Chapter 22

113 9 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Hindi parin kami nagpapansininan ni Akihiko mula nang araw na nagdala ito ng babae sa bahay. Maging ito kasi ay halatang iniiwasan rin ako. Mas pabor naman sa akin ang ganong set up namin pero aaminin kong meron bahagi sa puso ko ang namimiss ang away at asaran namin nito.

Unang araw ngayon nang pasukan kaya maaga akong nagising. Nagluto muna ako nang agahan namin bago naligo. Inayos ko na din ang bag ko baka meron pa akong nakaligtaang kakailanganin para sa school. Nang masigurong ayos na ang lahat ay bumaba na ako para kumain nang agahan. Nagsuot narin ako ng school uniform na binili namin matapos kung mag- enroll nang nakaraang araw.

Akihiko's P.O.V.

Medyo napahinto ako sa tangkang pagbaba sa huling baitang ng hagdanan nang saktong lumabas nang kanyang kwarto si Reynalyn.

Nakasuot na ito nang uniform namin sa school. Puting shirt iyon na medyo fit sa katawan nito at may mga butones sa harapan. Wala iyong kwelyo kundi isang pulang rebon na nakasabit sa ibaba ng liig nito na katerno nang palda na hanggang tuhod ang haba. Kulay itim ang saptos nito na tenernohan nang mahabang medyas na kulay pink.

Sa paningin ko ay napakacute nito. Bagay na bagay ang uniform namin dito. Ngayon ko lang din na appreciate na pwedi palang maging cute at sexyng tingnan ang isang babae kahit uniform lang ang tanging suot. Palihim kong ipinilig ang ulo nang bumalik ang tingin ko sa mukha ni Reynalyn.

Maging ito ay saglit ding huminto. Agad itong nag-iwas nang tingin nang di sinasadyang nagtama ang aming mga mata pagkatapos ay tuloy- tuloy ding umalis.

Ilang araw ko rin itong iniwasan mula nang araw na iyon. Kailangan kung gawin iyon dahil pakiramdam ko ay unti- unti na akong nahuhulog dito. Aaminin kong nahihirapan akong iwasan ito lalo na nasa iisang bahay lang kami ngunit kailangan dahil kailangan kong protektahan ang puso kong huwag masaktan ulit.

Reynalyn's P.O.V.

Pagpasok ko sa loob nang kusina ay nandoon na sina Hidio, Hiroshi, Daisuke at Kenshin. Nakapwesto na ito sa kani-kanilang upuan. Palihim kung pinagmamasdan isa-isa ang mga ito at masasabi kong para silang mga prinsipe sa isang kaharian.

Bagay na bagay sa mga ito ang mga suot nilang uniporme. Kahit pa si Kenshin na parang lukot- lukot ang uniform at nakabukas ang dalawang butones nang shirt nito ay hindi parin iyon nakatibag sa kagwapohan nito.

"Tutunganga kalang ba jan o kakain?"

Authomatic na napaharap ako sa nagsalita sa likuran ko dahil sa pagkagulat. Bigla nalang kasi ito nagsalita sa may tinga ko habang nasa kailaliman ako nang iniisip kaya marahang nabangga ako sa katawan nito. Hindi sinasadyang napahawak ako sa kwelyo nito dahil sa takot na matumba kaya nabaklas ang dalawang butones nang suot nitong polo.

Agad na bumungad sa harap ko ang medyo mabalahibo nitong dibdib na kahit meron itong suot na puting sando ay makikita mo parin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa baywang ko kaya iniangat ko ang mukha at tumingin dito.

"Aalis ka ba o baka gusto mong sabay pa tayong matumba sa sahig?" -Aki

Agad akong lumayo dito pagkatapos marinig ang sinabi nito. Medyo nakaliyad pa kasi kaming dalawa habang pinipigilan ako nitong huwag matumba.

Alam kung namumula ang mga pisngi ko dahil naramdaman ko ang pag-iinit niyon.

Dumiritso na ako sa tabi ni Hidio dahil nakaramdam ako nang hiya.

"Ok kalang ba?" - tanong nito pagkaupo ko. Tumango lang ako bilang tugon. Hindi naman nagsalita ang mga ito sa nangyari kaya tahimik na kaming kumain ng agahan.

Pagkatapos kumain at mag-ayos ay dumiristo na kami sa labas kung saan nakilala ko si Mang Saldon. Siya ang driver nang van na maghahatid sa amin sa school.

Akala ko noon kanya- kanyang sakay ang mga ito sa mga kotse nito dahil lahat naman ay may sariling kotse kaya medyo di ko enexpext na sabay- sabay pala silang pumapasok sa school.

Ipinakilala pa ako ni Hidio kay mang Saldon bago pumasok sa loob ng van.  Agad ko naman nakagaanan ng loob ito dahil mabait at palabiro ito.

Bali ang ayos namin sa loob. Magkakatabi si Kenshi, Aki at Daisuke sa likod. Kami naman ni Hidio at Hiroshi ay pagkakatabi din sa harap ng mga inuupuan ng mga ito.

Tahimik lang kami sa loob hangang sa makarating kami sa school. Ngunit pagkapasok palang nang sasakyan ay rinig na rinig na ang hiyawan nang mga studyante lalo na nang mga kababaihan na para bang merong dumating artista.

Binuksan ni Manong Saldon ang kotse. Ako ang naunang bumababa dahil ako ang malapit sa pinto.

Bigla namang tumigil ang pagsisigawan at nag- umpisa ang bulong- bulongan. Pero saglit lang iyon dahil nang bumababa na ang mga lalaking kasama ko ay nagkagulo ulit habang ako naman ay napapunta nalang sa isang tabi.

Napaawang nalang ang labi ko dahil di ko inaasahang ganon kasikat ang mga ito sa school. Oo alam kung posibleng famous sila pero hindi ko inaasahan na ganon sila kasikat parang gusto na silang sambahin nang mga studyante doon. 

"Alam mo para kang si Jandi sa F4. Nakaka-inggit ka." - nilingon ko ang nagsalita at agad ko itong nakilala. Si Prime iyon na nagkikislap ang mga matang nakatingin kay Hidio.

Hindi ko man lang napansin ang paglapit nito siguro dahil na rin sa ingay.

"Jandi ka jan! Ang sabihin mo para silang artista at ako ang kanilang dakilang alalay." - sagot ko.

"Hayy.. Ang gwapo talaga ng Hidio ko." Kinikilig na sabi nito habang tinitingnan ang papalapit na si Hidio.

"Reyn pasok na tayo." Tawag nito na di man lang pinagtuonan ng tingin si Prime.

"Ahm, mauna kana. Dadaan pa ko ng office dahil di ko pa alam ang section ko." Sagot ko.

"Sabay nalang tayo "May loves" total magkaklase ulit tayo.-  sabat ni Prime. Parang ngayon lang napansin ni Hidio na may kasama ako dahil nagulat pa ito nang makita ito.

Agad namang niligkis ng kamay nito ang mga braso kay Hidio. Lihim nalang akong napangiwi dahil sa tindi ng fighting spirit nito.

Marunong pa ba itong mahiya?

Agad na nitong hinila si Hidio paalis matapos makapagpaalam. Kahit halatang napipilitan itong sumunod sa babae.

Nang tumingin ako ulit sa paligid ay parang bula na nawala na ang mga studyanteng kanina lang ay nagkakagulo. Wala na din kasi doon sina Aki at ang iba pang pinsan nito.

Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad papuntang office para malaman ko na rin kung saang section ako papasok.


Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon