Chapter 17

113 6 0
                                    

Reynalyn's P.O.V.

Mga bandang alas-10:17 nang gabi nang makaramdam ako nang pagkalam nang sikmura. Wala na sana akong planong kumain ngunit biglang humilab ang tiyan ko kaya napilitan akong lumabas nang kwarto para pumunta nang kusina.

Madilim na ang buong paligid nang sala.  Tanging ang liwanag mula sa kwarto ko ang nagbibigay nang kaunting liwanag na tama lang para masilayan ko ang kabuuhan nang sala at ang daan patungo sa kusina.

Dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina. Sinigurado kong hindi ako makakalikha nang ano mang ingay na makakapagpagising sa mga taong nandoon at alam kong nasa kahimbingan na nang pagtulog.

Wala ding ilaw sa kusina nang makarating ako doon. Pero may kaunting liwanag naman na nanggagaling sa labas na tumatagos mula sa kristal na bintana kaya kahit papano ay nakikita ko pa ang ilang bahagi ng kusina.

Ayoko namang buksan ang ilaw dahil baka may makapansin at puntahan pa ako doon. Baka isipin pa nang mga itong pa-arte-arte pa ako tapos ngayon mahuhuling naghahalungkat nang pweding makain.

Dahan-dahan kung binalaybay ang daan patungong refrigerator nang bigla akong matumba dahil sa kung anong bagay na nakaharang sa daraanan.

Tuloy-tuloy akong bumagsak hindi sa sahig kundi sa matigas na ulo nang kung sino mang nakaharang sa daraanan. Halos magkasabay pa kaming napasigaw dahil sa pagsalpukan nang mga ulo namin.

"What the hell."-siya

"Arayyyy."- ako

Nang makabawi ay dali-dali kong inabot ang switch nang ilaw sa pag-aakalang isang magnanakaw iyon.

Ang nakalukot na mukha ni Akihiko ang nakita ko nang bumukas ang ilaw. Napapikit pa ito ulit siguro dahil nasilaw sa biglaang liwanag.

Akihiko's P.O.V.

Nakaramdam ako nang gutom siguro dahil kaunti lang ang kinain ko kanina kaya naisipan kong bumababa para kumain. Alam ko kasing di ako makakatukog nang maayos kapag kumakalam ang aking sikmura.

Nasa kalagitnaan na ako nang pagkain nang kanin na nilagay ko sa isang pinggan kasama ang ulam kanina habang nakaupo sa tabi nang ref nang biglang may natisod sa dalawang paa kong nakaharang sa daraanan nito.

Masyadong gutom na rin siguro at enjoy na enjoy sa pagkain kaya hindi ko na napansin ang paglapit nito.

Napasigaw ako sa sakit nang tumama nag noo nito sa noo ko kasabay nang paglipad nang pinggan na kinakainan ko kanina. Kahit madilim alam kong nakakalat na iyon sa sahig.

Kasabay nang pagtayo ko ay ang paglamon nang liwanag sa kanina ay madilim na paligid. Napapikit pa ako nang bahagya nang tumama sa mata ko ang liwanag nang ilaw.

Nang makabawi ay tiningnan ko agad kung sino man ang taong natisod kanina. Sabay pa kaming nagulat nang makita ang isa't isa.

"Why are you here?"-  ako

"Anong ginagawa mo dito?"-siya

Magkasabay pa naming tanong. Halos magkasabay din kaming napatingin sa  pagkaing nakakalat sa sahig.

Bigla nalang itong yumuko at pinagpupulot ang pagkaing nakakalat at ibinalik sa nakataob na pinggan na himalang hindi nabasag.

"Nako! I'm sorry." - bulalas nito habang sinisimot ang naiwan pang ilang butil nang kanin.

Hindi ako sure kung kanino ito humihingi nang sorry. Sa akin ba o sa pagkaing nakakalat.

Inilagay agad nito sa lababo ang mga iyon at naghugas nang kamay tyaka ako hinarap.

"Bakit di mo binuksan ang ilaw?" - tanong nito.

"Bakit di mo rin binuksan ang ilaw? At ano ang gagawin mo rito?" -balik tanong ko naman na biglang ikinatahimik nito.

Gumawa iyon nang tela nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa nang biglang tumunog ang tiyan nito sanhi nang gutom.

Napansin kong parang biglang namula ang mukha nito. Tela ba nahihiya ito sa harap ko dahil sa pag-alburuto nang tiyan nito.

Hindi ito nagsalita kaya hinawakan ko ang braso nito tyaka hinila paupo sa harap nang dining table.

Hindi naman ito umimik at sumunod lang. Tahimik lang itong umupo at nakikiramdam sa susunod na gagawin ko.

Kumuha ulit ako nang dalawang plato at inilapag sa harap nito ang isa. Kumuha na rin ako nang kanin at ulam at inilapag din doon tyaka umupo sa katabi nitong upuan.

"Hindi pa ako tapos kumain kaya sasabayan na kita."- sabi ko sabay kuha ulit nang panibagong kanin at ulam at inilagay sa plano.

Nauna na akong kumain dito. Maya-maya ay tahimik na rin itong sumabay sa akin sa pagkain. Lihim akong napangiti sa nakikitang magana nitong pagkain kaya hindi ko rin napansing naparami narin ang nakakain ko.

Pagkatapos kumain ay ito na ang nagpumilit na maghugas nang pinagkainan namin.  Sinamahan ko nalang muna ito roon hanggang sa matapos ito.

Magkasabay na kaming bumalik sa kanya-kanya naming kwarto nang matapos ito sa paghuhugas. Ngunit hanggang sa makarating ako sa kwarto alam kung di parin mawala ang ngiti sa labi ko.

Reynalyn's P.O.V.

Pigil na pigil ang paghinga ko habang naghuhugas ako nang pinggan. Bigla kasi akong nakaramdam nang pagkailang dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin mula sa likuran ko.

Naroon kasi si Akihiko. Nakatayo ito sa may bandang likuran ko habang nakasandal sa may dengdeng. Nagpumilit kasi itong samahan ako doon hanggang sa matapos sa paghuhugas.

Kanina habang kumakain kami ay tahimik lang ako. Ayukong magsalita dahil parang bigla akong nahiya dito lalo na at nahuli nito ang pagtunog nang tiyan ko.

Ito pa naman ang taong gusto kung iwasan kanina. Pero tila dahil sa kakaiwas ko y talagang hindi ko maiwasan ito. Sadyang mapaglaro nga ang tadhana dahil ngayon ako ang trip nitong paglaruan.

May dala itong cellphon kaya iyon ang ginamit naming ilaw pabalik sa kwarto namin matapos patayin ko ang ilaw sa kusina.

Pagbalik ko nang kwarto ay hindi agad ako dinalaw nang antok. Pabaling-baling lang ako sa higaan. Lahat yata ng posisyon sa pagtulog ginawa ko na. Patihaya, padapa, tagilid at maging ang pagtulog na nakatuwad pero hindi parin ako inantok hanggang sa abotin ako nang madaling araw. Doon na ako nakaramdam nang antok at tuluyan nang nakatulog.

At sa pangalawang pagkakataon. Ang lalaking ito na naman ang laman nang aking panaginip. Bakit kaya? Dahil ba ito na ang palaging laman nang isip ko nang mga nagdaang araw? Ang lalaking pumuyat sa aking ngayong gabi. Ang lalaking naging dahilan kung bakit ako hindi makatulog nang gabing iyon. Si Akihiko ang lalaking nakakabusit pero---gusto ko na yata?

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon