Akihiko's P.O.V.
"Tinanghali ka yata."- salubong ni Daisuke habang papasok ako sa sala.
Nakaupo ito doon habang nanood nang tv. Mag-aalas 10:00 na kasi nang umaga nang magising ako dahil narin siguro sa late na ako nakatulog kagabi.
Hindi ko ito pinansin bagkos inilibot ko ang aking mga mata sa buong bahay.
"Wala yong hinahanap mo dito. Itinanan na ni Hidio."- dagdag pa nito na may halong pang-aasar.
"Loko mo. Wala akong hinahanap tamang hinala kalang."- tanggi ko sabay iwas nang tingin dito.
Nagdisisyon akong pumasok sa kusina dahil siguradong iinisin lang ako nito. Narinig ko pa ang tawa nito habang naglalakad ako palayo.
Mukhang malala na ito. Kailangang matigil na ang panunukso nang mukong na iyon sa akin. Madalhan nga nang babae dito mamaya para magtigil na ito sa panunukso.
Pero maiba ako. Bakit magkasama na naman ang mga iyon? At saan sila pumunta nang ganitong kaaga?
Pero teka. Bakit ko na naman iniisip ang mga iyon? Pakialam ko ba sa dalawang iyon. Haist baka need ko na talaga magdala nang babae para naman mabaling sa iba ang mga pinag-iisip nang utak ko.
Prime's P.O.V.
Ako nga pala si Prime Heart Jhean Soco. Labing-limang taong gulang na ako at nasa grade 11 na ngayong pasukan.
Tulad nang mga nagdaang araw nandito na naman ako sa may waiting shed papasok nang school kung saan malapit sa gate.
Halos araw-araw siguro ay nakatambay ako doon at nakatunganga lang habang may hinihintay.
Tama kayo nang narinig meron akong hinihintay. Hinihintay ko ang taong hindi ko alam kung dadating ba. Nagbabakasakali lang ako malay natin baka bigla nalang magpakita sa akin.
Alam niyo ba kung sino? E di yong my one and only love na si Hidio. Ganon nga siguro kapag na inlove ka sa isang tao. Gagawin mo ang lahat makuha lang ito kahit nagiging tanga kana.
Pero ok lang iyon. Wala akong pakialam kung ako ang naghahabol dito ang mahalaga napapansin ako nito. Sabi nga nila kapag may tiyaga may nilaga. Kaya hindi ako titigil hanggang hindi ito napapasa akin.
At hindi nga nasayang ang ilang buwang pabalik-balik ko nang school kahit matagal na akong nakapag-enrol dahil sa wakas nakita ko rin si Hidio habang papalabas nang sasakyan nito.
Agad akong tumayo mula sa kinauupuan at mabilis na tumakbo papunta dito.
"Hi crush. Welcome back. I miss you." - malakas kong sigaw habang papalapit dito.
Agad kung tinalon ang maliit na espasyo sa pagitan nito sabay ligkis nang dalawa kong kamay sa batok nito. Para na akong sawa habang nakayakap dito. E talaga namang namiss ko ang aking Hidio.
Mabilis naman nitong kinuha ang kamay kong nakakapit dito. Actually inaasahan ko na iyon. Laging ganon naman ang ginagawa nito everytime na gawin ko iyon. Mas magugulat pa siguro ako kapag gumanti ito nang yakap.
Una ko itong nakilala one year ago noong pumasok ito sa classroom namin at ipinakilalang transfered students. Sa unang kita ko palang dito alam kong ito na ang taong pinapangarap kong maging akin.
Kaya nang araw na iyon doon din nagstart ang pagsunod-sunod ko dito. Pero napakailap nito. Napakamahiyain kasi nito at hindi palakibo kaya medyo nahirapan ako. Pero hindi parin ako sumuko at nasanay na rin akong laging denedeadma at hindi pinapansin nito.
"Ehm.?"- anang babaeng ngayon ko lang napansin na kasama pala nito.
Medyo nagulat pa ako dahil firstime kong makita itong may kasamang ibang babae sa kotse nito. Baka kapatid nito iyon at doon din mag-aaral.
Hinarap ko ito at nginitian nang pagkatamis-tamis.
"Hello sister. I'm Prime Heart Jhean. You can call me Prime, Heart or Jhean."- masaya kong bati dito.
"Hi, I'm Reynalyn."- tipid na sagot nito.
"Are you Hidio's Sister? Are you Japanese?" - tanong ko ulit nang masiguro kung hindi ko ito karibal.
"No, kaibigan ako ni Hidio."- sagot nito na saglit kung ikinatigagal.
So magiging karibal ko ba ito? Wag naman mukhang maganda din eh. Isa pa feeling ko close na sila nang my love ko.
Sabi ko sa isip.
"Ah. Kung friends kayo ni Hidio friends narin tayo. Kaya tatawagin na kitang bhest."- masaya kong sabi.
Friendly naman kasi ako. Kung tutuusin halos lahat yata nang studyante dito ay kilala ako dahil napakafriendly ko daw pwera nalang sa mga bully nang school.
Reynalyn's P.O.V.
Ano ba naman ang babaeng ito. Friendly ba talaga ito o feeling close lang? Napakahaba pa nang pangalan. Dagdagan mo pa ang pagligkis nito kanina kay Hidio na akala mo girlfriend.
Pero bakit hindi ko yata kayang magalit at mainis nang matagal dito? Napaka-jolly kasi nito at masayahin. Isa pa ang cute nito na nakakapawala nang inis nang isang tao. Napakacharming din nang ngiti nito na nakapagbibigay sayo nang komporableng pakiramdam kaya mawawala ang inis mo kahit nakakainis pa ito.
Maya-maya ay nagpaalam na ako sa mga ito dahil magpapa-enrol pa ako.
"Samahan na kita. Hindi mo alam ang papunta doon." -pigil sa akin ni Hidio na halatang iniiwasan lang si Prime.
"Sama rin ako. Mas kabisado ko ang papunta doon." - sabi din ni Prime na kinurap-kurap pa ang mga mata na lalong nagpacute dito. Naging cute na pusa tuloy tingin ko dito. Sarap kurutin ang pesngi.
Pumayag nalang ako sa mga itong samahan ako. Mas mainam na nga iyon baka maligaw pa ako at saan-saan mapadpad. Sa laki ba naman nang paaralan na ito. Baka buong araw pa akong magpalibot-libot dito sa paghahanap pag wala ang mga ito.
Kanina palang parang gusto nang lumabas nang mga mata ko habang papasok nang school. Bukod kasi na maganda iyon napakalaki pa.
Pagdating namin sa harap nang registrar office ay pumasok na ako para magpasa ng mga credentials ko kaya naiwan ang mga ito sa labas.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomanceReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...