Akihiko's P.O.V.
Nagkatinginan kaming lima sa tanong na iyon ng babaeng di ko pa alam ang pangalan.
"Pweding doon ka nalang sa kwarto ni Hidio matulog total siya naman ang nagdala sayo dito." -narinig kong sabi ni Daisuke
"Ehhh?? H-hindi pwedi iyon. Alam niyong di ako makakatulog sa ibang kwarto." tanggi nito na sa akin nakatingin.
Pinandilatan ko ito ng mga mata." Hindi rin pwedi sa akin. Alam niyo na may mga babae akong inuuwi minsan."
"Hindi lang minsan.. Baka palagi." -pagtatama ni Daisuke.
"Sa akin di rin pwedi baka matakot lang siya sa kwarto ko. "Sagot naman ni Hiroshi.
Itim kasi ang pintura ng kwarto nito dagdag pa ang mga voodoo dolls collection nito kasama na si Chuckie at Anabelle. Iwan ko ba kung bakit itim ang napili nitong pintura samantalang lahat ng suot nitong damit kulay puti naman.
"Hindi rin pwedi sa kwarto ko. Baka mapatay ko lang siya pagpinakialaman niya mga gamit ko." -Kenshin
"Kung sa kwarto mo nalang kaya Daisuke?" magkasabay pa naming sabi ni Hidio.
"Tumigil na nga kayo.. Kung ayaw niyo eh di aalis nalang ako marami pa kayong dahilan." inis na sabat ng babae.
Bigla naman akong nagpanic dahil hindi pweding umalis ito dahil pag nagkataon siguradong tapos ang maliligayang araw ko.
"Teka.. Diba meron tayong stockroom? Konteng linis lang non siguradong pwedi na iyon." agaw ko sa pag-alis nito.
Mabuti nalang naalala kong may inilagay akong damit na pinaglumaan doon ng isang araw.
"Tama.. Bakit di ko naalala yon." sigunda naman ni Daisuke.
Reynalyn's P.O.V.
Sumunod ako sa limang lalaki na papunta sa sinasabi ng mga itong stockroom. Tumigil ang mga ito sa harap ng isang pintuan sa ilalim ng hagdanan. Binuksan iyon ni Daisuke na agad namang pumasok. Pumasok na rin ako ng makapasok silang lahat.
Nakabukas na ang ilaw ng makapasok ako. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Malaki naman ang stockroom ng mga ito. Puti ang pinturang nakapinta. May mga ilang sirang gamit at ilang mga karton ang nandoon pero sigurado akong kunting linis lang ang gagawin magmumukhang kwarto na iyon.
"Ano? Ok na ba sayo to?" tanong ni Daisuke
"Hmmm... Ok na to kisa sa wala." sagot ko.
"So mag-sstay kana dito? For good?" nakangiting tanong naman ni Hidio.
"Oo naman but.. Pwedi niyo ba akong tulungan linisin to?" tanong ko. Masyadong malalaki ang ilang gamit na nandoon at siguradong mabigat ang mga iyon.
"Oo naman..Mag-start na tayo para mamayang gabi pwedi kanang matulog dito." sabi ni Hidio. Kahit ngayon ko lang nakilala ito alam kong sa limang nandito ito ang pinakamabait at mapagkakatiwalaan.
"Hindi namin sinabing tutulong din kami. sabi ng katabi kong si Akihiko. Sa kanilang lima ito naman ang sa palagay ko ang pinakama-arte.
"Takot kalang sa ipis eh." tukso naman ni Daisuke.
"Obcourse not. Wala lang sa bukabularyo ko ang paglilini---"
"May ipis oh..." napatigil ito sa pagsasalita ng biglang sumigaw si Daisuke sabay turo sa tabi ni Akihiko kaya napatalon-talon ito sa kinatatayuan. Gusto kong matawa sa reaksyon nito sigurado akong takot nga ito sa ipis.
"Shut up Daisuke." inis na sabi nito ng mapagtantong binibiro lang ito ng isa.
"Akihiko look.. I got you something."sabi ni Hiroshi na nasa likod nito kaya mapalingon ito doon.
Sakto namang may iwinagayway itong ipis sa mismong harap ng mukha ni Akihiko kaya nakita ko ang pagbabago ng anyo nito. Bigla itong namutla na parang nakakita ng multo. Tumakbo ito ngunit dahil sa pagmamadali hindi ako napansin nito kaya nabangga ako nito. Dahil hindi ko inaasahan iyon kaya nawalan ako ng panimbang kaya kasama ko itong natumba. Ang nangyari nakadagan ito sa katawan ko habang ang mukha ay nakasubsub sa dibdib ko.
Dahil sa gulat hindi kaagad ako naka-imik. Hindi pa kayang i-process ng utak ko ang nangyari. Maging ito ay marang nashock din dahil parang tuod itong hindi gumagalaw sa ibabaw ko.
"So.. Mananatili na lang ba kayo sa ganyang ayos?" naka-cross arms na sabi ni Daisuke na may pilyong ngiti sa labi.
Mabilis pa sa alas-kwatrong itinulak ko ito sabay tayo. Alam kong namumula ang pisngi ko sa pagkapahiya kaya napatakbo ako sa labas. Parang bigla kasi akong nawalan ng lakas na harapin ang mga ito lalong-lalo na si Akihiko.
Akihiko's P.O.V.
I feel it.. I feel her firm breast in my face. Nagulat din ako sa nangyari kaya hindi ko nagawang lumayo agad sa katawan nito.
Bigla ako nitong itulak ng magsalita si Daisuke kaya tumihaya ako sa tabi nito.
Hindi pa ako nakakatayo ay bigla nalang itong tumakbo at lumabas.
"You're hard." naiiling na sabi ni Daisuke sabay tingin sa bagay na bumukol sa pantalan ko.
"Shit". Napatayo ako at kinalma ang sarili. Nagulat ako sa naging reaksyon ng katawan ko. Common lang sa akin ang mga ganong posisyon pero hindi ako agad nag-iinit ng dahil lang sa ganon but this time. Hindi ko alam kong ano ang pumasok sa isip ko bakit ganon nalang ang response ng katawan ko.
"Ang manyak mo talaga Akihiko." dagdag pa ni Daisuke.
"Fuck you Daisuke..ikaw din." tukoy ko kay Hiroshi na may pakana ng lahat.
"Bakit? Kasalan ko bang di mo naitago ang karupukan mo." seryosong sabi nito.
"Not her Akihiko.. I think she's a good girl." seryosong sabi ni Hidio na lumabas din ng kwarto.
"Anong nangyari doon?" taka kong tanong
"Maybe... Binabalaan ka lang niyang wag mong pakialaman ang alaga niya." natatawang sabi ni Daisuke.
"Tssk.. Akala mo naman kagandahan yong babaeng yon." sabi ko.
"Talaga lang ha.. Pero baki..." hindi nito tinuloy ang sasabihin at tiningnan lang ang harapan kong kumalma na.
"Shut up.. Kanina pa yan dahil iniisip ko si Isabel kaya wag kang mag-assume na dahil iyon sa babaeng iyon." tanggi ko. Si Isabel kasi ang bago kong nobya.
"Alright..sabi mo eh. Maglinis nalang tayo dito habang kinakausap ni Hidio yong babae." sabi ni Daisuke pero naglalaro parin ang nakakalokong ngiti sa labi. Pumayag naman ako para hindi na ako muling tuksuin nito.
Mabuti pa si Hiroshi at Kenshin na parehong walang pakialam sa naganap kaya hindi ko kailangang problemahin ang mga ito. Kaya si Daisuke lang ang kailangan kong isipin. Maloko kasi ito at hindi mo alam ko ano ang iniisip o pinaplano nito.
Kinuha na namin ang mga gamit na nandoon at inilipat sa may parking space sa labas habang wala pa kaming mapaglalagyan. Ngunit nalinis at nakuha na namin lahat ng gamit pero hindi parin namin nakita ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
RomansaReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...