga hindi na ako makapagtimpi, siguradong patay ito ngayon.
Buti na lang at lider dito sa kampo nila ang napakagaling na ama niya. Pasalamat ito, kundi...
Huminga na lang ako nang malalim atsaka, isinawalang-bahala ang nakakapambwiset na sinabi nang tukmol.
Dahan-dahan akong lumapit sa isa mga plastic chairs dito na katapat niya. Alam ko na namang, para sa mga pasyente iyon kaya, wala akong pag-aalinlangang umupo doon.
And when I sat, tumayo naman ang gago. Aba pabebe din ito 'no?
Inhale! Exhale!
Kahit anong pang-iinis na iinsulto niya sa pagmumukha ko, mananatili paring kalmado.
Akala niya si Renejay to?! Aishhh!
"Hey! Mr. Psychic---ah este Mr.... ahmm..." napahinto naman ako nang sa pagsasalita nang biglang napalingon ito sa direksyon ko.
Ooppss! Ba't ansama naman yata nang tingin nito. Nakakainsulto man pero, kagaya nang ginagawa ko pinanatiling kalmado ang sarili.
I need to cover this bloody hand of mine. Humahapdi narin kapag natagalan, and also may posibilidad na mawawalan ako nang dugo.
Kung tutuusin, I looked pale, at mukhang monggoloid na palakad lakad sa labas na may dugo-dugong sugat.
"If ayaw mong gamutin ko iyang sugat mo, sabihin mo lang. Hindi ka yata, sinabihan nang mga magulang mo na huwag masyadong magdadada, lalo na sa mga hindi mo pa kilala." saad nito habang pansin kong may kinuha itong kung ano sa mga lalagyan.
Napairap na lang ako sa inasta niya at iniwasang magsalita kung kinakailangan. Baka kasi masapak ko pa itong feeling peymus na tukmol.
Pasalamat ka talaga!
Napansin ko naman itong lumapit sa kinaroroonan ko na may hawak hawak na bandages, alcohol, at iba pa. Nang makaupo na nga ito sa kaharap kong upuan, ipinatong nito ang mga hawak niya sa lamesa na kalapit lang sa gilid namin.
Before he started, he wear the mask na kanina'y pagkadating ko rito suot-suot niya.
Ang alam ko lang, sinimulan na niyang gawin ang trabaho nito.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Science FictionMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...