Chapter 25

168 10 8
                                    

Akihiko's P.O.V.

Pagpasok palang ni Hidio at Reynalyn ng kanten ay napansin ko na agad ang mga ito. Hindi ko lang pinahalata at nagkunwaring enjoy sa kaartihan ng mga kababaihan sa harap ko.

Saktong nakaupo na sila sa bakanteng mesa na para lang sa pandalawahang tao ng lumapit ako. May dalawangpong metro din siguro ang layo nila sa akin kaya ilang hakbang din ang ginawa ko bago nakalapit.

Kinuha ko ang isang upuan na nasa may daraanan ko at dinala iyon sa tabi ni Reynalyn. Nakita kong natigilan ito sa pagsubo sana ng pizza at tumingin sa akin.

Alam kung nagtaka ito sa biglaang paglapit ko dahil ilang araw ding hindi kami nagpapansinan nito. Mula kasi nang araw na pumunta doon si Claudin ay nag-iiwasan na kami nitong hindi magkita kahit nasa iisang bahay lang kami.

Sinabi ko noon sa sarili kong pangangatawan ko na ang pag- iwas at hindi pagpansin dito dahil ayoko na muling magmahal at mas lalong ayoko nang masaktan. Alam kong naging duwag ako dahil natatakot ako sa naging karanasan ko noon sa isang babaeng minahal ko ng sobra ngunit biglang nagbago ang lahat sa isang iglap lang.

Flashback...

Napatingin ako kay Reynalyn sa kusina nang bahay habang nakangiting nakatingin ito sa mga pinsan ko. Saglit din akong napahinto sa tangkang pagpasok sa kusina dahil para akong naakit na titigan ang nakangiting mukha nito . Medyo nakatagilid kasi ito kaya kita ko ang pagguhit ng magandang ngiting iyon sa magandang mukha nito kahit nasa may bandang likuran pa ako nito.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla nalang nawala na parang bula ang takot sa dibdib ko. Bigla kung narealized na hindi pala nagbibigay nang takot ang pag- ibig kahit minsan kanang nasaktan at nabigo. Dahil nagbibigay iyon ng kakaibang saya, kakaibang damdaming unti- unting pumapawi sa takot. Damdaming nagbibigay ng lakas ng loob. Lakas ng loob para magmahal ulit. Dahil mas nakakatakot palang makita mo ang mahal mong masaya sa piling nang iba habang wala ka man lang ginawa para ipaglaban siya.

Kaya this time, hindi na ako iiwas. Hindi na ako panghihinaan ng loob para iparamdam kung gaano siya kahalaga sa akin, sa puso ko, sa buhay ko dahil hindi na ako duwag gaya noon kundi naging mas malakas pa ako. Mas naging matapang na agawin siya sa iba. Dahil gusto ko, akin lang siya. Akin lang si Reynalyn at kukunin ko siya sa kahit kaninong lalaki, kahit pa kay Hidio.

Reynalyn's P.O.V.

Hindi ko pa man naisusubo ang pizza sa bibig ko ay naramdaman ko na ang paglagay at pag- upo ni Akihiko sa tabi ko. Nagtatakang tiningnan ko ang gwapong mukha nito habang ubod ng tamis ang ngiting nakapaskil sa mukha nito. Bigla akong nailang sa mga titig nitong deriktang nakatingin sa mga mata ko kaya palihim akong nagbawi ng tingin at tinuloy ang pagkagat ng pizza. Mas ok na wag ko nalang ito pansinin dahil mahihirapan lang akong pigilan ang puso kong wag mahulog ng tuluyan dito.

Akala ko aalis na ito nang tumayo ito pero lumipat lang pala ito ng pwesto at tumabi kay Hidio kaya magkaharap na kami nito. Mas lalo tuloy akong nailang dahil mas lalo ko itong mapapansin at makikita dahil sa harap ko lang ito.

Nasamid pa ako sa kinakain kong pizza nang bigla nitong ipinatong ang dalawang siko sa mesa at pacute na nangalumbaba sa harapan ko. Nagulat ako sa ginawa nito kaya hindi ko napaghandaan ang sarili.

Mabilis naman itong lumapit ulit sa tabi ko at inabot sa akin ang softdrink.

"Are you ok?" - narinig kong tanong nito sa pagitan ng pag- ubo ko.

Tumango- tango ako nang medyo nahimasmasan na ako matapos kunin dito ang softdrink at ininom iyon.

"Be careful." - dagdag pa nito tyaka bumalik ulit sa tabi ni Hideo.

Kasalanan mo to eh. Kung hindi ka lang sana nagpacute sa harap ko di sana walang problema.

Bulong ko sa sarili at sinulyapan si Hidio na napansin kung pangiti-ngiti lang.

Binuhos ko nalang ang sarili sa pagkain at iniwasang huwag mapatingin sa gawi ni Aki baka sa susunod mabulunan na ako.

Kenshin's P.O.V.

Pagkarecess hindi ako sa canteen dumiritso kundi paborito kong lugar. Sa rooftop ng school. Wala kasing studyanteng nagagawi doon dahil may isang studyante bigla nalang pinatay doon last year kaya takot na ang mga studyanteng umakyat doon.

Sa pagitan ng katahimikan habang nakasandal ako sa may dengdeng ay narinig ko ang mga hikbi ng isang babae. Authomatic na kumunot ang noo ko sa matapang na babaeg umakyat doon.

Nang una hindi ko lang iyon pinansin pero nainis na ako sa ingay nang huli kaya hinanap ko kung sino man iyon para paalisin.

Parang nasa likod nang malaking drum na bakal nang galing ang iyak kaya dahan- dahan akong kumapit doon.

Habang papalapit sa nakita ko ang isang babaeng umiiyak sa pagitan ng dalawang drum. Hindi ko nakilala ito dahil nakasubsub ang mukha nito sa dalawang tuhod habang nakayuko.

Napansin siguro nito ang presensya ko dahil unti- unti itong nagtaas ng mukha. Medyo nagulat pa ako nang makilala si Prime. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nataranta habang nakatingin sa akin ang mga mata nitong hilam nang mga luha. Para kasing kinakausap ako ng mga mata nito. Parang nakikiusap itong kunin ko ang kung ano mang sakit na nasa puso nito.

Natatarantang kinuha ko ang puting panyo ko at hinagis dito. Sa tungko nang ulo nito iyon bumagsak.

"Hideout ko to kaya wag kana ulit pumunta dito para umiyak."- seryoso kong sabi at mabilis ang hakbang na iniwan ito doon.

Parang hinabol ako ng turo habang bumababa ng hagdan. Dagdag pa ang malalaking hakbang na ginawa ko para makalayo lamang doon.

Prime's P.O.V.

Kinuha ko ang panyo na nahulog sa ulo ko dahil sa paghagis ni Kenshin. Kilala ko ito dahil cousin ito ni Hidio pero nagtataka akong kinausap ako nito kahit sandali lang. Kilala ko kasi itong hindi namamansin at denedeadma lang ang kung sinong lumapit dito.

Dahil sa paglapit nito natigil din ang pag- iyak ko kaya tumayo na ako. Ginamit ko ang panyo nito sa pagpunas ng mga luhang natira sa pesngi ko. Nang ma- ayos ang sarili ay bumaba na rin ako dahil maya- maya lang ay magsisimula na ang klase. Tyaka ko nalang isasauli ang panyo kay Kenshin pag nalabhan ko na.

Farthest Star in the UniverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon