Chapter 53

70 6 1
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Nasa pahabang mesa kaming siyam kasama ang apo ni Lola Claudia na kapatid ni Lola Kenna para kumain ng pananghalian.

Maraming pagkain ang nakahanda sa mesa na sadyang ipinaluto ni Lola Claudia sa katulong nito sa bahay.

"Alam mo ate sobrang saya ko na dinalaw mo ako dito."- pagbubukas ni Lola Claudia sa usapan.

"Pasensya kana Claudia kung ngayon lang kita nadalaw." - malungkot namang sagot ni Lola Kenna.

"Ok lang yan ate. Naiintindihan ko namang busy ka din sa Japan."- mahinahong sabi nito.

"Si Sandra pala nasaan na?"- tukoy siguro nito sa isa pa nitong kapatid Naikwento kasi nito sa akin noon na tatlo ang mga kapatid nito pero namatay ang nag-iisang lalaking kapatid nito ng mga bata pa sila.

"Di Ate Sandra naman ay dinala ng anak niya sa Amerika mga tatlong taon na ang nakaraan."

"Masaya akong mabuti rin ang kalagayan ni Sandra."- tipid ang ngiting sabi ni Lola.

"Oo nga pala Zion apo. Dalhin mo ang mga pinsan mo mamaya sa plaza.". Nakangiting baling ni lola Claudia sa apo.

"Sige po la."

"Alam niyo kasi malapit na yong fiesta dito sa amin kaya may mga perya ngayon sa plaza." Masayang kwento nito.

Bigla rin akong na excited dahil naalala ko dati sa isla tuwing fiesta ganun din may mga perya din at maraming mga tinda na nagkalat sa palibot ng plaza.

Akihiko's P.O.V.

Mga bandang alas singko ng hapon ng umalis kami. Nilakad lang namin ang makitid na daan papunta sa plaza dahil malapit lang naman iyon. Tahimik lamang kaming naglalakad habang katabi ko si Reyn.

Napansin ko kanina na ang pagliwanag ng mukha nito ng mabanggit ang tungkol sa perya kaya alam kung gusto nitong pumunta doon.

Hindi ko alam kung ano ang tinatawag na perya dahil hindi ko alam iyon. Hindi pa man kami nakarating ng plaza ay napansin ko na ang ibat- ibang uri ng paninda na nakahilira sa gilid ng daan. May mga damit, mga pagkain, iba't ibang uri ng laruang pambata at iba pa.

Napansin ko rin ang dami ng tao na halos nakaharang na sa daraanan kaya pasimpleng hinawakan ko ang kamay ni Reyn sa takot na bigla nalang itong mawala sa tabi ko.

Reynalyn's P.O.V.

Ang dami ng tao at karamihan ay mga ka edad ko lang. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang mga matang nakatutok sa amin. Pakiramdam ko tuloy para akong nasa spotlight habang rumarampa sa gitna ng stage.

Actully palagi rin naman iyon nangyayari sa school dahil na rin sa atensyon na ibinibigay ng limang hapon sa sino mang madadaanan ng mga ito. Pero ng oras na iyon pakiramdam ko ako ang reyna ng gabi at ang mga gwapong lalaki sa tabi ko ang mga knight na handa akong ipagtanggol sa sino mang lumapit sa akin.

Nakikita ko ang inggit sa mga mata ng mga kababaihang napapalingon tuwing napapadaan kami.

"Ang swerte mo Reyn. Isa kang Legend." - bulong ko sa sarili.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon