Reynalyn's P.O.V.
"Himala yatang hindi ka nilapitan ni Prime mula pa kanina."- tanong ko kay Hidio habang nakatanaw kay Prime na palabas na ng room namin.
Isang kibit- balikat lang ang tanging tugon nito sabay kuha ng bag at isinabit sa kanang balikat.
"Halika na."- yaya nito at nagpatiuna nang naglakad palabas.
Mabilis ko na ring hinablot ang sariling bag at hinabol ito at sinabayan sa mabilis nitong paglalakad.
Tahimik naming binagtas ang kahabaan ng pasilyo nang matanaw ko mula sa di kalayuan si Akihiko.
Nakasandal ito sa van habang nakapamulsa ang isang kamay at pinapaligiran ng mga kababaihang halatang nagpapa-cute dito. Halatang nag-eenjoy ito dahil tudo pa ang nguti nitong nakikipag- usap sa mga babae.
"Napaka-playboy talaga."- bulong ko sa sarili.
Lukot ang mukhang tuluyan kaming lumapit dito nang bigla nalang itong nagsalita ng malakas sa harap ng kababaihan.
"Girls! I'm sorry but starting today--" bigla nitong pinutol ang pagsasalita at lumapit sa akin. Tumayo ito sa mismong harap ko habang hindi binabawi ang mga mata sa mukha ko." I want to give my heart to this girl." - dagdag nito at hinawakan pa ang kaliwang kamay ko.
Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Sunod- sunod rin ang paglunok ko ng laway. Pero hindi, hindi dapat ako magpadala sa mga magagandang salita nito lalo pa at alam ng lahat na playboy ito.
Pilit kong kinuha ang kamay kong hinawakan nito at sinalubong ang mga titig nito.
"Wala kana bang ibang mapagdidiskitahan? Kung mangtitrip ka piliin mo yong tanong mabilis maniwala sa kalokohan mo."- inis kong sabi. Binangga ko pa ito nang bahagya nang dumaan ako sa harap nito.
Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Hidio nang binuksan ko ang pintuan ng van. Mabilis na akong pumasok sa loob kung saan nakita kong nasa loob na din si Kenshin, Hiroshi at Daisuke.
Tulad kanina sa tabi nang bintana ulit ako pumuwesto habang sa kabila ay si Hidio ang katabi ko. Maya-maya ay pumasok din si Akihiko at tumabi kay Hidio.
Sa kahabaan nang byahe ay tahimik lang ang lahat. Walang gustong magsalita kahit ang madaldal na si Daisuke ay biglang naging tahimik lang. Tela ba pagod kaming lahat ay gustong mapag- isa.
Akihiko's P.O.V.
Ibang- iba si Reynalen sa mga babaeng kilala ko. Akala ko magiging masaya ito dahil nabihag nito ang puso ko pero sadyang ma- ilap ito. Hindi ko din naman ito masisisi dahil kilala ako na mapaglaro sa damdamin ng iba. Pero kahit ganon, hindi nito alam na hindi ko ibinibigay ang puso ko kung hindi ko naman mahal ang isang tao?
Sabagay, wala nga itong alam. Kaya naiintindihan ko kung bakit hindi nito naniniwalang seryoso ako sa nararamdaman ko para dito. Kailangan kong mag- isip nang paraan kung paano ko ito mapapaniwalang totoong mahal ko siya.
Hidio's P.O.V.
Hindi na lumapit sa akin si Prime mula nang masigawan ko ito kanina. Alam kong nasaktan ito sa ginawa ko kaya kailangan kong humingi ng sorry dito pero paano? Mahiyain ako at mailap sa mga babae kaya hindi ko alam kung paano humingi dito ng tawad.
Bahala na, mas mabuti na rin siguro yon para hindi na ito sumunod at umasang magugustohan ko siya.
Kenshin's P.O.V.
Dahil sa nakita kong pag- iyak ni Prime sa rooftop bigla ring bumalik sa akin ang ma-paet na ala- ala ko 3 years ago.
"I'm sorry, Ishana kung hindi kita nagawang protektahan." - bulong ko sa isip.
Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ipinikit ang mga mata.
Daisuke's P.O.V.
Sino kaya yong babaeng yon. Haist, ang ganda niya. Para siyang prinsesa sa sobrang ganda. Pero bakit siya umiiyak. Wala akong interes sa mga babae dahil mas gusto ko magtravel pero nang dahil sa babaeng parang bigla akong naakit na titigan ito kaysa titigan ang magandang tanawin sa harap ko.
Hindi kasi ako pumasok kanina kahit unang araw ng klase. Bagkos, inakyat ko ang mataas na pader ng school dahil gusto kong lumabas at magliwaliw. Lagi ko nang ginagawa ang bagay na iyon kaya always naka-ready din ang bigbike kong nakapark sa di kalayuan.
Mabilis na akong sumampa sa motor bago pa may makapansin sa akin. Hindi ko alam kong saan ako pupunta basta ang gusto ko lang ay makalanghap nang sariwang hanggin dahil pakiramdam ko nasa isang kahon ako at nahihirapang huminga.
Mula nang tumuntong ako ng high school kapag unang araw ng klase hindi talaga ako pumapasok. Nakasanayan ko na o mas tamang sabihing may dahilan kung bakit ko ginagawa iyon kada taon sa nakalipas na limang taon.
Patuloy kong pinaharorot ang motor hanggang sa malanghap ko ang malamig na simoy nang hangin mula sa dagat. Mula sa malayo ay may natanaw akong isang resort kaya doon ako dumiritso.
Agad kong pinark ang big bike ko. Naglakad ako papunta sa tabing dagat dahil iyon din naman ang gusto ko. Hindi pa masyadong masakit ang sikat ng araw dahil mag- aalas - 8:00 palang naman ng umaga.
Bigla akong napangiti sa ganda ng paligid. Ang chinese style na cottage, ang puting buhangin at ang malinaw na asul na dagat ay ilan lamang sa magandang tanawing makikita mo doon.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad palapit sa tabing dagat nang mahagip nang mga mata ko ang isang babaeng nakatayo sa harap nang malawak na dagat.
Nakasuot ito nang mahabang damit na lampas tuhod na kulay puti habang malayang hinihipan ng hangin ang mahabang buhok nito. Nababasa na din ang laylayan nang damit nito dahil sa alon na tumatama sa may paanan nito.
Nakarinig ako nang boses na parang may tinatawag.
"Princess.... Princess..." tanging yan lang ang mga salitang paulit- ulit kong narinig mula sa malayo.
"Princess." - wala sa sariling na-usal ko habang hindi binabawi ang tingin ko sa babae.
Biglang lumingun ang babae sa may gawi ko. Bigla ko ding nahigit ang aking paghinga nang masilayan ang mga luha sa pingi nito biglang kumislap dahil sa pagtama ng sikat ng araw.
Napakaganda niya. Para nga siyang isang prensesa sa sobrang ganda pero bakit kaya siya umiiyak.
Tuloy- tuloy nang umalis ang babae at naglakad pabalik habang ako ay nananatili paring nakatayo doon habang pinagmamasdan ang pag- alis nito hanggan sa tuluyan itong mawala sa paningin ko.
Muli akong napabuntong hininga nang maalala ang nangyari kanina.
"May problema ba?" - narinig kong tanong ni Hiroshi sa tabi ko. Katabi ko kasi ito habang sakay nang van pauwi ng bahay.
"Wala, pagod lang ako."- matamlay kong sagot.
Hindi na ito nagtanong muli kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko para ipahinga ang utak kong ginulo ng babaeng iyon.
"Princess." - muli kong usal bago tuluyang ipinikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomantikReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...