Chapter 46

85 4 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

"Akala ko sa bahay mo tayo pupunta bakit sa mall mo ako dinala?"tanong ko kay Prime pagkababa namin ng kotse nito.

"Ano ka ba? Walang paninda sa bahay namin kaya pano ko bibilhin ang regalo mo?"- pamimilosopo nitong sagot pero nakangiti.

Napailing nalang ako nang hinila nanaman nito ang kamay ko. Bakit ba ang hilig nitong manghila.

"Anong balak mong bilhin natin?"- tanong ko habang nakatayo sa harap ng bilihan ng mga sapatos.

"Ganun ba talaga kapag inlove nagiging bubo? Natural sapatos kaya nga tayo nandito diba?"- pinandilatan ko ito ng mga mata.

Pumasok kami sa loob at nag- umpisa na itong pumili. Ako naman ay nasa may likod lang nito at patingin-tingin.

"Bakit naisipan mong bigyan ako ng regalo hindi ko naman birthday?"- tanong ko habang abala parin ito sa pamimili.

Timigil ito sa pamimili at hinarap ako.

"Una, ikaw ang bestfriend ko. Binibigyan ko nga ng regalo ang iba ikaw pa kay?"- napangiti ako. Dati kasi feeling close ito kaya nakagaanan ko agad ito ng loob. Isa pa totoong mahilig itong magbigay nang regalo basta alam niyang birthday mo kaya marami itong kaibigan sa school maliban sa mga bully.

"Pangalawa, sabi kasi ng pangit na mga bruha sa school kanina bansot at pandak ka daw kaya bibili tayo nang sapatos na may mataas na heels.

Muli ko na naman itong pinandilatan ng mata ngunit tinalikuran ulit ako at naghanap ng sapatos.

Maya- maya ay may kinuha itong leader boots na kulay itim at plain lang yong design pero maganda.

"Charann, 3 inches ang takong ng sapatos na yan iwan ko lang kung di kapa tatangkad jan."-nakangiting sabi nito sabay abot ng sapatos sa akin na agad ko namang tinanggap.

"Alam mo kanina kapa sa pambabara sa akin ha? Sige ka hindi kita tutulingan kay Hidio."-sita ko.

"Charr lang yon besh. Ikaw naman oh. Sinubukan ko lang namang mambara ng tao masyado kasi akong mabait."- pagpapacute nitong sagot.

Pinaupo ako nito sa upuan at kinuha ulit sa akin ang sapatos.

"Oi, ako na ang magsusuot."- pigil ko dito nang tangkain nitong hawakan ang isa kong paa.

"Wag kana mahiya. Minsan lang kitang pagsilbihan eh kaya steady kalang jan."- pagpupumilit nito.

Hinayaan ko nalang ito sa pagpapasuot sa akin ng sapatos na napili nito. Napakasweet nitong kaibigan kaya maswerte akong nameet ko ang isang tulad ni Prime.

"Dali tumayo kana." - excited nitong sabi pagkatapos maisuot ang boots.

Tumayo ako sa harap nito.

"Wow tumangkad kana besh. Tingnan mo kapantay na kita." - pinalo ko ito sa balikat na ikinatawa nito.

"Insulto ba yan o compliment?"- nakataas ang kilay kong tanong.

"Pwedi both?"- natawa nalang ako.

Maganda ang sapatos na napili nito. Magaan sa paa at komportableng suotin. Sa taas nitong 5'4 halos magkasing tangkad na nga kami nito.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon