Chapter 1

328 15 0
                                    

Reynalyn's P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Reynalyn's P.O.V.

Maaga palang ay ginising na ako ng aking ina dahil aalis ako papuntang Maynila ngayong araw kasama ang aking Tiya na kapatid ng aking ina. Sa Maynila na ito nakatira mula ng makapag-asawa ito doon. Nagbakasyon lang ito sa lugar namin ng nakaraang linggo at nabanggit ni nanay dito ang tungkol sa scholarship ko. Agad naman itong nag-offer na doon nalang ako tumira sa bahay nito na ikinatuwa ni nanay. Libre kasi lahat ng tuition at gastosin ko sa school maliban sa tirahan at allowance. Wala na akong pro-problemahin pa kaya ayokong palagpasin ang ganitong opportunity.

Pagka-graduate ko kasi ng Junior High School nakakuha ako ng scholarship sa Orion High School na matatagpuan sa Maynila. Isa itong sikat na paaralan na pawang mayayaman lang ang nakakapasok. Wala kaming Senior High school dito sa lugar namin sa Isla De Gigante, isang magandang Isla na matatagpuan sa pinakasulok na bahagi ng Iloilo.

Kung mag-aaral kami ng Senior High School kailangan pa naming pumunta sa lungsod at doon mag-aaral kaya gastos parin sa boarding house at allowance at pati na sa tuition fee. Kaya maraming kabataan dito ang tumitigil sa pag-aaral sa kawalang ng sapat na pera. Ang nakuha kong Scholarship nalang ang tanging pag-asa ko para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Mataas ang pangarap ko kaya gustong-gusto kong makatapos para ma i-ahon sa kahirapan ang mga magulang ko. Araw-araw kasi ay nakikita ko ang hirap ni Tatay sa pangingisda. Umulan man o umaraw hindi ito tumitigil sa pagpunta sa dagat para manguha ng isda para may mapakain at makapag-aral lang kami ng kapatid kong si Sofia.

Gustong-gusto ko nang matulungan ang mga magulang ko at mabigyan sila ng magandang buhay kaya nag-aaral talaga ako ng mabuti. Kahit na maraming lalaki ang nanliligaw sa akin sa lugar namin ay hindi ko sila pinapansin dahil naka-focus lang sa pag-aaral ang attention ko.

Bumangon na ako kaagad para maligo. Naligpit ko na rin kasi ang mga gamit ko kagabi pa. Pagkatapos maligo ay dumiritso na ako kaagad sa kusina upang kumain ng agahan. 

Saktong katatapos ko lang magtoothbrush nang dumating si Tiya Mona para sunduin ako.

"Mag-ingat ka doon anak ha? Wag na wag kang magpapasaway sa Tiya mo. Alagaan mo lagi ang sarili mo at tumawag ka lagi sa amin ng tatay mo." maluha-luhang sabi sa akin ni nanay.

Wala si tatay dahil maaga itong umalis kanina upang mangisda habang ang bunso kung kapatid ay natutulog pa kaya si nanay lang ngayon ang kausap. Gusto ko ring maiyak dahil tiyak na mamimiss ko ang mga ito ngunit pinigilan ko ang luha. Ayokong umiyak sa harap nito kaya niyakap ko nalang ito ng mahigpit. Pilit ko nalang pinapatatag ang aking sarili dahil para sa kanila kaya ako aalis at mag-aaral kahit napakalayo ng Maynila.

"Ito anak.. Allowance mo yan sa isang buwan kaya ikaw na ang bahalang magtipid niyan ha? Pasensya kana at iyan lang ang nakayanan namin ng tatay mo." sabi ni nanay sabay abot ng limang tig-iisang libong papel na agad ko namang tinanggap.

"Wag kayong mag-alala nay. Mag-aaral ako ng mabuti para sa inyo ni tatay." sagot ko dito habang pilit na ngumiti.

"Ate... Nalyn... Tama na yan at baka maiwanan tayo ng eroplano." tawag ni Tiya Mona sa amin kaya niyakap ko ulit si nanay bago tuluyang umalis.

Mabigat ang mga paang humakbang ako paalis. Nalulungkot akong hindi man lang ako nakapagpaalam kay itay pero naiintindihan ko ito. Alam kong sinadya nitong pumalaot dahil alam kong ayaw nitong masaksihan ang pag-alis ko. Isang malakas na buntong- hininga ang muli kong pinakawalan bago sumampa ng bangkang maghahatid sa amin sa bayan.

Habang nasa byahe hindi ko maiwasang hindi malungkot lalo na iyon ang unang beses na napalayo ako sa aking mga magulang. May luhang kumawala sa mga mata ko na agad kong pinunasan. Kailangan kong maging matapang para sa pamilya ko kaya hindi ako dapat magpadala sa emosyon.

___________________________
A

lmost 45minutes din ang itinagal ng byahe namin bago tuluyang lumapag sa NAIA ang eroplanong sinakyan namin. Pagkababa ko ng eroplano agad kong inilibot ang paningin sa kabuuhan ng airport. Maraming mga tao doon na halos mapuno na ang buong lugar.

"So ito pala ang tinatawag nilang Maynila." bulong ko sa sarili.

Bitbit ang kulay pink na malita, pumunta na kami ni Tita sa may Parkingan ng mga taxi. Sumunod lang ako dito dahil hindi ko kabisado ang lugar lalo na at firstime kong makapunta ng Maynila.

Ibang-iba kasi iyon sa Islang kinalakihan ko na halos lahat ng tao ay kakilala mo samantalanga dito sa Maynila naman lahat ng tao ay pawang mga stranghero.

"Nalyn... Dito kalang muna ha? Kailangan ko lang kasing pumunta ng CR. Babalikan kita kaagad kaya wag kang umalis dito." paalam ni Tita nang makarating kami sa may nakahilirang taxi.

"Sige po tiya." nakangiti kong sagot dito.

Nanatiling nakatayo lang ako roon habang hinihintay ang pagbabalik ni tiya Mona habang hawak ang aking malita.Lumipas ang tatlumpong minuto ay hindi parin ito bumabalik kaya nag-aalala na ako. Nakakaramdam narin ako ng takot na baka may masama nang nangyari dito kaya hindi pa ito nakakabalik.

Sa gitna nang pangangalay ng paa ko dahil sa tagal ng pagkakatayo ay napasigaw nalang ako nang may biglang humablot ng shoulder bag ko kung saan nakalagay ang five thousand na ibinigay ni nanay sa akin at ang two thousand na ipon ko. Hinabol ko agad ang lalaki upang kunin dito ang bag ngunit mabilis itong tumakbo kaya hindi ko na ito naabutan hanggang sa tuloyang nawala ito sa paningin ko. Halos mangiyak-ngiyak akong bumalik sa may malita ko dahil sa kawalang ng pag-asang mabawi ang pera. Ni wala man lang nagbalak na tulongan akong habulin ang lalaki.

Naghintay nalang ako kay Tiya kahit nalulungkot sa nangyari. Mamaya ko nalang proproblimahin ang nangyari dahil siguradong di naman siguro ako pababayaan ni tiya. Ngunit lumipas ang limang oras at dumudilim na dahil mag-aalas 6:00 na rin ng hapon. Labis-labis na rin ang pag-aalala ko dahil hindi pa bumabalik si tiya dagdag pang 20 pesos nalang ang laman ng bulsa ko.

Naghintay pa ako ng another 30 minutes bago magdisisyong umalis doon para pumunta sa pinakamalapit na police station para ma-e-report ang nangyari dahil nag- aalala na rin akong may masamang nangyari kay tiya kaya di ito nakabalik.

Mahigit isang oras na akong naglalakad ngunit wala parin akong makitang police station. Natatakot din akong magtanong dahil sabi nila marami daw masasama ang loob sa Maynila at baka kung saan pa ako ituro dagdag pa sa nangyari kanina sa akin kaya medyo ayoko nang magtiwala sa mga tao doon.

Pagod na pagod na ako at gutom na gutom narin dahil kaninang umaga pa ang huling kain ko. Habang pinagpapatuloy ko ang paglalakad bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo kaya tumigil ako saglit sa paglalakad. Nanlalabo at nandidilim na rin ang aking paningin. Nararamdaman ko na din ang panginginig ng tuhod ko. Bigla nalang ako bumagsak sa mismong kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay sa gitna ng madilim at malamig na lugar na iyon.

Author's P.O.V.

Umalis ang tiya ni Reynalyn upang puntahan ang uutusan nitong dudukot sa pera ng pamangkin. Nakita kasi nito kanina ang pag-abot ng pera dito ng kapatid at paglagay ng pamangkin sa bag nito.

Mukhang pera at sakim kasi ito kaya wala itong pakialam sa pamangkin. Isinama lang ito sa Maynila para madukot ang pera nito. Sa katunayan ang lalaking dumukot ng pera kay Reynalyn ay ang mismong asawa nito. Agad na umuwi ang mga ito pagkakuha ng pera at iniwan ang kawawang si Reynalyn na ilang oras ding naghintay sa pagbabalik ng tiya nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon