Chapter 5

165 11 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Nabaling sa akin ang lahat ng tingin ng mga lalaking nakapalibot sa akin pagkatapos na may kausapin ito sa cellphone. Nakatabing parin ang kamay ng lalaking weird sa bibig ko pero medyo lumuwag na.

"Ouchh" sigaw nito nang kagatin ko ang palad nito sabay wisik-wisik ng kamay nito at nakasalubong ang kilay na tiningnan ako.

"Aalis na ako.. Salamat nalang sa pagpapatira sa akin dito ng isang gabi." sabi ko sabay talikod sa mga ito. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang nang sabay-sabay na nagsalita ang mga ito.

"Sandaliiii."

Napaharap ako ulit sa mga ito at kunot noong tiningnan ito isa-isa.

"Maupo ka muna may mahalaga kaming sasabihin sayo." bigla akong nilapitan ng isa at pinaupo ulit sa upuan.

Nagtataka man ay hinayaan ko na ang mga ito.

"Bye the way ako nga pala si Daisuke." nakangiting pakilala nito nang makaupo ako.

"Ako naman si Hidio." lumapit din ang lalaking mabait at nilahad ang kamay nito na tinanggap ko naman.

Silang dalawa lang yata ang gustong magpakilala sa akin dahil parang walang pakialam ang tatlong lalaki.

"Do you want to intruduce yourself or we well let Akako-san to be our maid?" sabi ng lalaking nagpakilalang Daisuke sa tatlo na parang may pagbabanta.

"Aist...I'm Kenshin. "Napipilitang sabi ng isa na di umalis sa kinauupuan.

"Hiroshi." sabi naman ng lalaking kinagat ko.

"Akihiko.. ang pinakagwapo sa aming apat." mayabang na sabi ng isang mukhang playboy na kinindatan pa talaga ako.

Mas lalong kununot ang noo ko dahil sa pagpapakilala ng mga ito. Bakit pa kasi sila magpapakilala kung aalis na din ako at siguradong di na kami magkikita ng mga ito ulit.

"Bakit kailangan niyo pang magpakilala eh aalis na rin naman ak-"

"No!"

Naputol ang sasabihin ko dahil sabay na naman ang mga itong nagsalita at talagang para pigilan lang ako?

"Di ba wala kang ibang matutuloyan?" tanong ni Hidio

"Oo.. Pero problema ko na iyon." sagot ko

"You can stay here...with us!" -Daisuke

"What?? Why?" Taka kong tanong dahil kagabi lang ayaw ng mga itong magstay ako doon.

"Ok look.. We need a maid. So we choose you to be our maid." -Akihiko

"Maid? Gagawin niyo akong katulong? Nagkakamali yata kayo dahil hindi ako pumunta dito para maging katulong." sagot ko sabay walk out . Medyo nainsulto kasi ako sa sinabi nito. Mukha ba akong katulong?

"Ok let her go.. Marami pa namang manyak sa labas na nangrarape at pumapatay ng mga babae." narinig kong sabi ng gangster na si Kenshin. Alam kong nananakot lang ang mga ito pero hindi ko pinansin at tuloy-tuloy na pumunta sa taas para kunin ang malita ko.

Pagkababa ko naabutan ko ang mga itong nanonood ng Tv o talagang inaabangan ng mga ito ang pagbaba ko.

"You can stay here until you find your tita?" - pagtatangka ulit ni Hidio na pigilan ako sa pag-alis.

"Ayaw mo ba talagang maging maid namin? Mataas magiging sahod mo." Dagdag ni Akihiko na halatang nagyayabang lang na mayaman ito.

"Handa kana bang ma-rape sa labas dahil sa katigasan ng ulo mo?" -sabi ni Kenshin na halatang nananakot.

"You can go back if you change your mind." Sabi ni Hiroshi sa nakakatakot na ngiti.

"Pwedi ka naman maging maid pero sa pangalan lang... Hindi mo kailangang gawin ang mga gawaing katulad ng ginagawa ng isang katulong." Daisuke

Alam kong gusto lang ako nitong kumbesihing mag-stay. Pero nagtataka parin ako bakit ang bilis magbago ng disisyon ng mga ito. Bakit biglang naging disperado ang mga itong pigilan ako. Meron bang masamang binabalak ang mga ito? Kinilabutan tuloy ako sa naisip na baka tutuhanin na ni Kenshin ng bantang patayin ako.

Isa-isa kung tiningnan ulit ang mga ito
Mukhang mababait naman sila kahit yong iba medyo may deperensya sa utak. Isa pa kailangan ko nga ng bahay na matitirahan  at pera habang hinahanap ko si Tita.

Biglang na-agaw ang attention ko sa Tv nang may biglang may flashreport na nag-appear doon.

Halos lumuwa ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa ibinalita doon.

Ang Tiya Mona ko lang naman na hinuli ng mga pulis dahil sa kasong Estafa at scammer. Mas nagulat pa ako nang makita ang lalaking nagnakaw ng bag ko doon at malamang asawa iyon ng tiya ko.

Biglang nanghina ang katawan ko sa balitang sumabog sa harapan ko kaya napaupo ako sa mismong kinatatayuan ko.

"What's wrong?" nag-aalalang lumapit sa akin si Hidio. Hindi ko alam kong paano ito nakalapit sa tabi ko dahil nakatutok parin sa screen ng tv ang mga mata ko kahit wala na ang balita.

Sinubukan ko munang pakalmahin ang sarili ko. Ayokong umiyak lalo na sa harap ng mga lalaking ito. Ayokong malaman ng mga ito ang ginawa sa akin ng tiya ko. Ayokong mas lalo akong kaawaan ng mga ito. Awang-awa na nga ako sa sarili ko kaya ayokong may iba pang tao ang makaalam sa sinapit ko.

Taas noon akong tumayo at hinarap ang mga ito.

"Sabi niyo gusto niyo akong maging maid diba? "Nakita kong nagulat ang mga ito pero tumango naman. "Sige payag na ako...So magkano ang sweldo ko pagpumayag ako?" kailangan ko din kasi ng pera kaya kakapalan ko na ang mukha ko.

Hindi agad naka-imik ang mga ito tela nagulat din sa naging disisyon ko.

" Twenty... I mean twenty-thousand.. A month.. Wala ka namang ibang gagawin kundi magpakilala lang na maid namin". Si Akihiko ang unang nakabawi at sumagot ng tanong ko.

Actually ayos lang naman sa akin na gawin ang paglilinis at pagluluto total naman sinasahuran nila ako. Isa pa ang laki naman ng 20k ko na tatanggapin ko lang na walang ginagawa.

"Ok.. Payag ako pero hayaan niyo akong maglinis dito dahil ayoko na tumatanggap nang sahod na walang ginagawa." seryoso kong sabi.

"Kung yan ang gusto mo you can do whatever you want". Sabi ni Daisuke na lumapad ang pagkakangiti.

"Alright..so saan ang magiging kwarto ko?"

Nakita kong nagkatinginan silang lima sa tanong ko. Ibig bang sabihin ng mga ito na wala nang available na ibang kwarto sa bahay ng mga ito?

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon