Akihiko's P.O.V.
Pasado alas 7:00 ng umaga na ako nagising kahit pa balak kung gumising nang mas maaga. Medyo late na rin kasi ako nakatulog kaya hindi ko siguro namalayan ang pag- alarm ng cellphone ko.
Dali- dali na akong bumalikwas nang bangon nang maalala si Reyn. Medyo nag- aalala kasi ako rito dahil sa nangyari kagabi.
Dumiritso na ako sa banyo at mabilis na nagshower pagkatapos ay nagsuot nang pambahay dahil wala namang pasok.
Natigilan ako sa tangkang paglabas mula sa pintuan ng aking kwarto nang makita ang mga pinsan. Nasa kani-kanilang pintuan din kasi ang mga ito at may hawak na kapirasong papel.
Napakunot ang noo ko nang sabay- sabay pa ang mga itong napatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng mga ito ngunit pare-parehong seryoso ang ekspresyong nakaguhit sa mga mukha nila.
Magtatanong na sana ako kung ano ang problema nang mapansin ko rin ang isang papel na maayos na katupi sa sahig sa mismong harapan ko.
Pinulot ko iyon at binuklat habang nararamdaman ko parin ang mga mata nilang nakatingin sa akin.
"I'm breaking up with u Aki. I'm sorry!"
Ilang beses ko pang binasa ang ilang katagang nakasulat sa papel dahil parang hindi parin iyon nag si-sink in sa utak ko.
Sulat- kamay iyon ni Reyn ngunit parang ayokong maniwalang sa kanya galing iyon dahil wala akong maisip na dahil para makipaghiwalay ito.
Mabilis na bumababa ako ng hagdan para puntahan ito. Ilang beses akong kumatok hanggang sa pinihit ko ang siradora ng pinto nang walang sumagot sa kabila.
Ang malinis at maayos na kwarto nito ang siyang tanging sumalubong sa aking mga mata. Isang matinding lungkot din ang bigla kong naramdaman.
"R-reyn... Nasan ka? Lumabas kana d'yan at itigil mo nang pagpa-prank sa akin." May halong paki-usap sa boses ko dahil sa totoo lang natatakot na ako na baka hindi ko na ito makikita pang muli.
Dahan- dahan akong pumasok sa loob at binuksan ang banyo nito pero wala parin ito. Hanggang sa mapatingin ako sa dresser nito kung saan nakalagay ang mga damit nito. Dahan- dahan akong lumapit doon. Medyo nanginginig ang kamay kung hinawakan ang siradora niyon at unti- unting binuksan.
Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya napa- upo ako sa kama ng makitang walang kahit isang damit na naroon.
Totoo nga... Umalis na siya. Iniwan na ako ni Reynalyn. Bigla kong naikuyom ang kamaong nakahawak sa kaperasong papel na iniwan nito sa akin.
Gustong manaig nang galit kaysa lungkot sa puso ko ng mga oras na iyon. Galit ako dito dahil hindi man lang ako nito hinintay. Galit ako dahil nakipagbreak ito na walang kahit isang paliwanag. Galit na galit ako dahil ang sakit- sakit tanggapin ang ginawa nito. Galit ako dahil iyon ang gusto kong maramdaman kaysa sa labis na kalungkutan.
"Ahhhhhhh..."
Sigaw ko sa loob ng kwarto nito dahil pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit.
"Aki, calm down." Narinig kong sabi ni Hidio habang tinapik- tapik ang balikat ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok nito.
Tiningnan ko ito. I know basa na nang luha ang mga mata ko pero wala na akong pakialam.
"Calm down? Hahaha,- mapakla kong tawa.
Sabihin mo nga sa akin Hidio paano ako kakalma kung bigla ka nalang iiwan ng taong mahal na mahal mo?" - nakatiim bagang tanong ko rito.
Alam kung wala itong kasalanan pero pakiramdam ko kailangan ko ng taong mapagbubuntungan ng galit ko ng mga oras na iyon.
"Maybe she has a reason--."
"Reason? Wala ngang iniwang kahit isang paliwanag, reason pa kaya? Sabihin mo tulad lang din siya ng ibang babae na pagkatapos kang paibigan bigla- bigla nalang aalis."- galit kong sumbat dito.
Tumayo ako at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri.
"Don't compare Reyn from Yumi. They're diffrent."- depensa nito.
Natatabunan na ng galit ang sakit na nararamdaman ko kaya hindi ko na rin magawang mag- isip ng matino. I know Reyn is deffrent from other women kaya ko ito minahal ng sobra pero ng oras na iyon parang pakiramdam ko nagkamali ako ng pagkakakilala rito.
"Magmula ngayon ayoko nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon, maliwanag?."- madiin kong bilin at tuluyang lumabas ng kwarto.
Tuloy- tuloy akong umalis ng bahay sakay ang kotse.
Sa loob ng sasakyan patuloy parin sa pag- agos ang luha ko. Sandali kong itigil ang sasakyan sa tabi ng daan dahil pakiramdam ko para akong sinasakal. Kinuha ko ang seatbelt at mabilis na lumabas ng sasakyan.
"Reyn bakit... Hindi pa ba sapat yong pagmamahal na binigay ko? Bakit mo nagawa sa akin ito?"
Mahina kong sambit habang nakatayo sa gilid ng daan na para bang nababaliw. Kahit mainit ang sikat ng araw ay hindi ko iyon inalintana.
" Gusto kong isiping nasasaktan ka rin ngayon. Gusto kong isipin na nahihirapan ka rin tulad ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong isipin na mahal na mahal mo ako tulad ng pagmamahal ko sayo pero lahat ng iyon ay hindi mararamdaman ng taong nang- iiwan. Mas higit parin ang sakit na nararamdaman ng taong iniwanan."
Ipinagpatuloy ko ang pagmamaneho hanggang sa napunta ako sa isang bar at doon ko nilunod ang sarili sa alak dahil umaasa akong kahit papano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Reynalyn's P.O.V.
Kasabay nang paglipad ng eroplanong sinasakyan ko ay ang paglipad din ng isip ko papunta kay Aki.
Bigla na namang tumulo ang luha ko ng maalala ito.
"I'm sorry Aki kung hindi kita nahintay. I'm sorry kung hindi ko nagawang magpa- alam ng maayos sayo. I'm sorry dahil.... Dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang talikuran ka ng harapan. Hindi ko kayang makita ang lungkot sa mga mata mo kapag nagpaalam ako sayo."
Bigla akong napahagulhol ng iyak kaya bigla akong nilapitan ng isang stewardess.
"Ma'am, ayos lang po kayo?" - nag- aalala nitong tanong.
Tumango lamang ako bilang tugon. Siguro nag- aalala lang ito dahil lumakas yong hagulhol ko at nakakastorbo sa ibang pasahero.
Sinubukan kong pigilan ang pag- iyak. Kaya para akong nalulunod dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Paalam Aki. Kung sakali mang magkita ulit tayo hiling ko sanang wag mo ako patawarin sa ginawa ko dahil alam ko kung gaano iyon kasakit sayo. Mahal na mahal kita kaya hiling kong maging masaya ka kahit.... Kahit hindi ako ang makakasam mo sa huli."- mapait kung bulong sa hangin.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
عاطفيةReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...