Chapter 38

91 4 0
                                    

Prime's P.O.V.

Halos mapunit ang labi ko sa sobrang lapad nang pagkakangiti nang matanggap ko ang imbetasyon ni Reyn sa akin. Mga bandang alas 9:00 nang umaga nang tawagan niya ako para yayaing mag-overtime sa isang resort. Tenext lang nito ang address na hindi ko alam kung saan ngunit kahit saang lupalop pa yan ng mundo hahanapin ko dahil nandoon ang aking "Hidio".

"Manong malayo pa ba tayo?"- excited kong tanong sa driver nang taxi. Binigay ko kasi dito ang address na binigay ni Reyn.

"Malapit na po."- kalmadong sagot nito.

Almost 40 minutes na rin kasi yong tagal nang byahe namin at medyo malaki narin yong babayaran ko pero ayos lang dahil malaki naman yong ipon ko mula sa pagpapartime job nang nakaraang bakasyon ang mahalaga makikita ko na ang aking "Hidio" kahit sabado at linggo.

Sa pitong araw kasi sa isang linggo talagang sabado at linggo ang pinakaayaw ko dahil nababagot lang ako sa bahay at hindi ko nakikita ang crush ko. Kaya tagalang masayang- masaya ako sa ganito kagandang opurtunidad. Kahit maubos pa lahat ng ipon ko ayos lang dahil pwedi kong pagtrabahuin ulit pero ang time na makakasama ko si "Hidio" ay minsan lang mangyari.

Hindi naman kasi kami ganun kayaman. Tatlo kaming magkakapatid at ako yong pangalawa. Tama lang ang pamumuhay namin pero dahil magastos ako sa pagsstalk kay Hidio nang summer vacation kaya naghanap ako ng partime job.

"Nandito na po tayo mam."- magalang na sabi ng driver matapos nitong pinark sa isang tabi sa harap ng resort ang sasakyan.

"Salamat po manong."-nakangiti kong sagot habang inaabot ang bayad.

Bumababa agad ako at tinawagan si Reyn para ipaalam sa kanilang nandito na ako.

Nakailang tawag din ang ginawa ko pero nagriring lang ang phone nito kaya naisipan ko maglibot-libot nalang muna.

Kinuha ko ang pink na payong sa maliit na backpack na dala ko na kasya lang para sa isang bihisan. Nakashorts na maong ako na pinaresan ko nang turtle neck na croptop na kulay yellow mas lalong nagpalitaw sa maputi kung kutis. Nagtsinilas lang ako dahil sa beach naman ako pupunta.

"Pwedi na rin tong panligo ang suot ko kaysa magdala pa ako nang maraming gamit."- bulong ko habang sinusuri ang suot.

Tamad kasi ako magbitbit nang maraming dala. Gusto ko yong sinusuot ko lang tulad ng backpack dahil medyo makakalimutin ako kapag may hawak ako sa kamay. Siguradong maiiwan o maiwawala ko lang iyon kung saan.

Binuksan ko ang payong at nagsimula nang maglakad palaapit sa may dagat. Masayang pinagmamasdan ko ang pakigid nang marinig ko ang boses nang ilang taong masayang nagtatawanan habang paahon nang dagat.

Halos lumuwa ang mata ko sa tuwa nang makita ko ang hinahanap. Agad akong tumakpo palapit sa mga ito at niligkis agad ang braso sa basang braso ni Hidio. Wala akong pakialam kahit mabasa man ako basta kasama ko ang aking "Hidio."

Reynalyn's P.O.V.

Hindi na kami nagtagal sa dagat dahil masyado nang mainit. Sa palagay ko nga umitim na naman ako pero yong lima namula lang yata. Haist, sana all namumula lang kapag naiinitan.

Nagulat ako nang bigla nalang sumulpot sa kung saan si Prime at agad na lumapit kay Hidio. Medyo nawala rin kasi sa isip ko na inimbitahan ko pala ito dahil medyo naiilang din ako na ako lang yong nag-iisang babae dito baka iba ang isipin nang mga nakakakita.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon