Akihiko's P.O.V.
Pagkatapos masigurong nalinis na lahat ng alikabok sa buong laboratory agad kong nilapitan si Reynalyn na naka-upo sa ibabaw ng mesa. Na-sprain kasi ang paa nito kanina habang naglilinis kaya pinaupo ko muna sa mesa.
"Let's go."- yaya ko sabay abot nang isang kamay dito.
Tiningnan nito ang kamay kung nakalahad bago nito tinanggap na tela ba nagdadalawang isip pa. Ma-ingat na inilalayan ko itong makababa dahil medyo mataas para dito ang mesa. Medyo maliit kasi ito sa karaniwang babae kaya minsan napagkakamalang mas bata sa edad nito.
Sa taas kong six feet siguro nasa may bandang dibdib ko lang ito.
"Ayos ka lang ba?"- tanong ko nang mapansing nahihirapan ito sa paglalakad.
Kanina pa ito tahimik kaya medyo naninibago ako dahil hindi ko na muli ito narinig mula nang ma-sprain ang paa nito. Meron pa kaya itong bali? May iba pa bang masakit dito pero ayaw niya lang sabihin sakin? Pero mababa lang naman kinabagsakan niya.
"O-ok lang ako."- tipid nitong sagot.
"Sigurado ka ba?" - nag- aalala kong tanong ulit.
Tumango lang ito at ipinagpatuloy ang paglalakad nang pa-ika-ika.
"Reynalyn..."- napatigil ito sa paglalakad sabay lingon. Nilapitan ko ito at hinawakan sa kamay.
"B-bakit?"
"Sakay na."- sabi ko sabay squat sa harap nito patalikod.
"Ha?"
"Sumampa ka sa likod ko."- pag-uulit ko.
Hindi ito sumagot kaya nilingon ko ito. Nakatingin din ito sa akin pero hindi ko alam kong ano ang iniisip nito.
"Aabotin tayo nang madaling araw dito kapag ganyan kabagal ang paglalakad mo."- dagdag ko.
Hindi parin ito gumalaw sa kinatatayuan kaya hinila ko ang kamay nito kaya napadapa ito sa likod ko. Ramdam ko ang init na nang gagaling sa katawan nito. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa magkabilang balikad ko. Tumayo ako habang nakahawak sa dalawang paa nito at nagsimula nang maglakad.
Bumilis ang pintig nang puso ko. Gusto ko ang pakiramdam na nasa tabi ko ito.
"Hindi mo naman kailangang gawin to."- mahinang sabi nito.
"Gusto ko lang maka-uwi na agad para makapagpahinga na tayo."- sagot ko.
"Kaya ko pa namang maglakad."- pagpupumilit nito.
"Alam ko. Pero ayokong nakikita kang nahihirapan."- sagot ko.
Tumahimik ito ulit hanggang sa makalabas kami ng building.
"Pwedi mo na akong ibaba dito."- Reyn
"Malapit na tayo kaya kumapit kalang."- ako
"P-pero--."
"Pwedi bang wag mo na ulit hahayaang ma-sprain ang mga paa mo lalo na kung hindi ako yong kasama mo?"- hiling ko sabay tigil sa paglalakad. Gusto ko kasing sagoting nito ang tanong kong iyon.
"H-hindi ko naman kayang kontrolin ang tinatawag na aksidente."-paliwanag nito.
"Tama ka. Pero ayoko paring nasasaktan ka kaya lagi ka mag-ingat. Ayoko ring may ibang lalaking magbubuhat sayo dahil gusto kong ako lang ang gagawa non. Kaya mula ngayon lagi kalang sa tabi ko."- mahaba kong sabi at ipinagpatuloy ang paglalakad.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
Storie d'amoreReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...