Target #32 - Masamang Kapalaran
Cyrene's p.o.v
Nasa lugar ako na walang katao-tao, punong-puno nang mga basura ang paligid.
Maraming sirang sasakyan, mga patay na I'm used to it na makita ang bawat isa sa kanila.
Naglalakad ako sa isa sa mga kalyeng sira-sira. Biglang may naririnig akong parang pamilyar na tinig sa kung saan.
It can't be. Impsoibleng si mom iyon.
Hinahanap ko ito nang hinahanap kaso hindi ko magawang matagpuan kung nasasaan na nga ba siya.
Habang hinahanap ko si mom, mukhang nari-realize kong unti unti na akong lumalapit sa direksyon na mismong kinaroroonan nang tinig ni mom.
Maybe because, dahil narin sa papalakas na papalakas ang bawat pagtawag niya sa pangalan ko.
May natagpuan akong babaeng nakaharap saakin ang likuran nito at humahagulhol.
Nangunot naman ang noo ko nang makitang nagkakaganoon ang babaeng nasa harapan ko.
Para bang, nararamdaman kong si mom iyon. Unti-unti oo itong nilalapitan.
"Mom?! Ikaw ba iyan? Ba't ka umiiyak?" tanong ko rito habang papalapit ako nang papalapit sa kinaroroonan nito.
Napahinto nang paghagulhol nang madinig niya ang tinig ko. Tapos nangunot noo naman ako nang magpatuloy ito sa pag-iyak at paghagulhol.
Napapaisip tuloy ako kung ano nga ba ang problem. Hindi naman yata basta basta iiyak at magkakaganiyan kapag alam mo namang may problema.
Nakarating narin ako sa diteksyon niya sa wakas. Huminto ako nang mga ilang segundo sa likuran nito at pinipilit silipin ang giliran nang mukha nito.
Kaso, ang problema, nakatabon ang dalawa nitong kamay sa mukha niya.
Dahil nga sa curious ako dahil sa nangyayari at bakit may nakikita akong umiiyak na kasing tulad pa nang tinig ni mom.
Kaya ang tanging ginawa ko ay ang hawakan ang kaliwang balikat nito.
Imbes na maamong mukha ang makita ko, natakot na lamang ako nang makitang ang mukha nito ay punong-puno nang dugo at basag na basag sabay sabing...
"Tulong!" napabitiw naman ako sa kaniya, at lumingon sa kabilang direksyon para tumakbo sana, nang humarang doon.
Mas lalo akong natakot nang makita kong mas masahol pa sa nakita ko kanina ang mismong nakita ko.
Takbo ako nang takbo papalayo, napapaisip ako kung bakit, sa dinami-dami nang pwedeng sabihin nang mga kagaya nila ay iyon pang humihingi nang tulong.
Napahinto ako sa kakatakbo nang lingunin kong muli ang likuran ko.
Laking pasasalamat ko nang wala na ngang sumusunod saakin. And then, muli akong napalingon sa harapan ko at mas lalong kumalabog nang malakas ang puso ko ng makitang may higanteng halimaw na kamukhang kamukha nang kanina.
BINABASA MO ANG
[ D E A D T A R G E T ]
Ficção CientíficaMost Impressive Rank ~ #1 in Pandemic ------------------------------------------------------------- Wanna live? Wanna Survive? Then... Be ready to kill. Cyrene once said... "Until the end, we're gonna survive, no matter what." Surviving is one of...