Reynalyn's P.O.V.
Palihim akong hinila ni Aki nang umagang iyon matapos naming kumain nang agahan sa isang cottage.
"Saan tayo pupunta?"-tanong ko habang hila-hila nito.
"Gusto masulo masolo ang girlfrind ko."- sagot nito na ikinatalon nang puso ko. Oo nga pala boyfriend ko na ito. Sa sobrang saya ko halos hindi pa ako makapaniwala na boyfriend ko ba si Aki.
Habang naglalakad habang nakahawak kamay napansin ko ang ilang kababaihang napapatingin sa aming dalawa o mas tamang sabihin kay Aki. Ang gwapo-gwapo naman kasi nito sa suot nitong fitted na v-neck tshirt at shorts na kulay itim.
Muli na naman akong napangiti. Naisip kong baka naiinggit ang mga babaeng iyon dahil ang gwapo nang boyfie ko.
Dinala ako ni Aki sa isang garden na hindi ko man lang napansin na meron pala sa lugar na iyon. Pinaliligiran iyon nang iba't ibang uri nang mga bulak-bulak na hindi ko kilala ang mga pangalan. Sa may gitna ay may maliit na fountain na may nakatayong babae na may hawak na banga kung saan doon lumalabas ang tubig.
Sa paligid niyon ay may mga pahabang upuan na gawa sa semento. Nagmukha tuloy iyong park imbes na garden. Dahil umaga pa kaya walang tao roon dahil busy ang mga ito sa pagligo sa dagat.
Pinaupoa ko ni Aki sa isang upoan tiya ito tumabi sa akin. Aaminin kong medyo nahihiya parin ako dito. Hindi ko kasi alam kung paano umakto bilang gf nito.
Maya- maya pa naramdaman ko ang pagdantay nang isang kamay nito sa balikat ko at mahagya akong hinapit para humilig sa dibdib nito.
Dinig na dinig ko ang malakas na tibok nang puso ko tulad nang nararamdaman ko nang oras na iyon. Pakiramdam ko nawala ang hiya ko na parang biglang naging komportable agad ako habang nakasandal dito.
"Reyn, I'm sorry kung nabubully kita noon."- bukas nito sa usapan.
Nguniti ako. Bigla ko kasi naalala ang unang araw na dumating ako sa buhay nito.
"Nakaraan na iyon. Isa pa hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa'yo."
"Para saan?"- may pagtataka sa tanong nito.
"Naalala mo yong araw na pinalayas niyo ako dahil sabi niyo baka isa akong espiya? Yong lalaking nagbuhat sa akin pabalik nang bahay.. Ikaw yon diba?"
Hindi agad ito nakapagsalita pero naramdaman ko ang paghigpit nang hawak nito sa balikat ko.
"Siguro nang mga sandaling iyon meron nang bigkis na konektado sa ating dalawa. Aaminin kung nang oras na iyon.. Ayaw ko talaga sayo pero hindi ko maintindihan kong bakit bigla nalang kitang habolin at hinanap."- paliwanag nito.
Bahagya akong tumingala para makita ang mukha nito.
"Hindi kaya.. Noon pa lang espisyal na ako sa puso mo kaya hinanap mo ako?" - panunudyo ko.
Yumuko ito pero hindi ko napaghandaan ang ginawa nitong paghalik sa tungko nang ilong ko.
"I love you Reyn. Alam ko noong una din ayaw mo sa akin."
Kinilig na naman ako. Bakit kasi ang sweet nang lalaking ito?
"Siguro dahil sa tamis mong magsalita kaya maraming mga babaeng napapa-ibig mo no?"- panunukso ko ulit dito.
BINABASA MO ANG
Farthest Star in the Universe
Roman d'amourReynalyn Amparo Carmona was came from a poor family in the farthest Island of iloilo. Dahil matalino, nakakuha siya nang isang scolarship galing sa pinakasikat na paaralan sa Maynila. Dinala siya ng kanyang tiya sa Maynila dahil nangako ito sa ka...